Chapter 2:

1.8K 51 6
                                    

♪♪ All I know is we said hello and your eyes look like coming home. All I know is a simple name and everything has changed...

Hindi naman talaga ako umiinom pero dahil ilang araw narin akong walang maka-usap at walang magawa, parang gusto kong uminom ngayon. Kaya pumunta ako sa isang bistro na malapit lang din sa subdivision.

I was on my third shot nung may lumapit sa bar counter at umorder din ng alak. Isang upuan lang ang pagitan naming dalawa.

The guy was tall, maputi, at matangos ang ilong. Oversized na plain black shirt ang suot nya. Meron syang dalang denim jacket sa kaliwang kamay at isang bote ng beer na wala nang laman sa kanan. Meron din syang necklace na metal guitar pick ang pendant.

He looked really good. He smelled really good, too.

Nilayo ko na ang tingin ko sa kanya bago pa ako magsimulang mag-fangirl. Hay nako. Really, Serenity? May balak ka pang mag-fangirl sa kabila ng sitwasyon mo sa buhay?

"Parang naliligaw ka yata?" Narinig kong sabi ng isang boses. Lumingon ako sa tabi ko pero diretso lang ang tingin ng lalaking dumating kanina. Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa iniinom ko nang bigla syang nagsalita ulit.

"You look like a minor."

Napatingin naman ako sa suot kong white shirt na may hello kitty print, high-waist na pink na skort at white sneakers. Medyo out of place nga ako dito ngayon pero maaga pa naman at wala akong balak magpagabi masyado. Ang alam ko kasi 11PM pa nagiging medyo party place ang lugar na 'to. 9-11PM may mga tumutugtog na banda o singers at malapit naring magsimula yun kaya balak ko naring umuwi mayamaya.

"Minors are not allowed in here. Go home before your parents get worried."

Pakialamero. Don't you just hate men and the way they think that they are entitled to tell women what they can and can't do?

"You can't tell me what to do, okay?!" Yan lang ang nasabi ko dahil mabilis syang tumayo at nagsimula ng maglakad.

"Wala kang ibang kasama. Delikado. I know you can defend yourself but guys can really be disrespectful. Anyway, just be careful."

Mukha ba akong teenager na delinquent? I'm an independent woman. I can do whatever the hell I want and I can take care of myself.

"Who does he think he is!" Inilapag ko ang ikaapat kong bote. "Kuya! One more of this please."

Mayamaya may nagsimula ng mag-soundcheck. Naku, kelangan ko na sigurong umuwi, dumadami narin kasi ang mga tao.

"Uhm, good evening everyone." Napatingin ako sa stage ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Bigla namang nagsigawan ang mga tao lalo na yung mga babaeng nasa harap ng stage.

"This is Nikos Caprielle and I'll be singing for you guys for the next two hours. Anyways, I put up a really cool playlist for y'all." Lalo pang lumalakas ang sigawan nila. "Sana po maenjoy nyo. So yeah, here we go..."

♪♪ Oh I'm a mess right now, inside and out.
Searching for a sweet surrender but this is not the end. ♪♪

Nagsimula na syang kumanta. Yung lalaki kanina, singer pala sya dito. And I must admit na magaling sya. Kaya pala may kakaibang timbre yung boses nya kanina. Yung tipong pag narinig mo hindi ka mapapakali hangga't hindi mo nalalaman kung kanino nanggaling.

I'm A Mess yung kanta. Hay naku, ako ba ang pinatatamaan nito?

Hindi ko namalayan na nasa ikaanim na kanta na pala sya habang nasa ikatlong bote naman ako. Masyado siguro akong nadala bilang isang musically inclined na tao.

Nararamdaman kong medyo lasing narin ako pero parang hindi matutuloy ang plano kong umuwi ng maaga. I was captivated by this stranger's voice. A few more songs and a few more drinks wouldn't hurt, right?

Chasing SunsetsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt