Chapter 62:

539 20 0
                                    

♪♪ Pay attention, I hope that you listen cause I let my guard down, right now I'm completely defenseless...

Celestine Serenity Concepcion

What Ann told me yesterday was really pivotal. Somehow, nasagot nun lahat ng tanong ko. It made me understand everything completely in a different perspective. Pero, well, hindi pa rin nun mababago ang lahat. Everything's been said and done.

I've been contemplating about my whole life. Kung tutuusin ang daming mas malaking problema kesa dito sa problema ko pero wala akong magagawa. Ito na siguro yung climax ng istorya naming dalawa. Dito nakasalalay kung mabubuhay pa ba ako nang walang pagsisisi.

Sinabi kong hinding-hindi ko sya susukuan pero gusto ko lang naman na sumaya sya. Kahit ibig sabihin nun kailangan ko na syang pakawalan, gagawin ko.

Alam nyo yung instance na mahal mo pa pero ayaw mo na? Pakiramdam ko kasi ganun sya ngayon at ayaw na nya talaga. Siguro matagal na nga syang bumitaw.

At napapagod na rin ako. Hindi ko na alam kung bakit ko ginagawa 'to. Siguro kaya hindi ko lang sya malimutan dahil wala kaming formal closure. Maybe our last day at Tenerife Heights was our closure. He freaking told me to move on. Or maybe what Ann told me was our closure. Maybe what she said was right, "the best closure is the truth".

I can't even cry anymore. I got used to all the heartaches it was almost normal. We have our own faults on this, anyway. Ito na siguro yung karma na binigay sa amin ng universe.

Siguro kailangan ko na ring tigilan 'tong habit na to. Yung every night I stay up until the morning dito sa balcony waiting for shooting stars and thinking about him. It's becoming unhealthy. And I don't see the point anymore.

The rain and the tears come; the shooting stars never did. He never did, too.

I can imagine him sleeping soundly at this moment while I'm here drowning in dismay for all my wasted time.

I think that's enough to be a sign na wala na talaga kaming pag-asa. I'm just prolonging the agony. Siguro may gusto lang syang maramdaman nung dinala nya ako sa Tenerife Heights pero hindi nya yun naramdaman. We both tried enough pero wala talaga.

Papasok na sana ako para matulog. Mabuti na lang dinalaw ako ng antok ngayon. Pero may napansin akong pamilyar na kotse sa harap ng bahay ko. Yung itim na kotse na nakikita ko minsang naka-park sa harap ng bahay across the street. Pero ngayon kasi nakapark na sya sa harap ng gate ko na ngayon ay bukas na.

Tumingin ako sa baba. Baka kasi masamang tao na pala na matagal na akong minamanmanan. Hindi malabo dahil may nasasagasaan talagang malalaking tao yung kompanya namin. Hindi naman ganun kalala pero bigla akong kinabahan.

May biglang gumalaw at nagulat ako sa nakita ko.

Nasa may harap ng bahay ko si Nikos! Sya ba yung laging tumatambay sa harap ng bahay ko tuwing gabi? Nagmamadali akong bumaba.

Shit, ano Serene? Nakita mo lang sya, nawala na lahat ng iniisip mo kanina?

Sumilip muna ako sa labas. Pinag-isipan ko muna kung magpapakita ba ako sa kanya o hindi.

He was wearing the denim jacket I gave him five Christmases ago. What does that mean? Anong ginagawa nya dito? Dadalhin na naman ba nya ako sa kung saan tapos iiwan ulit kinabukasan? Pwes ngayon, wala na akong balak na sumama sa kanya.

Nakaupo sya sa isang tabi. His hands were on his face. Lumingon sya sa may pinto. Magtatago sana ako pero huli na. Nakita na nyang nakatingin ako sa kanya. Wala na akong nagawa, lumabas na ako ng tuluyan.

Chasing SunsetsWhere stories live. Discover now