Chapter 21:

691 35 2
                                    

♪♪ I love you when you're singing that song and I got a lump in my throat cause you're gonna sing the words wrong...

Celestine Serenity Concepcion

"Kamusta na ang SerKos?" Tanong ni Shein. Lunch break namin ngayon. Sya ang kasama ko dahil pinagtataguan ko si Nikos. Nakakahiya kasi e. Naaalala ko parin yung nangyari sa beach pag nakikita ko sya.

Isa pa, ang kulit ni Nikos ngayon! Nakakapanibago. I mean, lagi na lang syang sumasama sakin kahit saan ako magpunta. Minsan kahit sa bahay ko bigla na lang syang sumusulpot kaya wala na akong magawa kundi hayaan na lang sya.

"Shein, seryoso, ang chaka nyang naisip mo." Natatawang sagot ko sa kanya.

"Kanina ka pa nya hinahanap sakin. Hindi pa ba kayo nagkikita?"

"Oo. Wag ka na lang maingay kung nasaan ako." She just made a face.

"Ewan ko sayo ang dami mo pang arte. Kung ako ikaw talagang go lang ako ng go kay Nikos." Kunot-noong sabi nya. "Sabagay, kahit hindi ko naman sabihin kung nasaan ka, love finds its way."

*****

Natapos na ang classes ngayong hapon. Nakakapagod pero worth it naman. Ayaw ko pang umuwi kaya nagpaiwan muna ako sa school. Pumasok ako sa isang room dala ang gitara ko.

Nagsimula na akong kumanta. Tama nga siguro si Nikos, mahilig talaga akong mag-emote. Namiss ko rin kumanta ng ganito. Yung dama mo talaga bawat salita, bawat tono.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkanta ng maramdaman kong may taong nakatayo sa harapan ko.

"Hey chill, galit na galit ka sa microphone ah." Napatigil ako sa pagkanta.

"Ikaw na naman? Wag ka ngang nanggugulat dyan! Ngayon na nga lang ulit ako nakakanta e." Medyo iritadong sabi ko sa kanya. "Alam mo yung nasa climax na ako nung kanta, andun na talaga e, tapos bigla kang lalabas!"

"Fierce ah. Meron ka?" Loko nya. Inirapan ko nga.

"Umalis ka nga dito. Palagi ka na lang sumusulpot kung saan saan. Lubayan mo nga ako. Siguro may crush ka talaga sakin no?" Biro ko sa kanya.

"Well, yes. At wala ka nang magagawa dun." Diretsong sabi nya at saka umupo sa tabi ko.

"Bakit lumalapit ka na naman? Patay na patay ka na ba talaga sakin?" I said, smirking. Sasakyan ko na lang ang trip ng lalaking to.

"Oo nga kasi. Tanong pa ng tanong." Sagot nya. Aba, pinagtitripan talaga akong nitong lalaking to. "Anyway, gusto mo ba ulit magperform sa bistro?"

"Bakit, isasama mo ba ulit ako?" Biro ko sa kanya.

"Why not?"

"Really?! Yes please!" Excited na sagot ko sa kanya.

"Alright. Let's sing on friday."

"Yaaaay! Oh sige alis ka na, magpapractice ako." Half-kidding na sabi ko sa kanya.

"Aray naman. Ayaw mo ba talaga akong makita?"

"Nakakasawa ka kayang tingnan!"

"Kasalanan mo rin. Wag mo kasi akong laging tinititigan." Sabi nya na may nakakalokong ngiti. "Hindi ako aalis dito."

"Please, Nikos? Gusto ko lang mapag-isa."

"Seryoso, I don't kiss for no reason, Serenity. You're my responsibility now. Wala ka nang magagawa, wala ka nang kawala." WHAT?! Shit pinapaalala na naman nya sakin yung kiss.

"Creepy mo!" Yan na lang ang naisagot ko. Hindi ko kasi matanggap na parang kinikilig ata ako.

Serenity, you're screwed. Freaking screwed.

Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon