Good Girl?

11 0 0
                                    

Good Girl?
Ya-c's POV

"I did'nt had a choice.."

"You always have a choice.. But you choose to break my heart.."

Singhot singhot din, tulo luha, tulo sipon, tulo laway na eh..
Huhu ToT bat ba hanggang ngayon naiiyak parin ako?? Di naman ako nakaka-relate kina Popoy at Basha ahh?? More than 100x ko na to pinapanood di pa rin ako nai-immune sa bawat eksena, ano ba yan...

"To all passengers, please fasten your seatbelt. . ."

Ayan na, magla-landing na tong eroplano. Sinuot ko na yung shades ko after ko ilagay sa bag yung tablet na kanina lang pinapaiyak ako dahil sa One More Chance movie.. Sigurado mugto mata ko nito, kailangan itago..

I'm Yishin Athena Chelle Herrer. I'm on my way back home, Philippines^,^ and it's been 7years since I left..

Pagkagaling ko sa airport dumiretso muna ako sa isang restaurant, tinatamad akong magluto so dito na muna ako kakain..
Dumampot ako ng magazine sa entrance, at kung bongga nga naman ang araw mo, note the sarcasm, ito pa ang bubungad sakin.. Isang malaking sampal sa muka ko to..
Ang sweet naman ng salubong ng bayang sinilangan saken.. Ito talaga ang dahilan ng pag-uwi ko, pero di ko naman akalain na ganito pala kasakit..

Tutulo na sana ang luha ko nung inistorbo ako ng waiter.

"Here's your order mam, enjoy your meal^_^"
So akala niya talaga makakapag-enjoy ako sa nakikita kong cover picture nitong hawak kong magazine???

It's a wedding picture..
She was my sister, and he was my boyfriend..
Yeah right, not anymore..
Naputol ang naiisip ko ng magring ang phone ko.. So I pick it up.

"Yeah mom, I just arrived.."

"No, sa condo muna ako."

"Of course I won't, I'll be there once I fixed my things."

"Ok I will, bye. See you later."

That's mommy, chini-check nya kung makakapunta ako mamaya sa bahay. Of course, kaya nga ako umuwi diba? Para ma-torture..

After eating my food, dumiretso na ko sa condo ko.

Dito, makakapag-senti pa ako.. Binigay to nila mom and dad bago ako pumunta sa america 7years ago, ngayon ko pa lang napasok. This was their gift to me dahil good girl daw ako, dahil sinunod ko yung pakiusap/utos nila saken.

I Got the Boy, She Gets the ManDonde viven las historias. Descúbrelo ahora