Reminiscing Part 2

5 0 0
                                    

Reminiscing Part 2

Ya-c's POV

I wiped my tears. Kahit magbuhos pa ko ng drum drum na luha, malalaman ba niya?

Pag ba nalaman niya kung gaano ako nagsisisi sa ginawa ko maniniwala ba siya?

Pag ba naniwala siya, sigurado ba kong babalik siya?

Sana ganito yung mga tanong sa mga exams diba? Andaling sagutin ehhh, puro 'hindi'..

Binalik ko yung tingin ko sa punit na picture.. This was taken 8years ago. Nung officially boyfriend ko na siya..

Flashback 8years ago..
"Class dismiss.." Ang magic words na pinakahihintay ng lahat *______*

3rd year high school ako, 4th year naman sila ate Sam at Kenshin.

As usual, hinihintay na ko ng sundo ko sa labas ng room.. Kahit araw araw siyang dinudumog ng mga kaklase kong babae, hinuhubaran ng tingin ng mga beki, at pinapatay sa titig ng mga selosong lalake, wala siyang pakialam. Susunduin at susunduin parin niya ako basta siya ang unang lalabas ng room. Pag ako naman, hihintayin ko lang siya dito sa room, hehe. Kala nyo susunduin ko siya??? No way!! Baka matinapa pa ako sa usok ng ilong at tenga niya pag nagkataon.. Magagalit yun pag ako ang susundo sa kanya eh, hehe.

"Antagal mo naman!" Naiinip na naman siya.

Pero front lang niya yan.. Di naman totoong galit eh. Kinuha niya yung mga librong hawak ko as usual.. Kaya madami na namang mga inggeters na mata, haha.. At dahil naka-mood ako, I roll my arm in his arm para mas sweet^___^ di naman niya tinatanggal, kaya ayun ang dami ng nagsusumpa sa akin..

Naglalakad lang kami pauwi.. Mas gusto niyang maglakad ehh, ayan na ang gawain namin mula nung high school na ko.

"San tayo pupunta?" I asked him when I noticed hindi naman to yung daan pauwi..

Hindi siya umimik at tuloy lang sa paglakad.. Bumitaw na ko sa kanya, ang hirap kaya maglakad ng nakasabit ang kamay sa kamay ng kapre.. Matangkad siya eeh, tapos ako bonsai daw.. Hanggang balikat niya lang ako:(

Malayo layo rin yung nilakad namin hanggang sa makarating kami sa isang bakanteng lote. Walang dumadaan na tao or kahit sasakyan. Medyo mataas dito sa pinuntahan namin. Bigla akong kinabahan.. Naalala ko yung mga napapabalitang natatagpuang bangkay sa mga bakanteng lote..

"K-ken?? May binabalak ka bang masama? Dito mo ba ko pagsasamantalahan, tapos papatayin tapos cha-chop-chop-in, tapos itatapon mga body parts ko sa iba ibang lugar para di na ko mahanap nila mommy???"

Isang marahas na lingon at nakakamatay na tingin lang natanggap ko kaya mas lalo akong kinabahan..

"K-ken.. K-kung anuman y-yung k-kasalanan ko s-sayo, p-patawarin mo na a-ako.." Naluluha kong sabi then yumakap ako sa kanya from his back.

"Haha! Yan ba ang pagsasamantalahan?? Kung makayakap parang di ka na sisikatan ng araw ahh.." At nakuha pa niyang tumawa????

"Ano ba Ken!!!" Sigaw ko tsaka ko pinalo yung likod niya. Tumatawa parin siya..malapit ng lumubog yung araw..

Iniharap niya ko sa kanya.. Siya naman ang yumakap saken.. Dati na niya ako niyayakap, mula nung mga bata pa kami.. But I feel strange this time..

Hindi to tulad nun na yayakapin niya ko to comfort me, to ease my pain, to calm me, to let me feel I'm protected..

Ngayon, it feels like ako naman ang magbibigay sa kanya ng mga ganung pakiramdam. I feel like I'm being needed. Yes, pakiramdam ko kailangang kailangan niya ko.. I hugged him back. I'm not sure if it's the right thing to do, but my instinct told me so..

I Got the Boy, She Gets the ManWhere stories live. Discover now