Her Wedding or Mine Part 2 (The Guests)

0 0 0
                                    

Ya-c's POV

I made heavy steps as I walked out from the botique..

Like seriously??? Gusto nya ko papuntahin sa company nila Ken??? Habang nasa biyahe, nag-iisip na ako ng mga pwedeng maging excuse para lang di makapunta dun..

Eh kung sabihin ko nadisgrasya ako kaya di ako makakapunta???

Eeeeeh, pano pag naghanap sila ng galos???

Iling-iling.. Cannot be..

Hmmmm, eh kung sabihin ko na-holdup ako kaya wala na kong pamasahe papunta dun at wala narin yung cellphone ko kaya di ako nakatawag???

Eeeeehhhh, makikita din nila yung cp ko kasi tatawagan pa ako ng mga kaibigan ko..

Ano ba yan!!!

Eh kung sabihin kong nagtatae ako kaya di ako makakapunta kase baka magkalat lang ako sa building???

Hmmmm, tama tama^,^

On second thought.. In case hindi nakalimutan ni Ken, alam niyang di ako basta basta tinatamaan ng LBM.. Eh kahit ano nga kainin ko tinatanggap ng tiyan ko eehhhh.. Hayyyy, nauubusan na ko ng dahilan..

O____o nandito na ko sa harap ng building..

Ang bilis naman magdrive ni manong, may date ba siya???

Buti pa siya T___T

Hayyyy, cge na nga larga na.. Bahala na si batman..

"Uhm excuse me.. Where is the CEO's office?" Tanong ko kay ate receptionist..

"Do you have an appointment mam?" Mga pinoy talaga noh? Tinanong mo, isasagot sayo tanong din..

"Ahhh, none actually.. But I'm his fiancee's sister.. Can I talk to him?" Pag di mo pa ko pinatuloy makikita mo..

"I'm sorry mam, but regardless of who you are, you can't still-" naputol yung sinasabi ni ate..

"Ya-c???????!!!!" Wag kayo, gusto ata niya i-broadcast kung sino ako..

Paglingon ko sa broadcaster ng pangalan ko..

O______o -------------> ^______^

Halata bang plastic yung ngiti ko?? Eh keshe nemen, nebegle telege eke..

"Ya-c??? Wow! It's really you! You're back finally!!!" Ang saya mo kuya =___=

"Ah hehe, kahapon lang. You're Ken's friend right?" Oo, kaya nabigla ako kase isa yan sa mga kasabwat ni Ken nung nagpropose sya saken, huhu.. naalala ko na naman T____T

"Ahm yeah, sakto. Sabay ka na saken. Hindi ka nila papapasukin kung wala kang appointment eeh." Ahh so totoo nga. Sino na nga kasi to?? Nakalimutan  ko pangalan nya.

At yung ateng nagtanungan ko ang sama ng tingin, sabagay pogi tong kasama ko eeh..

"So kumusta na?" Tanong nya habang nasa elevator kami. Close ba kami nito dati? Makakumusta ehh, friends ba kami nun?

Di ko ba nasabing si Ken lang ang kaibigan ko dati? Sa kanya lang umikot ang social life ko. Why? Ayaw nyang nilalapitan ako ng mga boys kahit nung hindi pa kami. He doesn't trust them daw kase. Yung mga girls naman, ayaw din ako lapitan kase nai-insecure sila, kasi ako lang ang friend ni Ken na babae. Yung iba nakikipag-friend lang saken para maka-close din nila sya. Kaya I don't trust them na rin. So nagka-friend lang talaga ako ng iba nung nasa US na ko.

"Same same." Tipid kong sagot sa kanya.

"Haha, pansin ko nga. Aloof ka pa rin sa mga tao. Is he still protecting you?" Taas-babang kilay nya habang sinasabi yan. Nakakapikon sya in fairness. Muntanga lang po sya.. nang-aasar ba to???

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Got the Boy, She Gets the ManWhere stories live. Discover now