Chapter 4

1.5K 96 10
                                    

Imbis na sa classroom ako dumertso, dumaan muna ako ng CR. Laking pasasalamat ko nang madatnan kong walang tao doon.

Mabilis akong lumapit sa sink at binuksan ang gripo. Lumandas ang tubig na agad kong sinalok gamit ang dalawa kong palad. Pagkatapos ay hinilamos ko ito sa mukha ko.

Nang medyo nahimasmasan na ako, agad kong pinatay ko ang gripo saka inangat ko ang ulo ko at tinignan ang sarili sa salamin.

Kitang-kita ko ang panginginig labi ko.

What the hell was that? Yung nangyari kanina, ano yun? Bakit ginawa ni Jarred yun? At sa harap pa talaga ng maraming tao? Bakit hindi niya na lang ako sinabihan? Bakit siya pa yung nagpagpag ng dumi? Ako ba yung mystery girl na popormahan niya?

Shit. Ang daming tanong na gumugulo sa utak ko ngayon at pakiramdam ko mababaliw na ako pag hindi pa nasagot ang mga ito.

Tinignan kong mabuti ang sarili ko sa salamin. Hindi ko maipagkakailang maganda ako. Gwapo ang tatay ko at maganda naman ang nanay ko. Isa lang iyong patunay na biniyayaan nga ako ng magandang itsura.

Pero pag naiisip kong ako yung popormahan ni Jarred, bakit nanliliit ako? I mean, pakiramdam ko hindi ako deserving. Oo nga't maganda ako pero sa eskwelahan na ito, pang-average lang yung ganda ko. There more girls that are way prettier than me, Hindi ako ka-level ng mga estudyanteng kagaya ni Cherry na akala mo diwata sa sobrang ganda.

But then, maybe I'm just overreacting? Maybe he just wanted to help! Hindi naman siguro ako yung mystery girl diba? Yes, that's not me. Sabi nga nila diba? I'm not his type. Yun na lang ang panghahawakan ko.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng skirt ko at pinunasan ang basa kong mukha. Pagkatapos ay sinuklay ko ang itim at diretso kong buhok na umabot na hanggang sa siko ko.

Ayokong mag-mukhang losyang ngayon. Lalo na't mainit ang pangalan ko sa mga tao. As much as possible, ayokong makatanggap ng panlalait. Kung kailangan mag-ayos ako edi mag-aayos ako. Not for them but for myself. Hindi naman sa may gusto akong patunayan sakanila. Ayoko lang talagang minamaliit nila ako.

Nang nakuntento na ako sa pag-ayos sa sarili ko, muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin bago ako tumalikod at naglakad na palabas ng CR.

Kaonti lang ang mga tao ngayon sa hallway. May iilan na mukang wala pang alam sa nangyari kanina at may iilan namang pinag-uusapan ako habang dumadaan sa harap nila.

Gusto kong mainis dahil sa ginagawa nila. Gustong-gusto ko nang manugod kanina pang umaga kaso ayoko namang masira pa lalo ang image ko dito sa University. Kaya wala akong ibang kayang gawin ngayon kundi ang magtiis.

Payapa akong nakarating ng classroom. Pero ewan ko kung masasabi pang payapa ito dahil pagdating na pagdating ko sa pintuan ng classroom, nakita ko ang mga kaklase kong nagtakbuhan at parang hinintay talaga nila ang pagdating ko.

"Ayan na si Lauren!" rinig ko pang sigaw ni Ella.

Napabuntong hininga na naman ako. Hindi ko alam kung ilang beses ko bang nagawa ito ngayong araw dahil sa sobrang frustrate sa mga nangyayari.

Pumasok ako ng classroom at hindi pinansin ang pagkakagulo ng mga kaklase ko. Bahala kayo dyan! Isipin niyo na kung anong gusto niyong isipin.

Umupo ako sa upuan ko pero habang ginagawa ko iyon, ramdam na ramdam ko ang pagnood sakin ng mga kaklase ko. Seriously?

Tahimik sila kaya naman rinig na rinig ang pagbubulungan nila. Sandali akong pumikit ng mariin para kalmahin ang sarili ko. Pero agad akong napadilat nang may malakas na boses na umalingawngaw sa buong classroom.

When A Heart BreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon