Chapter 12

936 78 12
                                    


Linggo ngayon at kakatapos ko lang magsimba kasama si Yaya Tina. Gusto ko pa sanang mamasyal kasama siya kaso pinaalala niya sa akin ang darating na midterms week. Gusto niyang unahin ko iyon.

Wala naman akong ibang nagawa kundi sumang-ayon. I need to focus on my studies. I've been preoccupied these past few days. Kailangan kong bumawi.

Kaya naman pagkadating na pagkadating namin sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto. Nilabas ko ang lahat ng kailangan kong gamitin para sa pag-aaral ko at sinimulan na ito.

Accounting agad ang exam ko bukas kaya medyo kabado ako. Though, na-gets ko naman lahat ng lectures, nakakakaba pa din talaga dahil ito ang major ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabalance ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Sandali kong tinigil ang ginagawa para kunin ito at tignan.

My jaw dropped when I saw Jarred's name on it. Sarkastiko akong natawa.

"Wow!"

Ito ang una niyang text simula nung isang gabi kaya hindi niyo ako masisisi kung magulat man ako dahil hindi ko talaga inaasahan na magte-text pa siya sa akin.

Binuksan ko ito at bumungad sakin ang napaka-ikli niyang text.

From: Jarred

Hey

Hey? Really Jarred?

Hindi ko siya ni-replyan. Nilapag ko ulit ang cellphone ko sa harap ko at pinagpatuloy na ang pag-aaral.

Ngunit hindi ko na naiwasan ang paggapang ng inis sa sistema ko. Kahit na alam ko sa sarili ko na wala akong karapatang magalit.

Ilang minuto ang nakalipas ay nag-vibrate ulit ang cellphone ko. Itinigil ko ulit ang ginagawa ko para kunin ito.

From: Jarred

You're avoiding me

Oh! I'm glad you noticed! Sana ay tantanan mo na 'ko!

Gusto kong sabihin yan sa kanya pero hindi ko ginawa. Pinaalala ko sa sarili ko na kailangan ko siyang iwasan. Na hindi makatutulong ang pag-reply ko sa mga texts niya.

Mabigat man sa kalooban ko pero muli kong ni-lock ang cellphone ko at ilalapag ko na sana ulit ito nang biglang itong tumunog.

Hindi dahil sa isang text kundi dahil sa isang tawag.

Napatitig ako sa cellphone kong sinisigaw ang pangalang Jarred. Kasabay nun ang pagkalabog ng puso ko.

Damn! Here we go again.

Hindi na ako nagdalawang isip. Agad kong pinindot ang red button at mabilis pa sa alas kwatrong pinatay ang cellphone ko.

My heart clenched at what I did. Nakaramdam ako ng kaonting guilt pero mas nangibabaw pa din ang sakit.

Bakit pa? Bakit pa siya nagtetext at tumatawag? Diba may Cherry na siya? Diba masaya na siya? Bakit pa? Ano pa bang mapapala niya sakin?

I felt the familiar lump in my throat. Pinikit ko ang mata ko't pinigalan ang sarili ko.

Calm down Lauren! You got this one!

I sighed at pilit na ibinalik sa katinuan ang sarili ko. At nang sa tingin ko ay okay na ako ay nagsimula na ulit akong mag-aral.

Ito ang unang pagkakataon na natuwa ako sa paglapit ng midterm week. Hindi dahil sa excited ako kundi dahil nagkaron ako ng dahilan para gawing busy ang sarili ko.

When A Heart BreaksWhere stories live. Discover now