Chapter 11

854 80 6
                                    


Hindi ko alam kung paano ko nakayanang makarating ng classroom sa ganung sitwasyon pero laking pasasalamat ko nang madatnan kong wala pang prof.

Dumeretso ako sa upuan ko. Pinagmasdan ko ang mga kaklase kong busy sa pagku-kwentuhan. Ang topic? Jarred and Cherry. Great!

Kinuha ko ang cellphone ko at hindi na ako nagtaka nang bumungad sakin ang blangko kong inbox. Kinuha ko rin ang earphones ko at agad itong sinaksak sa at tenga ko.

Pinindot ko ang shuffle play ako at agad tumugtog ang isa sa mga paborito kong kanta. Tinodo ko ang volume. Wala akong pakialam kung mabingi ako. I'd rather be deaf than hear their talks about Jarred and Cherry.

Pinikit ko ang mata ko at isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan. Kahit anong gawin kong pag-distract sa sarili ko, naiisip ko pa din ang mga nalaman ko kanina.

Kaya pala...

Kaya pala wala siyang text sa akin hanggang ngayon. Kaya pala ang saya saya niya ngayon. Kaya pala...

Gusto kong magalit kay Jarred pero alam kong wala akong karapatan. Dahil from the first place, wala siyang sinabi na ako yung popormahan niya. He was just kidding right? Dapat pinanghawakan ko iyon. I should've not hoped. Hindi ko dapat binigyan ng malisya ang lahat.

Ang tanga ko dahil hindi ako naniwalang nagbibiro lang talaga siya nung mga oras na iyon. Ang tanga ko dahil nag-assume ako kahit umpisa pa lang, pinaaalalahan ko na yung sarili ko na wag mag-assume. Ang tanga ko dahil binigyan ko ng malisya lahat. Ang tanga ko dahil kinilig ako sa mga ginawa niya at higit sa lahat, ang tanga ko dahil na-fall ako sakanya.

I don't know how to deal with this kind of feeling. This is my first time falling for someone this deep. Yes, I had crushes but not as extreme as I have for Jarred. I mean, I know this isn't just crush. This isn't just infatuation. Hindi ako makakaramdam ng mabigat sa dibdib ko kung ganun lamang ito.

Too much for this freaking feelings!

Dinilat ko ang mga mata ko at saktong kakapasok lang ng professor ko.

Mabilis kong tinanggal ang earphones sa tainga ko at ini-stop ang tugtog saka ito ibinalik sa bag.

Nagsimula nang magturo ang professor namin at doon ko na lang tinuon ang atensyon ko.

Minsan ay sumasagi sa isip ko ang tungkol kay Jarred at Cherry pero tuwing sasagi ito ay pinapaalala ko sa sarili ko na dapat akong mag-focus sa pag-aaral. Wala akong mapapala kung magpapaapekto ako.

Natapos magturo ang professor ko at agad kaming ni-dismiss. May 10 minutes pa bago magsimula ang next class ko pero tumungo na ako doon.

Laking pasasalamat ko nang madatnan kong wala pang tao dun. Agad akong tumungo sa upuan sa likod at doon naisipang umupo. Ito kasi yung klase na walang seating arrangement kaya pwede kang umupo kahit saan mo gusto.

Naging tahimik ang mundo ko. Tanging ang tunog lang ng aircon ang naririnig ko.

This is what I always wanted. A quiet and peaceful life. But today, Pero a quiet and peaceful place isn't good to me. Mas lalo kong nararamdaman ang lungkot.

Life is indeed full of surprises. Who would have thought that a girl like me is capable of liking someone this extreme? Who would have thought that a girl like me can feel this kind of chest pains? Who would have thought?

But then again, I never wanted this. Kusa itong nangyari. Kusa ko itong naramdaman at alam kong kusa din itong maaalis. It will take time for sure but I know, after all of this, I will be smarter. I will be wiser. I will learn from it.

I guess, you really can't have it all. Hindi pwede na sa isang sitwasyon, lahat lang ng gusto mo ang mangyayari. Meron pading isang bagay na ayaw na ayaw mo pero nandoon.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at niluwa nito ang maiingay kong kaklase.

"Ang swerte talaga ni Cherry!"

"Bagay si Cherry and Jarred."

"Hay, hindi pa rin ako makapaniwala na si Cherry nga yung lucky girl."

Napapikit ako ng mariin dahil sa mga naririnig ko.

Gosh, when will they stop?

"Good morning class!" pumasok ang professor namin na naging dahilan para tumahimik ang mga kaklase ko.

Thank heaven for that!

I sighed at tinuon ulit ang buong atensyon ko professor kong nagsimula nang mag-discuss.

Nag-take down notes pa ako sa mga sinasabi niya dahil lalabas daw ito sa midterm examination.

Pagkatapos niyang mag-discuss, ay ni-dismiss niya na kami.

Inunahan ko na sa paglabas ang mga kaklase ko dahil alam kong mag-uusap usap na naman sila tungkol kay Jarred at Cherry.

Napagpasiyahan ko rin na umuwi na. Hindi na ako nagtubiling dumaan pa sa cafeteria para puntahan ang mga kaibigan ko. Dumeretso na ako sa daan palabas ng university.

Pero hindi pa ako tuluyang nakakalabas ay nahagip ng paningin ko ang lalaking pinaka-ayokong makita ngayong araw.

Napahinto ako sa paglalakad dahil dun.

His eyes met mine. Bahagya nanlaki ito sa gulat. Maybe he didn't expect to see me at all. Well, unfortunately, this world's too small for both of us.

He took one step forward and was about to walk towards me when took a step backward, feeling so alarmed. Nakita ko kung paano siya napahinto sa ginawa ko. But that didn't stop me. I turned around and walked away from him.

I shut my eyes tightly. Pinilit kong pakalmahin ang nagwawala kong puso.

I need to remind myself that this is the first step.


First step of taking Jarred out of my life.

When A Heart BreaksWhere stories live. Discover now