Chapter 23

713 69 6
                                    


"Lauren, twelve thirty ah. Sa library." paalala sakin ni Ethan nang matapos ang klase namin.

Napagdesisyonan naming gawin mamayang 12:30 PM yung report. Dapat ay ngayong 12:00 na kaso pinilit ko siyang mag-lunch muna. Nung una ay hindi siya pumayag dahil may klase siya ng 1:00 pero nung sinabi ko sa kanya kailangan niya ring kumain ay pumayag na siya.

Tumango ako kay Ethan bago niya akong tinalikuran at lumabas ng classroom.

Sinukbit ko ang bag ko sa balikat ko at lumabas na rin. Dumeretso ako ng cafeteria at naabutan doon ang mga kaibigan ko.

Pumila muna ako sa cashier para bumili ng pagkain. Maya't-maya ay tumitingin ako sa orasan.

Pagkabigay sa akin ng pagkain ay mabilis akong tumungo sa lamesa ng mga kaibigan ko. I sat beside Joy and started eating.

"Uy, dahan-dahan lang baka mabilaukan ka." puna ni Jamie nang mapansin ang mabilisan kong pagkain. Nasa harapan ko siya kaya siya ang unang nakapansin sakin.

Napantingin din ang iba kong mga kaibigan sa akin at pinagmasdan ang pagkain ko. I swallowed the food in my mouth before speaking.

"Nagmamadali kasi ako. May usapan kami ng block mate." sabi ko at sumubo ulit.

"Anong usapan?" usisa ni Joy.

"Gagawa kami ng report." sagot ko nang wala nang laman ang bibig ko.

Tumango lang sila at pinagpatuloy ang pagkukwentuhan sa ibang bagay. Gusto ko mang makisali pero kailangan ko talagang magmadali. Humingi na ako ng palugit na oras kay Ethan at ayaw ko namang abusuhin iyon. Isa pa, masungit pa naman ang isang yun. Akala mo laging may dalaw.

Saktong pagkatapos kong kumain ay umingay ang cafeteria. Uminom ako ng tubig at hindi na nag-atubili pang tignan ang pinagkakaguluhan. Tumayo ako at sinukbit ang bag ko.

"Muuna na ako guys." nagmamadali kong paalam. Tinignan ko ang oras at agad nataranta nang makitang 12:25 na.

"Teka lang. Sila-"

"Where are you going?"

Natigilan ako nang marinig ko ang malalim na boses na iyon. Unti-unti akong nag-angat ng tingin kay Jarred na nakatayo ngayon sa harapan ko.

"Hi! Pupunta akong Library. May usapan kami ng blockmate ko." paalam ko dito.

Sinulyapan ko ang mga taong nasa likod niya. I smiled at everyone including Cherry na hindi ko inaasahang nandoon.

"Pwede bang wag ka nang pumunta doon? I wanna eat lunch with you." he hopefully said. Bahagya akong nalungkot.

"I'm sorry but this is important. Isa pa, tapos na rin akong kumain."

He licked his lower lip at nodded. "Kung ganoon, ihahatid na kita doon."

Agad akong nagpanic. "Hindi na! Huwag na! Just go eat your lunch with them." I said and looked at his friends.

"You sure?"

"Yup!" I smiled to assure him. "Sige na, I gotta go." lumapit ako sa kanya para mahalikan siya sa pisngi.

"Text me alright?"

"I will."

Papalabas na ako ng cafeteria nang nilingon ko ang table ng mga kaibigan ko. Nakita kong nakisalo na doon sila Jarred pati si Cherry.

Kinagat ko ang labi ko at iniwas ang tingin sa kanila. Muli kong binilisan ang lakad ko.

Nakalayo na ako sa cafeteria pero ang utak ko ay nandoon pa din. Hindi maalis sa isip ko na magkasama sa iisang table ngayon si Jarred at Cherry.

When A Heart BreaksWhere stories live. Discover now