Chapter 22

770 64 4
                                    


From: Jarred.

I'm sorry. Hindi kita mahahatid ngayon. Ayaw akong payagan ni coach umalis.

I sighed when I read Jarred. message. Binasa ko ang labi ko gamit ang dila ko bago nagsimulang mag-tipa.

To: Jarred.

Ayos lang. Wag mo nang pilitin. Baka mapagalitan ka pa.

Ilang minuto din ang lumipas bago siya nag-text ulit. He must be really busy.

From: Jarred.

I'm really sorry.

Yan lang ang sinabi niya. Mukhang busy talaga siya at panakaw lang ang oras na ginagamit niya para magtext sa akin kaya napagdesisyonan kong hindi na siya replyan.

Sumandal ako sa sandalan ng inuupuan ko at bahagyang pinikit ang mga mata ko.

I'm not mad at him or what. Naiintindihan ko kung bakit hindi niya ako mahahatid at kung bakit hindi siya masyadong nakakapag-text. He's training right now. Next week na ang umpisa ng UAAP kaya sobrang oras ang itinutuon nila sa training. Minsan ay umaabot na sila ng gabi.

It's SM University. They hate losing. They want everything to be perfect. Kaya lahat binibigay nila. Kung kailangan pahirapan ang players, gagawin nila. Manalo lang.

Simula nung nag-training sila Jarred, bihira na lang kaming magkasama. Bihira na lang kami makapag-usap. But he won't let a day pass without talking to me. Kahit sobrang pagod niya na galing training ay tumatawag pa rin siya sa akin. And that's enough for me.

Kaya lang minsan hindi ko maiwasang mag-aalala. Yes, I appreciate his efforts pero hindi naman niya kailangan gawin 'yun eh. Naiintindihan ko ang kalagayan niya. Hindi ko lang talaga matanggap na minsan, imbis na nagpapahinga na siya galing training, tatawag pa siya sa akin. At kapag hindi siya nakukunteto sa tawag lang, pinupuntahan niya pa ako.

I feel bad not only for him but also for myself. Pakiramdam ko kasi sagabal pa ako sa kanya. Ayaw ko ding isipan niya na responsibilidad niya iyon. At mas lalong ayaw kong binibigyan niya ako ng sobrang oras kahit hindi naman kailangan.

I confronted him many times about it pero isa lang lagi ang sinasabi niya sa akin. Ako ang pahinga niya. At tuwing sasabihin niya sa akin iyon, wala akong nagagawa kundi yakapin siya kaya sa dulo, hindi rin namin ito napapag-uusapang maigi.

Ako din naman gusto ko siya laging nakakausap. Kung suswertehin ay makita din dahil sa nakakapagod na mundong ito, siya din ang pahinga ko. Pero anong magagawa ko? Kailangan din namin magsakripisyo.

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at doon ko nakita ang professor kong kasalukuyang naglalakad papasok. Maingay ang mga yapak niya at mukha siyang nagmamadali.

Umayos ako ng upo at tinuon ang atensyon ko sa kanya. Isinantabi ko muna lahat ng iniisip ko.

"Class, hindi muna ako magka-klase ngayong araw. May meeting ako na kailangang puntahan." bungad niya.

Napansin ko ang mahinang pagdidiwang ng mga kaklase nang marinig ang anunsyong iyon samantalang ako ay nanatiling nakatuon sa professor namin. Masaya ako sa balitang iyon pero kinimkim ko iyon sa sarili ko.

"Pero..."

Natahimik ang mga kaklase ko nang mapagtantong may idudugtong pa ang professor namin. Tinuon nila muli ang atensyon dito at hinintay ang susunod na sasabihin nito.

When A Heart BreaksWhere stories live. Discover now