Author's Note: Oh, pahinga muna ng konti sa sweet moments nina Lena at Nick. Balik tayo konti sa mga bestfriends nila. Pero di ko na to masyadong idetalye since eto naman is nasa My Coldhearted Boss na. Happy reading! ^_^
After that sweet moment between Lena and Nick, back to reality na muna sila. Well, bestfriend duties. Zach will be proposing to Alex now. At syempre, sa mga bestfriends humingi ng tulong.
"Pare, I want this to be perfect for Alex", Zach said.
"I know pare. Pwede ba! Mag-relax ka nga dyan! You've already prepared this for a long time. Kumalma ka kaya!" sagot ni Nick.
"Hay naku, nasasabi mo yan kasi wala ka naman sa sitwasyon ko. Nakaka-nerbyos kaya. What if she won't say yes?", Zach asked.
"Wow! Paranoid lang? Pag-ibig nga naman!", Nick said. Zach dialled a number from his phone.
"Hello, Lena, anong balita na dyan? Okay na ba lahat?", Zach asked.
"Of course yes! Ako pa. Don't cha worry. Be happy. Kumalma ka nga. Proposal pa lang to ha? Hindi pa to wedding. OMG! Kakakulot ka ng buhok. Over mag-panic!", saad ni Lena.
"Grabe, you spoke just like Nick. Parehong pareho kayong dalawa bumanat", Zach said.
"Please....(with matching ikot ng eyeballs,), pwede ba, wag nyo nga kong i-match sa kanya. That one heck of a playboy! Pagbubuhulin ko kayo ni Alex e. Isasabutahe ko tong proposal mo", pagbabanta ni Lena.
"Ahhh, wag naman ganun. Bati na tayo!", pagsusumamo ni Zach.
"Kidding! Ikaw talaga. Ke-OA mo. Sige na. Pumunta ka na sa venue and ako naman na ang bahala kay bestfriend. Huminga ka ha? Baka pagdating namin don, dedbols ka na nang dahil sa nerbyos! Ciao!", pagbibiro pa ni Lena at pinutol na ang kabilang linya.
Meanwhile....
"Bakla, anong petsa na? Late na tayo. Aba e anong klaseng damit ba yang sinusuot mo? Gown ba yan at ang pagkatagal mo naman? Lusaw na ang make up ko girl! Kaloka!", sigaw ni Lena.
"Saglit lang. Eto na nga o, pababa na. Sabi mo kasi kailangan naka-dress. Ano bang klaseng meeting to at may requirement pa sa attire? Di pa man din ako sanay sa ganitong mga damit", Alex answered.
"E syempre, kailangan presentable naman. Pero it doesn't mean na kailangan e slacks. Makisabay ka naman sa uso ng henerasyon ngayon. Tsaka, pano makikita yung taglay mong ganda kung magtatago ka lang sa slacks at blouse na suot mo? Ai naku, kung ako yung may ganyang taglay na kagandahan, aba, I'll be proud of it. I'll give them a show na araw araw nilang pakakaabangan", mahabang litanya ni Lena.
"Naku, ikaw talaga. Nagsermon ka na naman. O sya, sya, halika na at baka ma-late pa tayo. Andyan na ba yun service natin?", Alex asked.
"Opo. Waiting na po. Well, about 20 minutes ago perhaps?" Lena said.
"Sorry na po. Lika na! Let's go! Let's give them a show!", pabirong sabi ni Alex.
"I like that attitude. C'mon! Karir na tayo", yaya na rin ni Lena. At lumarga na sila sa pupuntahan nila. Maya maya'y nakarating na rin naman sila. "Oy girl! Andito na tayo. Moment ka dyan?", untag ni Lena kay Alex.
"Sorry, may iniisip lang, ikaw naman. San ba daw tayo dederetso?" pagkasabi'y bumaba na ko sa kotse. I was amazed with what I saw. "Ang ganda naman dito. Dito din ba ang magiging venue ng event natin?" tanong ni Alex kay Lena.
"I'm not sure. Pero pasok na tayo sa loob. Baka dun masagot ang ating mga katanungan", yaya ni Lena kay Alex.
At ayun nga, naganap na ang proposal na pinagkahandaan ni Zach. The moment na lumuhod ito, magsabi at magsuot ng singsing. Everything went well. Ang sweet sweet lang. A proposal that somehow every girl wished for.

YOU ARE READING
Touched by a Playboy's Heart-a story of Nick and Lena
ChickLitNicolas Dela Fuente is the son of the Mr. Rick Dela Fuente, isa din sa mga mayayamang kilala in the world of business. However, bilang kilala si Nick sa pagiging playboy, his father decided for him to take charge of a new established company which i...