Chapter 32_Nick's Healing

4.2K 91 1
                                    

Author's Note: "Distance makes the heart go fonder" pero I believe umeepekto lang to sa dalawang taong tunay na nagmamahalan. I mean, yun dalawang taong matibay talaga ang kapit sa pagmamahal nila sa isa't isa. Kasi kung hindi naman ganun, they will never be binded to each other. Happy reading! ^_^

(Nick's POV)

It's been two years. Napakabilis ng panahon. Parang kelan lang, I was the stupid guy na muntik nang tumalikod sa mundo just because of my insecurities. I was thankful na hindi ako natuluyan. Sobrang pagsisisihan ko talaga yun sa huli. Ang dami sanang nawala sakin, lalo na yung pinakamamahal kong si Lena.

Wait! Anong pinakamamahal? Well, totoo naman yun kaya lang, hindi pa kaya kami. Hindi pa kami ulit nagkikita. I miss her badly! Yung mga banat nya, yun pagkapikon nya sa mga pang-aasar ko, her sweetness kahit galit na sya, yun pag-aalaga nya. The moment she left that my room dun sa hospital? Damn! Gusto ko syang habulin 'coz I want us to be together.

(Two years ago)

"Anak, asan na si Lena?" tanong ni Mommy.

"She left Mom" sagot ko.

"Huh? San sya nagpunta? Akala ko ba e kakausapin mo sya? I thought, aabutan ko kayong okay dito" sambit nya.

"We're okay Mom. I just let her accept the offer. Sayang kasi yun Mom" sabi ko.

"E pano ka? Pano kayong dalawa?" tanong nya.

"Mom, I decided to fix myself first. Gusto kong patunayan sa kanya at sa pamilya nya na deserving pa rin ako kay Lena. Sisiguraduhin kong improved Nick na ang makikilala nya pagbalik nya. Or kung mapapaaga, I'll follow her. Hindi ko na hihintayin na matapos ang contract nya at susunod ako agad" sabi ko.

"Anak...I'm so proud of you. Ang laki na ng pinagbago mo. Dati, you're such a spoiled brat at napakapasaway, but look at you now, you're strongly taking every responsibility. Every changes that life had offered you, whether good or bad, hinaharap mo na. Anak, I want you to know how proud I am and your Dad. Pero tandaan mo, andito lang kami at laging nakasuporta para sayo. San ka man dalhin ng hamon ng buhay" nakangiting sabi ni Mommy.

"Syempre Mom, ako yata si Nicolas Dela Fuente. Ang poging pogi nyong anak" biro ko at tumawa lang si Mommy. "Ang swerte ko lang sa nanay. Kahit pasaway ako at sobrang pasakit sa ulo, she never gave up on me. She stayed at my side ad continued loving me. She scolds me at times pero alam kong dahil mahal na mahal nya ako. She was the kind of Mom na 'sige gawin mo gusto mo' pero at the end, pagsasabihan ka parin nya. She was just so special. She was the best Mom ever!" isip ko.

(Medyo forward nang konte)

6 months has passed at tuloy tuloy lang din ako sa series of tests and therapies para sa mga binti ko. Nagsimula nang bumalik ang pakiramdam sa mga binti ko at masayang masaya ako. Salamat sa mga nagdasal at naniwalang gagaling pa rin ako.

My family, my friends, at sa taong nagsilbing inspirasyon ko para bumangon, si Lena. Kahit malayo sya, I know she still cares. Ramdam ko yun sa halik na iniwan nya sa akin 6 months ago. Babaunin ko pa rin yun hanggang sa magtagpo ulit kami tapos hihingi ako ng panibagong kiss. Hahaha.

Sinikap ko talagang kayanin ang lahat para gumaling lang ako. Kahit medyo masakit, titiisin ko. Kailangan kong marating ang goal ko. Hindi pwedeng hindi. I don't break promises. Kahit ganito ako, tumutupad ako sa mga binitawan kong salita.

After a year and a half, well yeah, I'm back. Nick is finally back. At ang unang una kong binisita, syempre, ang Royale Inc. Namiss ko din ang kumpanya, in fairness. Yun dating inaayaw ayawan ko, heto at mamimiss ko din pala. Wag ka, I didn't expect this. Akala ko sila ang masusurprise ko but it turned out the other way around, ako ng nasurpresa. Everybody knew that I'm coming.

"Welcome back Sir Nick!" everybody exclaimed at may party poppers pa talaga ha?

At syempre, ang may pakana? Si Alex, ang asawa ng aking bestfriend! Such a glorious moment to see these wonderful people happy that you are back. Ang sarap sa puso. Ang dami lang nagmamahal sa akin. Urgh! So gay!

My life in Royale Inc. is finally back. Back to work, back to the business world. Maraming naging pagbabago pero sa ikagaganda naman ng company. Dad held the business nung mga panahong wala pa ko. He was a really a great businessman.

(Back to present)

Ngayon, exactly two years has passed at wala man lang kaming naging communication ni Lena. Pinigilan ko ang sarili ko because gusto kong patunayan na deserving na ako pagbalik ko sa kanya. Nung mga panahon ng kahinaan ko, ayokong magkahiwalay kami but I believe, yun ang nararapat. Ayoko ring maging hadlang sa career nya. I want us to be both successful on the paths we chose kahit pa sa ngayon e magkalayo kami. Ngayon, Royale Inc has really made its way sa market. Stable na ang business and continuously growing.

At sa tingin ko, handa na ako. Handa na akong humarap sa kanya at sa pamilya nya. This time, it's for real. Dan-dan-dan, dalandan. Oops. Napapakanta ko. Gosh! Hindi kagandahan ang boses ko pero wag kayong ano dyan. Masaya lang ako.

Actually, I'm fully updated about Lena. Kahit naman malayo sya e pinapabantayan ko sya. Not because I don't trust her, but because I care for her so much. Gusto ko lang masigurong safe sya dun. Well, ako, ewan ko kung safe ako pag lumapit ako sa kanya. Ang laki ba naman ng aso nya. Sinong di matatakot dun. Baka isang sakmalan lang nun sakin e.

Okay okay, I'd be honest. As I was telling you this chapter, ako po e nandito na sa Canada. Three days ago pa. Aba e anong magagawa ko, sobrang miss na miss ko na kaya sya. Ako kaya, namimiss din nya? Parehas pa kaya kami ng nararamdaman? Well, wala naman akong nabalitang naging boyfriend nya pero marami daw nanliligaw. Syempre, ang ganda kaya ng loves ko. Haay, I want to get near her now. Habang tinitingnan ko sya ngayon mula dito sa malayo, smelling the flowers that I gave through the little girl, ang saya ko lang. Tinetext ko sya but I don't know how I would tell na ako yun. Pano nga ba? Tsk! Hirap naman dumiskarte nang ganito.

"Lord, please, bigyan mo naman ako ng chance. Yung biglaan ba na kakailanganin naming magtagpo. Tss! Di naman ako ganito dati kahina sa babae pero sa kanya, lagi akong natutuliro" sabi ko.

Touched by a Playboy's Heart-a story of Nick and LenaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang