Author's Note: Eto na. Ang pormal na paghingi ni Nick sa kamay ni Lena mula sa mga magulang nito. Actually, this chapter will just be based sa aking mga nababasa pero I never experienced it yet. Wala pa sa panahong mag-asawa e. haha. Happy reading! ^_^
(Nick's POV)
"Hijo, okay ka lang ba?" tanong ni Mommy.
"Yes Mom. Pero di ko maiwasan ang kabahan e" sagot ko.
"Natural lang yan anak. Ganyan din ako nung namanhikan kami sa Mommy mo. To be honest, nakakatakot ang lolo mo non. Tutukan ba naman ako ng shot gun e" sabi ni Daddy na natatawa sa naalala.
"Talaga po? Matindi din pala si Lolo nu?" sabi ko.
"Oo. Nag-iisang anak na babae kasi yang Mommy mo" sambit ni Daddy.
"Basta alam mong malinis ang intensyon mo, wala kang dapat na ipag-alala anak" wika ni Mommy.
"Opo Mom" sagot ko.
Maya maya lang ay narating na namin ang bahay nina Lena. Huminga muna ako ng malalim bago kami pumasok sa bahay nila.
"Good evening po" simpleng bati ko sa mga naroroon kasunod ng pagmamano ko sa mga magulang ni Lena.
"Good evening din hijo" sagot ni Tita Mercy.
"Kumpadre!" bati ni Daddy kay Tito Ricky.
"Kumpadre!" ganting bati din naman ni Tito Ricky.
"Grabe sila! Nagagawa talaga nilang magbatian nang ganyan?" isip ko. I was thinking so much nang makita kong pababa na si Lena mula sa silid nya. She was wearing a very simple floral dress that was above the knee ang haba. She's just so plain and simple pero napapanganga talaga ko sa ganda nya.
"Good evening po" simpleng bati ni Lena sa aming lahat at nagmano sa mga magulang ko. "Hi loves!" bati nya sa akin.
"Uh. H-hi loves" then I kissed her in the forehead.
"Maupo na tayong lahat" sambit ni Tito Ricky.
"Well, kumpadre, as we both know. Alam naman nating nagkakagustuhan ang ating mga anak at ngayon nga, kagulat gulat man ang lahat e ninanais na nilang magpakasal" sambit ni Daddy.
"Alam ko naman ngunit nais kong makausap nang masinsinan ang inyong anak tungkol dito" wika ni Tito Ricky at bumaling sa akin. "Ano ba ang sadya mo Nick?" dagdag nito.
"Ahm, Tito, nais ko po sanang pormal na hingin ang kamay ni Lena mula sa inyo. Nais ko pong pakasalan si Lena. Gusto ko pong malaman ninyo na malinis po ang aking intensyon sa anak nyo" panimula ko.
"Pano ko naman masisigurong hindi mo pababayaan ang anak namin? At pano ko masisigurong hindi mo sya sasaktan?" tanong nitong muli.
"Maaasahan nyo pong hindi ko sya sasaktan at hindi ko sya pababayaan. Handa ko pong gawin ang lahat para maging masaya ang anak nyo sa piling ko" sagot ko.
"Lena anak, sigurado ka bang gusto mong pakasalan tong si Nicolas?" baling nito kay Lena na tumingin sa akin.
"Yes Tay!" maagap na sagot ni Lena na nakapagpangiti sa akin at sa aking mga magulang.
Katahimikan. Walang nagsasalita kahit na isa man lang sa amin nang maya maya'y tumikhim si Daddy.
"Eherm! Ah e, pano ba kumpadre, anong desisyon na natin sa mga batang ito?" tanong ni Daddy.
"Well, seeing Nick now, malaki na ang pinagbago nya. He is no longer the playboy na nakilala ko. A lot has improved in him, mapa-business at mapa-personalidad nya. Sa nakikita ko naman ngayon, wala naman akong nakikitang dahilan pa para hindi ko ipagkatiwala sa kanya ang aking anak. Nakikita ko rin namang mahal nila ang isa't isa. So, kelan nyo ba planong isagawa tong kasal nyo?" tanong ni Tito Ricky.
Sabay kaming napangiti ni Lena sa tinuran ng tatay nya.
"Ahm, in three months time po Tito" sagot ko at nagulat ang lahat.
"Ganon kabilis? Ngayong May na agad?" sabay na tanong nina Tito Ricky at Tita Mercy.
"E kasi, ready na rin naman po ang ibang kailangan. Ahm, naihanda na po namin ahead? Sorry po kung nagulat ko po kayo" sagot ko.
"Well, kayong dalawa naman e sanay na ginugulat kami. What else can we do kung decided na kayong dalawa. We just have to support you all the way. Basta Church wedding, ok?" sambit ni Tito Ricky.
"Opo. Thank you po Tito, Tita" sambit ko.
"Nanay na ang itawag mo sa akin, at Tatay naman kay Ricardo" singit ni Tita Mercy.
"O-opo, Nay. Tay" nahihiya ko pang sabi.
"At Mom and Dad na rin ang itawag mo samin Lena, hija" singit din ni Mommy.
"Opo, Mom, Dad" nahihiya ding sabi ni Lena.
"Sya sya, halina at kumain na tayo!" yaya ni Nanay sa amin.

YOU ARE READING
Touched by a Playboy's Heart-a story of Nick and Lena
ChickLitNicolas Dela Fuente is the son of the Mr. Rick Dela Fuente, isa din sa mga mayayamang kilala in the world of business. However, bilang kilala si Nick sa pagiging playboy, his father decided for him to take charge of a new established company which i...