Author's Note: I chose this place kasi dream ko rin makarating dito. Well, mula nung mapanood ko yun palabas nina Coco Martin at Toni Gonzaga na You're My Boss, ayun, nainlove ako sa itsura ng Batanes. Sana makarating din ako dun. One day! It's more fun in the Philippines. Happy Reading! ^_^
(Lena's POV)
"Loves!" tawag ko kay Nick. "Loves, anong oras ba tayo aalis?" pangungulit ko. Di kasi kami nakaalis kahapon dahil ayun, nakiusap sya kung pwedeng magpahinga muna sila at ngayon na nga lang daw kami gumala. Naintindihan ko naman sya dahil kahit super excited ako, naramdaman ko rin ang matinding pagod kahit na nakatulog kami sa byahe.
"Wait lang loves. Nagbibihis na lang naman ako" sagot ni Nick.
"Bilisan mo loves. Ang tagal mo naman ih!" sagot ko.
"Oo na, eto na oh" sabi nito at lumabas na bitbit ang polo shirt na isusuot nya sa pamamasyal. In short, topless ngayon ang asawa ko.
"Grabe sya oh! I-display ba daw sakin ang yummy nyang katawan? What an abs! Shocks! Kanin na lang ang kulang" isip ko. "Haikz! Ano ba tong mga iniisip ko ke aga aga!" saway din naman agad ng isip ko.
"Seems like my wife has something naughty going on her mind. Wanna do something more naughty?" panunukso ni Nick sa akin at agad naman akong nagblush!
"W-wala no!" sagot ko. "Ai naku, bakit ba ako ibinubuko ng sarili ko. Naman!" isip ko habang ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
"Okay! Sabi mo eh. Halika na?" yaya nya sa akin.
"Let's go!" puno ng excitement na sagot ko. Gusto ko kasi talaga noon pa na makarating ng Batanes e. Relaxing. Lalo pa nun napanood ko yun palabas nina Coco Martin at Toni Gonzaga, mas nagustuhan ko lalo na makarating dito.
"Loves, daan muna tayong resto. Almusal muna tayo ha?" sambit ng asawa ko. "Naks! Kakakilig naman! Asawa ko talaga? OMG!" isip ko. "Huy loves. Lumilipad yang isip mo kanina pa. Asang ibayo ka ba?" dagdag nya.
"Eto naman. Oo, kumain na muna tayo. Nakakahiya naman kasi sa mga alaga mong dragon" pang-aasar ko.
"Wow ah! As if naman ako lang ang may alagang dragon. Mas malakas ka kayang kumain kesa sakin. Kunwari ka pa dyan" ganti nya.
"Yabang mo talaga! Hmpf!" sagot ko.
"Uyy, ang asawa ko, napipikon na naman" pang-aasar pa nya.
"Tse! Muka mo!" inis kong sagot.
"Naku, eto namang asawa ko. Ang bilis mainis" sabi nya at niyakap na ako. Pilit ko syang di pinapansin. "Loves naman, sorry na. Wag ka na maasar. Eto naman, para binibiro lang e. Sorry na. Bati na tayo" paglalambing nya sa akin.
Ai naku, eto ang nakakainis sa sarili ko. Di ko sya matiis pag gantong naglalambing na sya sa akin. Konting lambing lang nya e bumibigay na ako agad.
"Oo na, bati na tayo" sabi ko at gumanti na rin ng yakap sa kanya. Napansin ko naman na panay ang ngiti ni Mang Rene. "Ai, si Mang Rene oh, tinatawanan tayo" sabi ko.
"Ai Ma'am, hindi naman po. Natutuwa lang po ako sa inyo ni Sir Nick. Ang sweet sweet nyo po kasi. Ang dami na nga pong langgam o" pagbibiro ni Mang Rene. Natawa naman kami sa sinabi nya. Ang kalog din naman kasi nya.
"Naku ganun ba Mang Rene. Dahan dahan po kayo sa pagmamaneho. Baka pag nakagat kayo ng mga langgam na yan e gumewang tayo" pagsakay naman ni Nick sa pakikipagbiruan ni Mang Rene. Nagkatawanan naman kaming tatlo.
"Sir, Ma'am, dito po tayo sa Pension Ivatan. Masarap po ang mga pagkain nila dyan. Siguro, may mga putahe na maaring parehas sa inyo sa Maynila pero iba pa rin po pag lutong nasa Batanes talaga kayo" saad ni Mang Rene.
"Sige po, try po natin dyan" maagap na sambit ni Nick.
Simple lang ang restaurant na yun. Parang hindi naman nalalayo sa ibang restaurant na napuntahan na namin. Umorder na kami ng pagkain based sa menu nila. Ang dami ha? In fairness. At mukang masasarap nga. Nakakagutom!
We were served a starter nila daw doon which is yun crispy sweet potato chips. Masarap sya, in fairness. Maya maya naman ay mabilis ding nai-serve sa amin ang iba pang mga pagkain. Ang dami. Bitay mode lang ang peg? Nick ordered the Ivatan Platter composed of lobster, coconut crab, uvud balls, grilled flying fish, grilled cuttle fish and many more. Grabe, fiesta! Picture mode!
"Burp! Grabe, sarap loves!" sabi ni Nick. "Ikaw, nagustuhan mo ba?" tanong pa nya.
"Grabe loves, sobra. Ang sarap! Busog na busog ako loves!" sagot ko. "Thank you Mang Rene at dito mo kami dinala. Sarap ng pagkain!" dagdag ko.
"Naku, wala po yun. Salamat din po at idinamay nyo pa ko sa pagkain. Nakakahiya naman ho" sagot nito.
"Sus, wag na kayo mahiya samin Mang Rene. E eto nga, driver namin kayo pero instant tour guide na rin" sambit ni Nick.
Nagpahinga lang kami ng kaunti at nagpahulaw. Maya maya'y nagbayad na rin si Nick at inaya na kong mamasyal.
"Mang Rene, san tayo punta sunod?" tanong ni Nick.
"Dun ko po muna kayo dalhin sa Basco Lighthouse. Tamang makapag-sight seeing na rin kayo at makakuha pa ng mga litrato" sagot nito.
"Sige po" sagot naman ni Nick. "Masaya ka loves?" baling nya sa akin.
"Oo loves, super. Thank you dito ha?" sabi ko.
"Sus! Wala yun. Basta ikaw, kahit ano, gagawin ko" nakangiti nyang sabi.
"I love you loves!" sabi ko.
"I love you too loves. To the moon and back!" then he gave me a smack at napangiti naman ako.
While we're on our way patungo sa lighthouse, panay naman ang kuha ko ng litrato. Andyan yun pahihintuin ko muna si Mang Rene para lang kumuha ng litrato at magpakuha kami ng litrato. Maya maya pa'y narating na namin ang lighthouse.
"Wow! Ang ganda loves! Sobra! Pwede po kaming pumasok dyan Mang Rene?" tanong ko.
"Pwede po. May tao naman po sa loob nyan. May mga mabibili rin po kayong souvenirs" sagot nito. At walang patumpik tumpik ay hinila ko na agad si Nick papunta sa loob.
"OMG! Loves, ang sarap dito. Ang ganda ganda. Grabe talaga!" I exclaimed at tumango naman si Nick bilang pag-sang-ayon.
Matapos dun ay nagtingin kami sa mga souvenirs. Ang dami kong nabili.
"Akin na po yan Ma'am. Ako na po magbibitbit. Magpicture picture na muna po kayo dyan ni Sir" wika ni Mang Rene.
"Ai sige po. Salamat po ah" sabi ko. "Loves, thank you ah. Thank you sa lahat lahat. I love you" baling ko kay Nick.
"I love you too loves. Wala akong hindi gagawin makita lang kitang masaya" sagot nya then we shared a very passionate kiss. Sya ang unang humiwalay.
"Tara na? Para makauwi tayo nang maaga" aya nya.
"Hm, loves ah, alam ko yang nasa isip mo" sabi ko.
"Bakit, masama ba? Hindi ba pwede?" nanunubok na tanong nya.
"Hmp! Bahala ka nga dyan!" at iniwan ko sya dun. "Grabe, iba yun pakiramdam. Gagawin ulit namin yun? Well, wala naman ngang masama kasi mag-asawa na kami. I just can't help imagining that masculine body claiming mine once again. OMG!!!! Ano ba tong mga naiisip ko!!" my mind exclaimed.
"Uyyy, ayan na naman sya. May mga naiisip na naman sya!" pang-aasar pa ni Nick.
"Oi ikaw, sobra ka talaga. Tigilan mo nga ako!" sagot ko na lang.
"Be ready loves. I'm excited!" sabi nya ngunit inirapan ko na lang sya. At sya, tawa nang tawa.

YOU ARE READING
Touched by a Playboy's Heart-a story of Nick and Lena
ChickLitNicolas Dela Fuente is the son of the Mr. Rick Dela Fuente, isa din sa mga mayayamang kilala in the world of business. However, bilang kilala si Nick sa pagiging playboy, his father decided for him to take charge of a new established company which i...