MOCG 8

1.2K 87 4
                                    

Z e i r a h

Gumising ako mga 7:30 ng umaga. Syempre naman may pupuntahan kami ni Darren ngayon diba? Di naman kasi ako nang iindian no. Naghilamos tsala toothbrush bago bumaba.

Wala si mommy, umalis na siguro kasi may nakahandang pagkain sa mesa. Ang sweet talaga ni mommy kahit gaano siya ka busy eh nagagawa niya paring alagaan ako. Umupo ako tsaka kumain ng breakfast. Pagkatapos nun ay naghugas muna ako ng mga pinagkainan namin bago bumalik sa kwarto para maligo.

Ano kaya mangyayari sakin mamaya? Makaka uwi ba ako ng buhay at kumpleto? Siguro naman di ako pababayaan ni Darren mamaya. Ay nako dapat lang ano. Naligo ako tsaka nagbihis, sinuot ko yung bigay ni Darren na dress tsaka sapatos.

8:45 palang,  kaya nag laro muna ako habang hinihintay siya.

Darren calling..

" Hello" sabi ko

" Zei, hintayin mo ko jan ha! See you in a bit bye." Agad naman niyang pinatay ang tawag.

Wow naman, ang sweet niya no?

Maya maya pa ay may tumawag ulit. 

" Oh?" Bored kong sagot.

" Wala man lang hello goodmorning? Grabe siya!" Sabi ni Dawn.

" Oh edi hello good morning! Ano pong kailangan nila?" Tanong ko

" Gala tayo bii! Geh na!" Sabi niya saakin. Gala kami, siya nag aya sa akin magpaplibre? Tssk.

" Ayoko di ako pwede!" Sagot ko sakanya.

" Bakit naman?"

" May pupuntahan kami ni Darren okay? Next time nalang !" Sabi ko sa kaniya. Para matahimik na siya.

" Omg! Date, sige na nga. Okay lang excused ka. Enjoy bii balitaan mo kami ah babye!" Paalam niya tsaka pinatay ang call.

Maya maya pa ay may bumusina sa labas ng bahay. Si Darren na siguro. Paglabas ko ng bahay may sasakyan pero wala naman yata si Darren.

" Ah hello po maam kayo po si Zeirah? Pinapasundo ka po ni sir Darren, di siya nakasama kasi po may kinakausap po siya ngayon. Kaya ako nalang po yung pinasundo niya sa inyo!" Sabi ng driver. Um-oo nalang ako choosy pa ba ako? Buti nga pinasundo ako eh.

" Ah kuya, asan po ba si Darren?" Tanong ko habang nasa biyahe kami.

" Nasa studio po siya may kausap" sagot ng driver.

Tahimik nalang ako pagkatapos kong tanungin si kuya baka makulitan sakin eh tsaka tamang tama naman nakarating kami ng studio. Pagkababa ko ng sasakyan nakita ko si Darren sa loob ng building may kinakausap na babae tapos may kasamang bakla.

Di muna ako pumunta sa kanila. Baka makadistorbo pa ako sa kanila. Kahiya naman pag ganun.

" Baby!" Nagulat naman ako nang tinawag ako ni Darren tsaka yumakap siya saakin.

" Zei, buti dumating ka I need your help " Sabi niya, mukhang alam ko na ibig sabihin neto. Hinawakan niya kamay ko tsaka dinala sa dalawang kausap niya kanina.

" Ms. V, Kaila this is Zeirah my girlfriend " pakilala ni Darren saakin

I smiled at them pero parang galit yung dalawa. Instead of greeting me eh tinarayan pa ako ng dalawa. Kung wala lang talaga akong respeto sa dalawang to kanina ko pa pinatulan to.

" Suplada naman!" Bulong ko, narinig siguro ni Darren at hinigpitan niya yung pag hawak ng kamay ko. Maya maya pa ay nagpaalam na kami sa kanila. Ewan ko kung saan ako dadalhin ng isang to.

" Sino ba yung dalawang yun kanina? Kung maka asta. Hay naku talaga! " inis na sabi ko

" Oh chill baby haha papanget ka niyan eh" aba, tinawanan pa ako ng isang to.

" Eh panong di ako maiinis eh sabi mo susunduin moko pero ano? Wala naman yung driver lang hayys" ba't sinabi ko yun. Stupid me.

" Anong sabi mo Zei?" Asar nanaman abot ko dito eh.

" Pssh wala, manahimik ka jan kung ayaw mong makatikim ng suntok." Banta ko sa kanya tsaka naunang naglalakad kahit di ko alam kung saan kami pupunta bahala na . Kainis kasi tong lalaking to.

" Uyy si baby ko nag expect. Sorry na kasi. Susunduin naman kasi talaga dapat kita kaso lang dumating sila Ms. V kaya di na ako nakasama sa driver para sunduin ka " ewan ko ba pero nawala inis ko ng nagpaliwanag siya.

" Pssh lampake sa explanation mo! Sino ka ba? Ano ba tayo? " sagot ko sa kanya ansarap niyang inisin eh haha

" Ako si Darren Espanto ang nag iisang nagmamahal kay Zeirah at ano tayo? Bagay, bagay tayo " edi wow corny niya eh

" Uyy ngiti na yan " sinundot sundot pa niya yung tagiliran ko.

" Isa Darren! Tumigil ka!" sabi ko habang lumalayo sa kanya. Hinampas ko yung kamay niya para tumigil na siya.

" Aray naman by, sakit nun ah" reklamo niya buti nga sayo ang lande eh.  Inakbayan nanaman niya ako bago kami pumasok sa parang dance room nila. Ghad nakakahiya naman kasi maraming tao tsaka yung The Breakers nandito din pala.

" Uyyy sweet sila " eto na nga ba sinasabi ko eh, sandamakmak na asar nanaman to.

" Upo ka muna dun by, practice lang kami" sabi ni Darren.

" Wow, ang corny na ni Darren oh hahaha" sabi ni Kyle.

" Tumahimik kayo. Tara na guys practice na tayo" sabi ni Darren sa mga kasama niya.

" Opps, teka nga muna. Darren pakilala mo naman saamin yang kasama mong maganda!" Sabi ng babae kay Darren. Manager ata nila.

Napakamot naman si Darren sa batok niya  " Guys this is Zeirah, my girlfriend!" Pffft haha ang cute niya namumula haha.

" Wohooooooo" sigawan ng The Breakers.

" Swerte mo naman Ren, Ingatan mo yan ahh" sabi ng babae

" Hello hija, I'm Jo manager ng The Breakers " sabi niya

" Hello nice meeting you po, I'm Zeirah! " Sabi ko mabaitnaman kasi talaga ako sa mababait din.

Nag start na yung practice nila ang galing naman nila magpatugtog sarap pakinggan
maganda pala talaga boses ng tukmol na yun. Di naman ako na bobored kasi nag eenjoy ako sa pakikinig ng band practice nila. Since malapit na silang mag perform para sa Valentines Day celebration .

Mga 3 na natapos yung practice nila. Di kami nakapag lunch pero di naman ako nagugutom. Palabas na kami ng buding ngayon at sabi ng kasama ko may pupuntahan daw kami. Sumakay kami sa sasakyan nila, ako naman natulog na muna, ewan ko bigla akong inantok.

Nagising ako pero wala na kami sa sasakyan. Nasa kwarto ako. Omg nakakahiya hindi pala ako nasa kwarto ko may picture nila Darren eh.

Dali dali akong bumangon tsaka inayos ko ang itsura ko. Pagkatapos noon ay lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Darren na nasa sala nanonood ng tv.

" Ren" tawag ko sa kanya.

" Oh gising ka na pala" sabi niya tsaka lumapit saakin.

Nakapambahay na siya ngayon pero ang gwapo niya hihi " Bakit di moko ginising kahiya naman" sabi ko sa kaniya

" Tss okay lang yun himbing na himbing tulog mo eh, wag ka nang mag alala okay lang yun. Tara kanina ka pa gustong makilala nila mommy at alam ko di kapa nakapag lunch kaya tara na " sabi niya tsaka hinawakan kamay ko.

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Ipakilala sa parents niya? Omg di ako ready. Agad agad? Pwede mag back out?

My On-Cam Girlfriend // Darren Espanto • Fanfiction //Where stories live. Discover now