MOCG 28

1K 63 3
                                    


Z e i r a h

" Hoy kuya wag kang masyadong magpakasaya jan dahil wala ako. Che, nakakainis ka na ha!" Sabi ko over the phone. Nakakainis kasi si kuya. Inaasar ako na magbabakasyon daw sila ni Ate Janicka sa Spain. Bwiset talaga.

" Sige na enjoy. Gagala pa ako dito wag mokong istorbuhin geh na babye" sabi ko at agad na binaba yung phone.

Yep, nandito na ako sa Pilipinas. For vacation. Syempre may trabaho na ako sa New York. Executive Assistant ng isang sikat na clothing company. Akalain niyo yun diba guys? Pero madami akong natutunan sa trabaho ko I know how to dress well na. Nag evolve na ako syempre 21 na ako ngayon nasa tamang pag iisip na ako. I mean mature na ako mag isip. Natatawa nalang talaga ako nung naaalala ko yung nangyari bago ako sumama kay kuya. Nakakatawa lang talaga, sobrang tanga ko pala talaga no? agad agad  na pumapasok sa relasyon. I can't believe it first relationship ko fake pa. Hahahaha talaga nga naman.

May reunion yung batch namin nung high school ngayon syempre pupunta ako. Miss na miss ko na mga kaklase at kaibigan ko way back highschool pa. Since formal yung party pinili ko yung black na flowy gown long sleeves siya tsaka backless yung likod o diba kung gaano ka takip yung harap revealing naman yung likuran. Hahaha naka bun lang ang buhok ko. I took a last glance at our mirror bago lumabas sa kwarto ko. Nakita ko rin na naghihintay na si mommy saakin sa baba.

" You look stunning anak!" Puri ni mommy saakin

" Thank you mom. Mana lang sa inyo" sagot ko sa kanila as I kissed her cheeks. Nagpaalam na rin ako pagkatapos. Ako nalang rin ang nag drive papunta sa venue which is yung school namin noon.

As I entered the gate naririnig ko na agad yung tugtugan tsaka napakaraming ilaw sa labas. May mga tao rin sa labas na nag uusap maybe dito sila naguusap kasi maingay sa loob.

Naghanap muna ako ng vacant lot para ipark ang sasakyan ko. I took out my mirror para i-check yung itsura ko for the last time . You know I have to look presentable this time.

" This is it Zeirah! You are going to party!" Sabi ko sa sarili ko as I got out of my car.

Naglakad ako papunta sa entrance I give my card sa nagbabantay bago ako nakapasok. Parang club dito sa loob may dancing lights and may nagsasayawan. Pero may mga round tables sa paligid as well as mga maliliit na tables na para sa drinks. May buffet din.

As I was busy looking for Dawn and Danes may nag offer naman ng wine saakin " Thanks"

" Omg! Bii you've made it! Tara na" sabi ni Danes saakin. Silang dalawa lang ni Dawn ang nakakaalam na bumalik ako dito.

" Of course I will attend miss ko na kasi mga ka batch natin at mga classmates natin of course" sagot ko while following her.

" Saan ba kayo nakaupo? " tanong ko as I took a sip from my wine.

" Oh ayun na oh, yung mga maiiingay you know what? Kanina ka pa nila pinag uusapan, di ka daw umuwi para sa reunion" she was referring to The Breakers.

Tumingin ako sa table si Dawn at Danes lang talaga yung babae and the rest were boys. Di ko lubos maisip na nagtagal yung friendship namin towards sa mga playboy na to. I've heard sikat na sikat na talaga sila ngayon halata nga naman maraming pumapansin sa kanila na mga ka batch namin. At mas gumwapo tong mga lecheng to.

" Zeirah talaga porket nag New York lang di na naisipang bumalik dito" rinig kong sabi ni Paolo.

" Oo nga eh di man lang nag padala ng balik bayan box satin " Sabat naman ni Francis. Napa ngiti tuloy ako.

" So ganon!? Bina back fight niyo na ako ngayon?" Salita ko as I went closer to them. Sabay sabay namang napatingin saakin yung mga ugok at tumayo para yakapin ako.

" Zeirah!! na miss ka namin grabe!" Sabi ni France.

" Haha talaga ba? Alam ko naman pasalubong habol niyo!" Natatawang sagot ko

Nagtawanan naman sila " Mas gumanda ka ngayon zei ah!" Salita ni Paolo

" Oo nga sarap siguro ng buhay mo dun no? " si Jerome

" Pasalubong namin ah! Ilang years kaming nag hintay!" Talaga nga naman tong si Kyle.

" Oo na mamaya paupu-in niyo muna ako" sabi ko. Bumalik naman sila sa mga upuan nila. I sat beside Dawn sa kabila ko naman si Danes. Bale nasa pagitan nila ako. Sa harap naman namin yung boys.

" Darren! Long time no see kamusta?" I smiled as I looked at him. Ang mature na ni Darren ngayon, I admit mas gumwapo siya.

" I'm okay,  ikaw?" Tanong niya pabalik.

" I'm good " sabi ko.

Maya maya pa nag salita na yung principal tsaka yung nga teachers namin noon. After that kumain na kami ng dinner.

" Ay grabe sobrang na miss ko talaga ang Filipino foods " sabi sabay subo ng ulam

" Mag kwento ka naman " sabi ni Dawn.

I raised my brow " You talk. May nabalitaan ako. mind sharing it Dawnicca and Francis?" Sabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan naman sila " Were Engaged" masayang sabi ni Francis. Tinaas naman ni Dawn yung kamay nilang may singsing.

" Walang forever! Tandaan niyo yan" sabi ni Danes sabay pout, bitter ng isang to.

" Babe naman eh grabe ka magsalita!" Binatukan ko si Danes. Nagboboyfriend na pala to di nagsasabi.

" Bii naman eh!" Maktol niya.

" Ang dadaya niyo! Di ako inform sa mga kalokohan niyo. Di man lang ako na invite sa engagement ng dalawang to di ko alam nagboboyfriend ka na pala Danes!" Sabi ko sa kanila

" Sa wedding invited ka " sagot ni France

" Eh ikaw Zei? Lovelife mo?" Leche talaga tong si Paolo.

" Hahaha! Syempre work ko love life ko!" Agad kong sagot.

Nagkatinginan naman silang lahat except Darren and me.

" The Breakers mag peperfrom na kayo" biglang sumulpot yung class president namin dati.

" What's with the stare earlier guys? Nakakainis kayo ah dami niyo nang sikreto!" Nakangusong sabi ko sa kanila.

" Wala yun. Bii listen muna tayo okay?" Sabi ni Dawn tsaka humarap sa stage. So I did the same, lahat yata ng nandito nakatutok sa kanila.

They started playing. As usual si Darren yung vocalist halata naman diba?  As I was looking at them, na realize ko wala man lang akong na feel na kahit ano. Normal lang talaga parang wala lang nangyari noon.


" New song ba nila yan?" Tanong ko

" Yep new release yan! " sagot ni Dawn

Ang ganda naman ng song nila. Infairness I like it— the song.


My On-Cam Girlfriend // Darren Espanto • Fanfiction //Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz