MOCG 11

1.3K 73 5
                                    

D a r r e n

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin agad kami ng school at baka ma late pa kami.

" Uy Handsome face of Darren!" Nagulat nalang ako ng may sumigaw malapit sa tenga ko. Sht masakit sa tenga ah.

" Oh? " sagot ko, si Zeirah lang pala at mukhang inis na inis na siya.

" Pssh feeling mo kala mo totoo yung sinabi ko? Well sorry joke lang yun!" Sabi niya tsaka tinaasan ako ng kilay. Ewan ko ba pero tuwing nakikita kong inis na inis siya natutuwa pa nga ako eh. Ang cute niya lang kasi.

Pero FRIEND lang turing ko sa kaniya ah! Wag niyo akong pangunahan. Di kayoang may hawak ng puso ko at di niyo rin alam kung ano ang feeling ko. Tandaan niyo ako lang ang sadyang makakaalam ng nararamdaman ko. Wala kayong alam! Haha joke lang yun.

" Pssh binawi mo pa. Sabi nga nila Sometimes JOKES are half Meant!" Sabi ko oh ano ka ngayon ah?

" Bobo! Kaya nga Sometimes diba? Hindi always,  kaya ibig sabihin nun pag jino-joke ka eh palagi nalang sadya. Meron din kasing hanggang joke lang talaga " sabi niya. Oh anong nangyari dito? andaming sinabi wala man lang ako ni isang naintindihan.

" Oh? Tumahimik ka na nga lang dami mo pang sinasabi eh di mo pa nga nabayaran yang kwintas na binigay ko sayo" Reklamo ko. Sadyang iniinis ko lang talaga siya.

" Sabi mo 'bigay' mo to. Tas ano? Pagbabayaran ko? Diba iba ang give sa sell? Ano ba darren! Anlabo mo na ah. Ayan naman kasi kayo eh lahat nalang gusto niyo may kapalit. Eh pano kung di namin maibigay sa inyo yun? Ano iiwan niyo nalang kami dahil dun? Napaka mo naman!!"  lakas na talaga ng tama neto oh ano? Ipapamental ko na ba to?

" Pssh ewan ko sayo, alis na ako! " ngayon ko lang namalayan nasa harap na pala kami ng classroom nila.

" Oh yan nanaman tayo eh basta basta nang iiwan di mo ba alam masakit yun " tss may topak na talaga to. Ganito ba yung epekto ng pagbigay ko sakanya ng kwintas na yun? Nagiging abnormal na siya.

" Sige na Zei, pasok ka na sa loob kita nalang tayo mamaya pag uwi an " Paalam ko sa kanya

" Okay!  salamat sa kwintas ah Darren! See you later" pagkatapos niya akong halikan sa pisngi eh pumasok na siya sa loob ng classroom nila.


Napa iling nalang ako. Baliw talaga.


Z e i r a h

" Wow naman bii, ganda naman ng necklace mo nakakainggit " sabi ni Danes habang titig na titig sa kwintas ko.

" Oo nga  bii, saan mo nabili yan? Meron pa ba? Bili rin kami para same tayong tatlo!" Sabi naman ni Dawn na halatang excited malaman kung saan ko nabili yung kwintas

Sasabihin ko ba? Malamang oo pssh.

" Darren gave this to me kanina. I can't believe it na siya pala nakabili neto. Supposed to be kasi I am the one who's going to buy this kaso di ko dala yung pera ko noon then pagkabalik ko wala na siya. Muntik na nga akong maiyak eh pero God is Good talaga binigay pa rin saakin! " mahabang lintana ko sa kanila. 

" Awe, ang sweet naman ng loves mo bii, nakaka inggit. Patunay lang yulan na Meant to Be nga kayo !" Kilig na kilig naman tong si Danes.

" Hehe whatever edi pabili ka rin kay Francis mo. Yaman nun eh!" katwiran ko.

" Hayy naku tama ka Mishi. Eh naman kasi etong isa pakipot masyado! " sabi naman ni Danes

Maya maya ay dumating ang adviser namin at sinabi sa amin na may practice daw para sa Valentines day program ng school. Ayos ng school namin noh? sine-celebrate yung Valentines Day. Mahal na mahal kasi ng principal namin yung mga couples dito sa school kaya ayun.

" Ay buti pa sila Darren and Mishi magkakasama ulit. Hays lipat nalang kaya ako kina Mishi " sabi ni Dawn kay Danes.

" Wow haha sagutin mo na kasi si Francis mo ikaw naman eh" sabi ni Danes.

" Ehh soon okay? " Sagot ni Dawn  tsaka ngumiti.

" Oh sige guys gotta go kita nalang tayo mamaya!" Paalam ko sa kanila tsaka pumunta sa Dance room.

Buti nalang talaga may dala akong extra na dance outfit sa locker ko. Pumunta ako ng cr tsaka nagbihis. And after that dumiretso na ako ng Dance room. Pagkapasok ko andun na yung The Breakers.

" Zeirah, we miss you!" Sabi nila tsaka lumapit saakin at niyakap ako. Mga baliw din tong mga to eh feeling close.

" Yuck ambaho niyo naman alis nga! " Sigaw ko sa kanila.

" Aray naman, mabaho? Tss ang bango kaya namin " reklamo ni Jerome.

" Sakit sa feelings ah!" Sabi naman ni Francis arte neto.

" Sus sadyang ayaw lang talaga ni Zeirah sa inyo kasi ako lang gusto niyang kayakap diba baby?" Ewss asa siya.

" Kapal mo ah!" Sabi ko sa kanya. Niyakap naman ako bigla ni Darren aba para paraan din to eh. Akala niya nagugustuhan ko to? 

" Uyyyy sweet! " hiyawan ulit yung The Breakers.

" Kainggit naman !" sabi ni Kyle. Kinurot ko naman yung tagiliran niya dahilan upang humiwalay siya sa akin. 

" Aray naman by, I miss you too!"  Urghh kabwiset talaga tong lalaki na to wala na siyang ibang gawin kundi inisin ako. Hinalikan niya pa yung pisngi ko bago tuluyang lumayo saakin. 

" Darren!" Sigaw ko tsaka hinabol siya. Paikot ikot kami ng dance room.

" Oy payback lang yun sa ginawa mo kanina! " sabi niya habang patuloy parin sa pagtatakbo.

" What? Ano bang ginawa ko kanina? " tanong ko pabalik sa kanya.

" You kis----" binato ko siya ng phone ko. Shocks! buti nalang nasalo niya kundi katapusan na talaga ng phone ko.

" Shut up Darren! Fine quits na tayo!" Sabi ko sa kanya tsaka tumigil sa pagtatakbo. Di pa nga nag uumpisa yung practice pawis na agad ako. Bwiset na Espanto.

" Ehem ehem, excuse me lang ah pero nandito kami oh? Nakaka OP !" Sabi ni Paolo. Weh? Nagsalita siya.

" Hahaha, naiinggit si Paolo sinabi sayo bro eh pormahan mo na si Danes. Single naman yun eh. " dami niyang alam na kalokohan. Dinamay pa niya Bestfriend ko.

" Hoy wag mong madamay damay best friend ko sa kalokohan niyo uy. Lagot talaga kayo saakin pag nagkataon " Banta ko sa kanila.

Nagtawanan naman sila? What's FUNNY? Natahimik naman kaming lahat ng biglang bumukas yung pinto ng dance room.

" Wow, looks like I'm missing the fun in here!" Sabi niya

Tumingin ako kay Darren na ngayon ay naka kunot yung  noo niya. At yung The Breakers naman naging seryoso yung mga mukha nila. What is happening in here. Sudden change of their moods? Parang ako na yata yung OP ngayon.

My On-Cam Girlfriend // Darren Espanto • Fanfiction //Where stories live. Discover now