MOCG 14

1.2K 94 14
                                    

Z e i r a h

Kaka uwi ko lang galing sa gala namin ni Danes kanina. Naisipan kasi namin na gumala nalang kesa naman bumalik sa campus. Tinanong pa nga ako ni mommy kung bakit hindi kami magkasama ni Darren ayan tuloy nagpalusot ulit ako. Everytime kasi na mag away o kaya di kami bati ni Darren ako pa pinapagalitan niya. Diba ang saya!?

" Mishi bumaba ka nga rito! Pumunta ka sa garden dali an mo!" Rinig kong tawag saakin ni mommy kaya kaagad akong bumaba. Late na rin pero bakit gising pa si mommy? Usually kasi ako lang ang gising pag ganitong oras. Pero ngayon himala yata.

Bumaba ako. Nakapatay na lahat ng ilaw. Asan kaya si mommy? Nagtitipid na yata kami sa kuryente ngayon at nakapatay lahat, muntikan pa akong matisod sa hagdanan.

" Mi? Asan ka?" Sigaw ko

" Aaaahhhhhhh" napasigaw ako nang may lumitaw na babaeng maputi sa harapan ko na may dalang chips?

" Huy wag ka ngang maingay anak. Ako to oh! " sabi ni mommy.

" ay , bakit ba kasi nakapatay lahat ng ilaw dito? Ayan tuloy napagkamalan ko kayong multo. " rason ko.

" Hays okay lang yan anak. Nga pala pumunta ka ng garden. Ayusin niyo yan ha! Ang away di dapat pinapatagal. Sige na good night anak " sabi niya tsaka umakyat na ng hagdanan.

Parang alam ko na kung sino ang tinutukoy ni mommy. Ano nanaman ang pumasok sa isip neto at nag punta dito sa bahay? Pagkarating ko sa garden namin nandoon siya nakatayo bitbit yung malaking bear na hawak hawak niya kanina sa campus.

" Oh? Anong ginagawa mo dito?" Walang ganang tanong ko.

" To apologize sa mga nangyari kanina. I'm sorry Zei, di dapat kita pinabayaan. It's just that nagipit lang ako kanina" Paliwanag niya

"Wow ha. Teka lang why are you explaining by the way? " tanong ko sa kanya.

" Kasi alam ko na galit ka saakin at yun ang dahilan." Sagot naman niya.

" You don't have to explain cause I didn't tell you to. Okay lang naman saakin yun eh. Tsaka wala naman kasi akong karapatan na magalit o kaya mangi alam sa buhay mo. Besides I'm just your fake girlfriend di naman to totoo diba? So why bother?" Sabi ko sa kanya ang labo din kasi neto eh bakit ganito siya saakin? Nagpapaliwanag, nag sosorry kahit di naman dapat.

" Cause I feel like I need to explain and clear things out " sabi niya sabay lapit saakin.

" For you Zei, piece offering tsaka valentine's gift " sabi niya sabay bigay ng bear saakin.

" Ibibigay mo to sakin kasi di kinuha ni Kaila? Ganon ba yun? Sorry to tell you but I can't accept that "

" Hindi ganon, di naman to para sa kanya eh, para sayo talaga to. I'm planning na ibigay to sayo kanina sa campus kaso nga lang di natuloy kasi dumating si Kaila " sabi niya

" Okay!" Sabi ko tsaka kinuha sa kanya yung bear. Kinilig ako dun ah pero di parin kami okay kala niya. Matapos siyang makipag landian sa iba kanina sa school.

" I'm really sorry Zei. I'm so stupid for doing that earlier " sabi niya ulit sabay hawak sa kamay ko.

" Ren bakit ang unfair mo? May rules kang ibinigay na dapat nating sundin pero bakit ikaw mismo ang lumalabag dun? You told me na wag ako sasama sa ibang lalaki kasi baka magka issue. Tapos ikaw, okay lang kahit iba ang kasama mo? Sa campus pa talaga ah sa maraming tao. Ang unfair naman. Ako kasi sinusunod ko lahat. I'm trying my best na sumunod sa mga rules na yun pero ano? Ikaw  mismo ang di sumusunod " di ko na napigilan ang sarili ko. Kaya nasabi ko lahat ng iyon.

" I know and I'm really sorry. I'm sorry " paumanhin niya.

Nakakainis sobra "Super late na. Inaantok na rin ako. You should go now" sabi ko tsaka tinalikuran siya.

My On-Cam Girlfriend // Darren Espanto • Fanfiction //Where stories live. Discover now