MOCG 10

1.2K 87 7
                                    

Z e i r a h

Nandito kami ni Darren sa mall ngayon at kakarating lang namin.

" Oh san tayo pupunta?" Tanong ko.

" Bibili lang ako ng perfume " Pinasama pa ako para lang bumili ng perfume niya?

" What? Sinama mo pa talaga ako para lang sa perfume na yan? Ano ba naman yan!" Reklamo ko sa kanya.

" Psshh oo sinama kita kasi boring pag ako lang mag isa tapos mga nakakasalubong ko mga mag syota. Nagmumukha akong kawawa. Tsaka para na rin alam mo yung perfume ko para sa susunod ikaw na magreregalo saakin ng perfume" wow tindi ng dahilan mo uy. Nakaka bwiset talaga.

" Woy at bakit naman ako magreregalo ng perfume sayo?" Pagtataray ko sa kanya. We're not even friends. Tss!

" Kasi boyfriend moko " totoo? wow naman Darren sinasabi ko sayo wag kang gumanyan ay naku di talaga maganda kalalabasan ng deal na to pag ganyan ka. Pa fall jusko!

" Feeler. Jan ka na nga muna okay? May titingnan lang ako dun sa jewelry shop " Paalam ko sakanya babalikan ko sana yung kwintas na gusto ko. Sana naman di pa siya nabibili.

" Uy teka wag mokong iwan " sabi niya ng padabog

" Hayyys arte neto. Jan lang naman po ako sa katabing store jan ka na okay? " sabi ko tsaka umalis.

Pagkapasok ko sa shop agad hinanap ng mga mata ko yung kwintas.

" Hello po ate. Itatanong ko lang po kung available pa po yung kwintas na tiningnan ko last week? Yung may blue pendant po " tanong ko kay ate na nakabantay sa store.

Sana naman andyan parin siya.

" Ay, yung tiningnan niyo po ba last week? Nako maam sorry po nabili na po siya kahapon lang " sad life.

" Ay ganon po ba? Sige ate salamat nalang po" lumabas din ako agad baka hanapin ako ng tukmol na kasama ko.

" Zei, tagal mo naman grabe. Pinaghintay moko tapos yung ending wala ka man lang ni isa na binili?" Ayan nasermonan tuloy ako. Napaka talagang lalaking to.

" Grabe as if naman ang tagal ko sa loob. Hays kainis ka dinga ako umabot ng 10 minutes eh habang ikaw halos 1 hour sa kakapili ng perfume mo!" Bulyaw ko sa kanya tsaka naunang maglakad.

Kesa naman na sermonan niya ako sana I-treat nalang niya ako ng lunch. Nakakgutom kaya siyang kasama. Hay naku.

" Pst oy, Zei hintay nga bilis mong lumakad " reklamo niya.

" Pssh ewan ko sayo uuwi nako!" Sagot ko sa kanya

" Teka lang naman, mamaya ka na magtaray kakain muna tayo okay? Alam ko nagugutom ka na rin " Sabi niya buti naman pala ginagamit niya utak niya.

Sinabayan niya ako sa paglalakad. Tsaka inabot yung paper bag na bitbit niya.

" Oh anong gagawin ko diyan? " Tinaasan ko siya ng kilay. Ibibigay ba niya saakin tong bag nato?

" Ikaw magbibit bit niyan. Maging sweet ka naman sa boyfriend mo!" Wow! Hayop

" Wow naman, napaka caring mo naman no?" Sabi ko sabay hablot ng paper bag sakanya.

Pumasok kami sa isang hindi masyadong crowded na  resto, no choice kami eh puno yung ibang mga resto dito sa mall.

Umupo kami ni Darren sa pinaka dulong upuan at maya maya pa ay  may waiter na kumuha ng mga order namin. Si Darren nalang yung pina order ko bahala na siya kung anong oorderin niya basta ako kakain. Hahaha

Maya maya ay bumalik yung waiter na may dalang rice tsaka sinigang tapos yung prawns at
tsaka may tempura pa. Patay gutom talaga.

" Ilang taon ka bang di naka kain?" Tanong ko sakanya

" Grabe ka araw araw po akong kumakain kaya pwede ba? kumain ka nalang jan?"

Okay di na ako aangal kakain nalang ako nagugutom rin ako eh. Nga pala ang cute niya kumain hihi kapag ngumunguya siya hahaha para siyang baby. Hahaha

" Oh tinitingnan moko?" Bigla kasi siyang napa tingin sa akin.

" Oh bakit tinitingnan moko?" Sabi ko sakanya. Napa iling nalang siya.

Eh tama naman ako diba? Paano niya nalaman na nakatingin ako sakanya  kung di siya tumitingin saakin diba? Patapos na kaming kumain nang bigla siyang tumayo at pumunta sa tabi ko.

" Oh? Anong ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong.

Ngumiti lang siya. Tsaka may kinuha na box sa bulsang pants niya  at nilapag sa table. Tiningnan ko nalang ito, sus baka kung ano pa laman niyan ano. Mahirap na.

" Zei, naalala ko matapos akong humingi ng favor sayo at sa mga naitulong mo saakin di pa pala ako nakakapag pasalamat sayo. Thank you talaga Zei ah. Kahit na  alam kong inis na inis ka saakit pumayag ka pa rin " Sabi niya saakin.

" Hoy kapal mo ah, di ako pumayag pinilit moko. Tss" sagot ko sakanya

Kumunot nanaman noo niya. Ay babawiin ko na nga lang baka bawiin pa niya yung thank you niya.

" Ah eh syempre joke lang yun ano ka ba. Oo na your welcome po!" Sagot ko tsaka ngumiti ng pilit.

" Thank you gift ko nga pala sayo yan " sabi niya tsaka tinuro yung box.

" Ha? Akin to? Di nga? " Baka kasi joke lang niya to.

" Oo sayo yan, buksan mo na sana magustuhan mo! " sabi niya kaya naexcite ako, binuksan ko yung box.

" Omg! Eto siya!" Sabi ko habang di inaalis yung tingin sa laman ng box. Si Darren pala yung naka bili ng necklace na gusto ko. At luckily saakin niya ibibigay. Meant to be ata kami ng necklace na to eh.

" This is the one I've been looking for, ikaw pala ang nakabili!" Natatawa kong sabi sakanya.

" Akin na yan, isusuot ko sayo" sabi niya tsaka isinuot yung kwintas saakin.

" Bagay ah!" Comment niya, sa sobrang tuwa naman ay niyakap ko siya.

" Thank you so much Ren! " sabi ko. Finally nasa akin na talaga siya. Nanatili lang akong nakayakap sa kanya until I realized na medyo matagal tagal na pala yung pagkakayakap ko sa kanya.

" Ay sorry hehe!" Umiwas ako ng tingin sa kanya ng humiwalay ako sa pagkakayakap dahil sigurado namumula na ako.

" Ms. Dillera nahiya ka pa eh parang ayaw mo ngang humiwalay sa yakap eh " tukso niya

" Wow ha kapal mo ah di naman sadya yun nadala lang ako tss wag assuming eh. Pero salamat" sabi ko tsaka humarap sa kanya.

" Oy di yan libre ahmay bayad yan " Sabi niya tsaka bumalik sa upuan niya sa harapan ko.

" Oh sige bayaran kita eto pera ko!" Sabi ko sabay bigay sakanya tsa kala ko pa naman thank you gift to? Tas ang ending pagbabayarin ako? Tindi naman ng tukmol na to.

" Hindi yan ang ibig sabhihin kong bayad! " sabi niya, ano nanaman kayang balak nito?

" Oh eh ano? " Tanong ko.

" Kiss!" Sabi niya sabay pout ASA. Tinapon ko sa pagmumukha niya yung tissue na nilukot ko.

" Asa ka, ibabalik ko balang ting kwintas mo kesa naman kiss ang kapalit wag na uy!" Sabi ko tsaka hinawakan ang lock ng kwintas pero agad din niyang pinigilan.

" Uy joke lang yun. Wag mong tanggalin yan bagay pa naman sayo " Sabi niya tsaka ngumiti.

Kumabog dibdib ko. Kinilig ako. Nakakainis!

My On-Cam Girlfriend // Darren Espanto • Fanfiction //Where stories live. Discover now