Naughty Heart 12:

2.3K 78 8
                                    


Chapter 12, Talaga siya......



Good morning Guys, tuloy ang ud..





" Wow, Bayabas ba iyan?" Di mapigilang Isigaw,, Mahilig naman kasi talaga ako sa Bayabas,, Napaismid naman ang Babaeng kasama ko,



" Bayabas lang iyan,. Crade." Sabi nito, napatingin naman siya dito, For the first time, tinawag siya nito sa Pangalan niya,



" Wow, For the first time, You call me, By My first name." Nakangiting sabi niya dito. Gaya ng dati sumimangot naman ito.. Sinabayan niya ito ng lakad, Habang kinuha ang Bayabas, sa Puno, pansumandali silang tumigil sa Paglalakad, Kahit na may benda pa ang Paa nito, pinili nitong maglakad, nasa Mansion naman sila, naglalakad lang sila sa Paligid ng Hacienda. himala naman kasi na Pumayag ito na samahan siya, maglibot,,



Dahil na rin sa Utos ng Don, kaya ito pumayag,




" Samantha, Pwede ba magtanong sayo?" Di niya mapigilang sabi dito, Nakataas ang kilay nito, Bago sumagot sa kaniya.. Habang Pinapahid niya ang nakuhang Bayabas sa kaniyang Damit, bago nginata iyon,, napairap ito sa Ginawa niya.. saglit pa silang huminto at Tumingin kay Sydd na, nasa Kwadra..



" Bakit ang sungit mo sa akin?" Iyan naman ang Tanong niya dito.




" Sungit? Ganito lang talaga ako. Kasi Ayoko sayo yun lang yun." sabi nito, napangiti naman ako sa sinabi nito.



" Ganun?, Tao naman ako ah, bakit ka galit na galit sa akin?." Ulit ko sa kaniya..



" Kasi Mayabang ka." Sabi naman nito, napaturo naman ako sa sarili ko.. " Ako Mayabang? Hindi kaya, huwag kang Judgemental., hindi mo pa ako kilala.." Sabi ko naman sa kaniya.


" Pssh. Kilala kita, Crade Kilalang-kilala." Sabi niya naman, napakunot naman ang Noo ko, sa sinabi niya, pero dagli din siyang nagbawi ng tingin, at binalik ang Atensyon kay Sydd. at hindi lang yun Pumasok pa siya sa Kwadra at kinuha ito,



" Hey!." Pigil ko sa kaniya.. " Anong gagawin mo?" Minsan pang sinabi ko.



" Bakit ba?" Sabi niya naman, medyo mataas pa ang tono niya..



" Wala ka bang kadalaan? Hindi pa ganun kagaling ang Paa mo? Bakit Mangangabayo ka na? Wag nga matigas ang ulo mo Sam?." Naiinis na sabi ko dito, Hindi ko maintindihan ang sarili, Simula ng makita ko siya kung gaano siya Kabait sa mga Tao dito, ay nag-iiba ang tingin ko sa kaniya.. Pakiramdam ko ay kailangan ko siyang Pasayahin, kasi parang ang Lungkot-lungkot niya..

Naughty HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon