Naughty Heart 18

1.9K 62 3
                                    


Para po sa inyo..:)




" Ayan na, Pwede ka ng Bumababa Senorito.." Pagsusungit ni Samantha sa Lalake, na katabi, Ngumiti naman ito ng Pagkatamis-tamis, na para bang tuwang-tuwa ito na Pinag drive niya ito..



" Salamat ng Marami, Senorita." Ganti nito sa kaniya, Pero ang sagot niya lang dito ay Irap.. napilitan lang kasi siyang samahan ito, dahil sa kaniyang Lolo.



" Hmnn, This Place is Good ah, Finally nakakita rin ako ng tao." Sabi ng Lalake, Napaismid naman si Samantha dito.. " Tao talaga ha? Yung ugali naman Hayop." Bulong niya sa sarili.



" Sabihin mo nga sa akin, Samantha.. Maganda pala ang Simbahan dito.." Sabi nito sa kaniya, Wala sa sarili na, napatingin siya sa Simbahan, Ang simbahan kung san kinasal ang Kaniyang mga Magulang. Kaya ayaw niyang magpunta ng Bayan eh, dahil sa mga Ala-ala..




" Bakit, May balak ka ba Mag simba?" Tamad na sabi niya sa Lalakeng katabi. Na agad na sinagot nito..




" Oo naman, Ang tagal ko ng di Nakapag simba eh, Imagine Isang Buwan mahigit na rin ako dito,, Madalas kaming Magsimba nila Mommy, si Brixx lang naman ang di pala Simba eh.." Sabi naman nito,




" Ikaw nalang, Ayaw ko Pumasok sa Simbahan." Sabi niya naman dito..




" Ok, pero sige Pasok na muna ako, Iwan na lang kita." Sabi naman ni Cradem at Mabilis na Pumasok sa Loob ng Simbahan na kahit walang Misa ay tumuloy pa rin siya, Tiningnan niya naman ito Buhat sa Malayo, at Kita niya ang Pag-upo nito sa Ibabaw ng sasakyan niya. Malungkot ang Mukha nito, na tila ba may naiisip na kung ano, Naguguluhan talaga siya sa Babaeng ito?



Ilang minuto ang tinagal niya sa Loob, para makapag dasal, Kaya naman ng Matapos iyon, Ay agad siyang Lumabas, subalit hindi niya natanaw ang Babae, Mabilis siyang Lumapit sa Sasakyan nito, Para lang Makita niya ito, Na nakaupo dun sa Ale na nagtitinda ng Sampaguita, Habang kausap nito ang Isang Batang Babae, Nakikipag tawanan ito sa mga Yun..



"Hmnn, Tingnan mo nga itong Babae na ito, Marunong naman tumawa. Pero pag dating sa kaniya, Napakasungit.." Kaya naman di na siya nag-dalawang isip na Lapitan ito..




" Samantha!." Sabi niya sa Babae, na ikinatingin nito, pati ng Dalawang Kausap nito..




" Ahehehehe." Tawa ng Batang Babae, na tumingin pa sa kaniya.." Kaya ba napasyal ka dito Ate, kasi kasama mo ang Bf mo?." Sabi nung Bata, na agad na sinagot ni Samantha..

Naughty HeartWhere stories live. Discover now