Chapter 32:

1.7K 52 4
                                    



''Senorita. Samantha, Malakas ho ang Ulan, Tara na po, Baka mas lalo pang lumakas ang Ulan,  Pasok na po tayo sa Loob. '' Aya ni Basti kay Samantha, kasalukuyan kasi silang Nasa Bukid, Niyaya siya nito na Pumasok sa Loob ngPagawaan ng Bigas, Kung san Ginagawa ang mga Bigas na Galing sa Palay, Pero ayaw niyang Paawat, Gusto niyang mag Paka Busy sa ginagawa..



Ilang araw ng wala si Crade, at Inaamin niya na Na mimiss niya rin ang Binata.. Sobra,,


Samantalang Halos batukan naman ni Badong si Basti.. ''Ano ka ba, Basti, Bakit Pinabayaan mo si Senorita dun?, Magagalit si Boss nun eh.''  Sabi  naman ito kay Badong.. Kumakamot-kamot naman si Basti, ''Eh anong gagawin ko? Kung ayaw talaga, Ikaw Pumunta at Ikaw magsabi,,''Sabi naman nito. Wala naman sila magawa Dalawa, Wala na rin naman Tao, sila nalang sapagkat nag sialisan na ang mga Tao, hindi lang sila nakaalis sapagkat, Hinahantay nila si Samantha na Umuwi para makasabay nila..





'' Anong gagawin natin, Badong kung ayaw talaga, Maya Sigawan pa ako eh. Ikaw naman kasi, sabi mo kasi, Umuwi na si Utol eh, Dinig na dinig ko kanina si Don. Aragon at si Senorita na nag- uusap, sabi niya, Mabuti daw na Umalis na eh. Nagtataka lang ako, Bakit siya ganyan?'' Binatukan naman siya ni Badong..




'' Nagtaka ka pa sa mga Babae. Alam mo naman sila, para kang Bago ng Bago,, Tama lang Yung ginawa ko, Pasasalamatan din ako ni Utol noh..'' Tumingin naman silang dalawa sa Dalaga, na Nagpapakabasa sa Ulan.. Pero agad din silang Nag-iwas,, Yari sila kay Crade pag nagkataon.. Halos Basang-basa si Samantha ng tumigil sa Pag- Gagapas ng Palay, Kahit anog saway sa kaniya ng Dalawa ay hindi siya nagpatinag, Nais niyang mawala ang nadarama, Lalo na ngayon, Naiinis siya sa sarili, Kaya ng makita niya ang Dalawa na nakatayo sa Gilid ng Pinto. Ay sinulyapan niya na lamang ang mga ito.. ''Titigan niyo na lamang ba ako? Samahan niyo na ako, Umuwi na tayo., Bilisan niyo,'' Sigaw niya sa Dalawa. Na ngayon ay natataranta..Sumakay siya sa Kabayo niya, at Agad na Pinakaripas ng takbo, Nadinig niya pa ang dalawa na sumisigaw, pero napilitan din na sumakay ng kabayo,





''Senorita, Sandali, Bakit kailangan natin na tumakbo, Dun po muna tayo,.. Sigaw ni Basti, Sinulyapan naman ito ni Samantha.. ''Kung gusto mo, maiwan kayo dun, Ako uuwi na..'' Naiinis na sigaw niya sa Dalawa, dahil may naalala lamang siya kaya ayaw niya na Magtagal pa dun.. Wala silang Imikan tatlo, Wala siyang paki sa mga kasama niya, ang nais niya makauwi, Kaya ng makarating siya sa Mansion, Basta niya na lamang Nilagay sa Kwadra si Syd, habang ang Tubig ay tumutulo sa katawan niya, Matapos nun ay Pumasok na siya sa Loob ng Mansion, ng Madako ang tingin niya sa Beranda, Kung saan lagi umuupo si Crade at Nagkakape, Malungkot na Pinasadahan niya ng tingin ang Bahaging iyon. Lalo higit ang Puno na yun, kung saan katapat ng kwarto niya, Dun sila Unang Nagkita ni Crade, Kung saan pinagkakaguluhan ito ng mga katulong nila, Dito din sa Lamesang ito, sa Hapag kung san sila Nagtatalo.. Nakakalungkot isipin, Na bahagi na lamang iyon ng Nakaraan niya..




'' Samantha Hija, Basang-Basa ka..'' Tinig ng kaniyang Nanay nanayan. Napalingon naman siya dito..'' Anak baka magkasakit, Bakit ka nagpakabasa sa ulan Huh?.'' Sabi naman nito.. Ngumiti lamang siya ng Mapakla, ''Wala na siya Nay, Umuwi na siya. Bumalik na siya ng Manila, Hindi niya kaya dito, Sabi ko sayo Nay, Uuwi din siya-.'' Pag amin niya ng nadarama sa Nanay niya. Napakunot naman ang Noo nito, Halatang Naguguluhan sa mga sinasabi niya.. ''Huh? Ano bang sinasabi mo Anak?.''

Naughty HeartWhere stories live. Discover now