Naughty Heart 37

1.9K 50 4
                                    

Sorry sa bagal ko Mag-ud, Guys Babalik normal na ang Ud ko, Once na matapos ang ginagawa ko.



" Kulit, San ka pupunta?." Tanong ni Crade kay Samantha ng makita ito na Nakaayos, na Papuntang Bukid, Siya naman ay nakabihis ng Pormal, Tiningnan naman siya nito, Mula hanggang Paa, at muling dumako ang tingin nito sa kaniyang Mukha, Tinaasan niya naman ito ng kilay,, at tinakpan ang mata nito na nakatingin sa kaniya..




" Why are you checking me?" Natatawang sabi niya, " Hmmn, Narerealize mo ba, kung gaano ka kaswerte, Kasi ang Gwapo gwapo ko?" Sabi niya sa Dalaga, Natawa naman ito sa sinabi niya, at kumawala sa pagkakayakap niya,


" Psh, wala ka pa ring Pinagbago, Noh?, Ang Yabang mo pa rin, Sabagay Joke mo pala yun, Ikaw san ka ba pupunta?" Sabi niya rito, Matapos makalayo sa lalake, Pero ito ay Hinila siya, at niyakap ng mahigpit, kasabay ang pagkulong ng kamay nito sa mukha niya, " Sam, Your going with me, This is my First Day sa Company ng Mama mo, Ng Mama ko." Nakangiting sabi nito, Bigla naman na nag iba ang Mood niya, sa sinabi nito, Ang nakangiting Mata ay biglang Lumamlam.." Kulit, Sa tingin mo, Kaya ko? Sa tingin mo ba kaya-." Hinarang ng Binata ang Daliri sa kaniyang Bibig,




" Kulit, Wala kang hindi makakaya, Kung gusto mo, At kung maniniwala ka sa sarili mo.. Kulit,, Andito ako, kasama mo ako, kaya wag kang Matakot, Kailangan ko ng Puso mo Sam, kailangan ko itong mga Kamay mo, para mabuo ulit natin ang Company ng Mama mo." Sabi nito, sa kaniya na seryosong nakatingin, Ganun din si Samantha,,Nakangiting Niyakap niya ang Lalake,



" Hay, Ang swerte ko naman sa Bf ko." Nakangiting sabi niya, habang nakayakap dito, Binaon naman ni Crade ang Mukha sa leeg ng Dalaga, Habang nakayakap ng mahigpit dito.. Ganun sila tumigil ng ilang minuto, ng basagin ni Samantha ang katahimikan..




" Kulit ko, Sa Paguumpisa natin na Buuin ang Kumpanya, Maaring kalabanin ko rin ang Aking Ama. Pati na din ang Kapatid ko. Sila ang sikat na Kompanya dito, Pagdating sa Handi crafts, madami na din silang Branch, Supplier, But- Hindi ko alam kung-.."




" Kulit, But that Handy crafts, Came from your Mom, Siya ang nagtaguyod ng Negosyo niyo, Sa kaniya lahat yun, Sa kaniyang Idea, sa Kaniyang gawa. Lahat ng Yun Sam sa kaniya, Ninakaw lahat, Hahayaan mo nalang ba yun? Materials lang ang gamit nila, But the Idea, Sa Mama mo, Sam, Nawala ang Mama mo, dahil sa Kataksilan ng Papa mo, Ninakaw nila yun sa Mama mo, Niloko, Inagrabyado, Hahayaan mo nalang ba yun Kulit? Tama na yung Pagmukmuk mo, Lumaban ka para sa Mama mo, Iangat mo ang Mama mo, Andito ako Sam, Magtutulungan tayo, And i want you to meet My Designer.. isa siyang Designer, and Magaling siyang Artist, For sure She can make it,, Isa pa Magaling siya sa mga Designs, and I wanted you to meet her, AS SOON AS POSSIBLE,," Seryosong sabi nito, Siya naman ay natigilan na nakatingin lamang sa Lalake..




" Sam, Alam mo, First day ko ito sa Company eh, Pero Mukhang may Kulang sa Suot ko," Sabi nito sa kaniya, Napataas naman ang Kilay ni Samantha sa lalake, Nakatitig lamang siya dito, ng Lumayo ito sa kaniya.

Naughty HeartWhere stories live. Discover now