Chapter 24:

1.9K 62 4
                                    


 Talaga, ang saya ko.. Ang tahimik lagi ng mga Reader ko,,



" Samantha, What Happened to you? Bakit bigla kang nawala sa Party?" Seryosong tanong ng kaniyang Lolo, Habang sila ay Kumakain sa may Terasa, Kasabay noon ang Paglagok nito ng kape,



" Ahm. Lolo, Kasi po ano eh- Ahm, Sumakit yung Ulo ko kagabe kaya ako Umuwi." Sagot niya naman. Alam niyang hindi ito naniniwala sa kaniya, Base sa Reaksyon ng Mukha nito.




" Lolo, Ok lang po ako, Maniwala ka sa akin,"



" Samantha, Alam kong naapektuhan ka sa Papa mo, Pero hindi mo siya dapat Binastos, Papa mo pa rin siya." Paliwannag nito sa kaniya.



" Lolo, Bakit nasasabi mo pa rin iyan? Lolo, Niloko ka niya, Kinuha niya yung Kalahati ng Hacienda, na dapat pag-aari ni Mama, Pag aari ko, Pag aari mo, How can you even say that, Lolo bakit ba ang Bait bait mo?" Medyo tumaas ang Tinig niya, He hate This Part,



" Samantha, Lagi ako nag-aalala sayo, Hindi habang buhay kasama mo ako, Pano pag may Nangyari pano ka, Saan ka? Samantha, I wnat you to Settle Down, Your 29 Years old Already, Tumatanda ka na,. Sam." Sabi naman nito. Natigilan naman siya sa sinabi nito.



" Sam, Hindi ako mapakali, Everyday, Knowing na Tatanda ka mag-isa, Samantha Apo, Mahirap Mamuhay sa Galit,Palayain mo ang sarili mo. Mahirap mag-isa. Malungkot, Anong gagawin mo, Ibuburo mo ang sarili mo dito sa Hacienda? Samantha, May karapatan ka maging masaya, Kalimutan mo na ang Lahat," Sabi naman nito, Napatulo naman ang Luha niya sa sinabi nito.. " Lolo, Buong Buhay ko, Lumaki ako na nag-aaway sila Mama At Papa, Lumaki ako na hindi masaya ng Pamilya, Nagmahal ako noon, Pero hindi ako napansin, Siguro kasi wala talagang Lalake, o Tao na Tatanggap sa akin, Maliban sayo, Maliban sa Hacienda na ito. Lolo Natatakot ako, Ayoko na magmahal Lolo, Ayoko maranasan yung mga naranasan ni Mama kay Papa, Yung pakiramdam na Ipagtutulakan ka, Lolo, ayoko na Pagod na pagod na ako. Mabuti pa nga itong Hacienda eh, May kapalit yung Binibgay ko, Mas maigi pa Lolo na Tumanda ako mag-isa, Kesa Masaktan ako. Ayoko na po masaktan, Sorry po Pero Mauna na po ako, Pupunta pa ako sa Bukid." Mabilis niyang Paalam dito.


Hindi lingid sa kaalaman ni Sam, na narinig lahat ni Crade ang mga sinabi niya, Ngunit lalapit palang sana siya sa Matanda ay nakita niya na ito na Biglang natumba sa Sahig. Kaya naman agad siyang Napasigaw.




" Don. Aragon!." Kinakabahan na Sigaw niya rito.



" Ha-Tu-Tulong!." Nanghihina na Sabi nito.



" Don. Aragon!.." Sigaw niya dito. At mabilis na lumapit. Haawak nito ang Dibdib, na tila ba hirap na hirap, Hanggang sa tuluyan itong nawalan ng Malay, Kaya naman nataranta na napasigaw siya sa mga Tao doon.

Naughty HeartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant