Circle of Friends

27 5 5
                                    

Kinabukasan..

Maaga akong pumasok kasi magre-review pa ako. May subject kasi ako ngayon kung saan yung teacher namin e ang hilig ay magpa-surprise quiz. Mahilig siya dun e -_-

15 minutes before mag start yung klase ko ay umalis na ako sa library at dumiretso sa tambayan which is sa garden. 

"Uyy Mey." bati sa'kin ni Rhielle

"Morning Mey." Abiee

"Musta?" tanong ko sa kanila

"Ganun pa rin." Abiee ulit

"walang pinagbago." Daph

"Dyosa pa rin. HAHA" ate Margaux

"LUH?!" sabay sabay naming sabi. Wala lang. Aasarin ulit namin

"Kailangan sabay sabay? Oo na. Di na dyosa. Di na lang sumang-ayon e. Psh -_-" HAHAH kita mo? Pikon to.

"Nagugutom na ako." Singit naman ni Daphne. Dakilang PG yan sa'min e.

"Ha? Hoy Daphne! Tigil-tigilan mo nga kami. Di pa nga nagsta-start yung klase natin gutom ka na agad. Ano to lokohan?" Abiee. Beastmode HAHA

"Di ako nagbibiro. Gutom na ako! Teka, baba muna ako habang di pa nagbe-bell. Teka teka, Tuesday ba ngayon?"

"Yeah. Why?"

"Yess! Sakto! Ngayon magsisimula yung pagbe-benta ng mga cakes! Iba't ibang flavor pa. Yumm! Sige. Babyeeeeee." tapos nag-disappear na siya

"Yung totoo? Kumakain ba yong babaeng yon sa bahay nila?" ako. takang taka lang talaga kasi ako. Lagi siyang ganyan e

"Siguro?"

"HAHAHAHAHA. NAPAKA-PG TALAGA."

"Nagtanong ka pa Mey. Tsaka bakit ang ingay mo ata ngayon? nasa mood?"

"Hindi noh! Trip lang haha."

"Luh? Baliw. Ang babaw ng kaligayahan mo Mey."

"Yeah. Whatever Rhielle"


Wait! Let me discuss some fvcks joke ^_^ some facts about my so called 'circle of friends'

AVY RHIELLE MENDEZ

-pinakamakulit, naka- hyper mode lagi, super high nyan na aakalain mong naka-singhot ng kung anong medyas. Drummer din ng banda.

ABIEE GHAIL QUINTANS

-spoiled brat pero mabait. Lead guitarist ng banda.

MARGAUX CLYDE CORTEZ

- DATING playgirl pero ngayon MAN-HATER na. I don't know what's her real reason. Dati nga e halos hindi na mabilang ang mga naging boyfriends niya or should I call flings. Rhythm guitarist ng banda.

DAPHNE IYA FORD

-Maingay, makulit, matakaw (pero di tumataba) at pinaka-childish sa amin. Bassist sa banda.

Okay so ayan yung circle of friends ko. Time to introduce myself. Para naman may alam kayo tungkol sakin kahit walang may pake.

Hi! I'm Meyanne Von Portillano. Yung mga friends ko ang tawag sakin ay Ann, Close friends naman ay Mey. pati family pala. Call me what you want pero dapat based sa pangalan ko. Mahaba yung buhok, katamtaman lang yun tangkad (na wala sa writer), MAGANDA ako HAHA. Ano pa ba? Mabait naman siguro, tahimik, masungit (sabi nila) well. Inborn na ata e HAHA

Meron kaming banda. "Skyfall". Actually lahat kami alam gamitin yung mga instruments na ginagamit ng isa para kung may emergency at may gustong makipag-palit hindi apektado pag magpe-perform kami.

Nakabalik na si Daph bago mag bell at ang bruha, ang daming dalang chocolates! Chocolate cake, chocolate drink at chocolates. Grabe siyaaaaa! Gusto atang magka-diabetes neto e.

Nag bell na so pumasok na kami sa room namin.




MFEOWo Geschichten leben. Entdecke jetzt