Her Fiancé

23 2 1
                                    

*After 1 hour*

Break na! Yess! Pagkatapos ng recess namin ngayon ay may vacant pa akong 30 minutes. Ok na yun! Pwede ng ipang-tulog kahit papano. Kahit papano? Akekeke #SleepyHead #Tamad HAHAHA!

Sumunod na ako sa kanila sa canteen. Nauna kasi sila, dumaan pa kasi ako sa locker e. Nandun wallet ko HAHA.

Pagkadating ko dun, as usual, marami na namang pagkain. Minsan nahihiya ako sa kanila sumabay kasi daig pa namin ang may fiesta e. Grabeeeeeeeeeeeee

"Huy! Ang ingay niyo pa dyan? Kain na nga tayo." pagpapatahimik ko sa kanila. Ang ingay kasi e

"Yes naman Mey. After 123456789 years nakababa ka na. 'Kala ko bukas pa ako makakakain e." Daphne

"Akala mo lang yun. And FYI, 10 minutes lang ang itinagal ko noh. Grabe ka talagang babae ka."

"Gutom na kaya ako." tapos nag-pout pa. parang bata

"ANO?! GUTOM KA NA NAMAN? KAIN KA NGA LANG NG KAIN SA ROOM E."

"Ayy? Kailangan sabay kayo? Ganun? Dapat sinabihan niyo man lang ako para nakisabay din ako sa inyo noh?" iritado kong tanong kila Rhielle at Abiee

"Sorry na Maknae." yup. Ako kasi pinakabata sa amin e

"Magdadaldalan lang kayo dyan? Di kayo kakain?" 

"Eto na po."

So ayun kumain na kami ng tahimik. Ganun kami e.

Natapos na kaming kumain, rather than lumamon. Gutom e #PGForevs . So ayun, pumunta kami sa garden ng school. Sa likod lang siya actually, maglalaro daw sila (di ko alam kung anong laro). Meron pa akong 45 minutes. Itutulog ko na lang yung 30 mins tapos ipangre-review ko yung 15 minutes. Mahilig pa namang mag pa-surprise quiz yung prof namin sa susunod na subject.

"Ate!"

"Pssssssst. Ate Margaux!"

" Ano ba Mey? Wag mo nga akong i-ate dyan. " I used to call her ate para asarin siya. Siya kasi yung pinaka matanda sa'min pero  ayaw niyang tinatawag siyang ate HAHA

"Sorna. Gisingin mo ako after 30 mins? Ha? Ha? Please? Pleaseeeeeeeee?"

"Hays. Oo na. Matutulog ka?"

"Di ba obvious?"

"HAHA. Oo na. Ge tulog na."

Tapos iyon. Yumuko na ako. Wala naman kasing higaan dito no. Bale, nasa garden kami ng school. SIla Daph naman may-ari neto e. Ok lang yan HAHAH

Last subject na. Bilis no? ( Sana ganyan na lang sa realidad ) HAHAHA. Ginising naman ako kanina ni Ate Margaux. Wala namang special or kakaiba na nangyari ngayong araw. 1 and 30 mins pa. Matagal-tagal pa to.

*Fastforward*

"Maknae!!"nandito na ako sa grounds nung narinig ko na may sumigaw kaya napahinto ko. Oh wel

"Bakit Abiee?"

"Punta tayong mall. Bonding daw tayo."

"Sige. Antayin niyo na lang ako dito. May kukunin pa pala ako sa locker ko."

"Sige. Bilisan mo ha?" tumango na lang ako at pumunta na ng locker

Paalis na sana ako ng maramdaman kong nagva-vibrate yung phone ko kaya chineck ko na. 

Dad Calling..

Uyy! Tinawagan ako ng tatay ko. Himala -_- Naaalala niya pa pala ako. Pinindot ko na yung answer

"Oh? Napatawag ka dad?"I answered with bored tone

"Umuwi ka dito. Ngayon din. May sasabihin akong mahalaga sayo." Ano na naman kaya yun?

"K dot."tapos binaba ko na. Uuwi na ako. Mamaya may ipapa-date na naman siya sakin e



MFEOWhere stories live. Discover now