2nd Encounter

37 2 0
                                    

A/N: Oh sige na! Dahil pinasabog niya ng comment yung story ko. HAHAHAH. Hi Daaaar <3 

******

Tapos na kaming mag-shopping. Okay naman na lahat. Pero naglakad-lakad muna kami saglit wala pa kasi yung mga sundo nila. 

"So Mey. Anong balak mo?" Margaux

"Magpapakasal. Wala naman akong magagawa e."

"Tito talaga! Ang adik nun." Daph

"HAHA. Yaan mo na Daph."

"Kailan ba ang kasal?" Abiee

"A week after ng birthday ko."

"Birthday mo? Ang lapit na nun ah. Walang extension?" Rhielle

"Wala e. Kaya nga kailangan ko na rin ma-meet yung family ng fiancee ko kasi aasikasuhin pa daw nila yung kasal." sabay sabay naman silang nag "Ahhhhh!"

"Goodluck Mey. Sana maging maayos yung relasyon niyo ng fiancee mo. Pag sinaktan ka niya, andito lang kami ha?" tapos niyakap niya ako. I forgot to tell na si Daph rin pala yung pinaka-sweet sa'min

"Hala. Sila lang. Ganyan naman e. Palagi na lang kayong dalawa. Biro lang. GROUP HUG!!" kahit kailan talaga ang ingay ni Rhielle, tapos iyon. Nagyakapan na kami

After ilang minutes, dumating na yung mga sundo nila. Late na din kasi. Ako naman umuwi na, actually hinihintay ko lang na dumating yung mga sundo nila. Since dala ko naman yung bigbike ni kuya hindi na ako nagpasundo sa kanya. Then after kong maka-uwi ay naligo muna ako tapos natulog na

*KINABUKASAN*

Medyo tinanghali na ako ng gising. Kaya naligo na ako agad agad at bumaba. Nadatnan ko naman si kuya Vinn na nagbabasa ng magazine

"Hi kuya! Morning." ako sabay kiss sa cheeks niya

"Oh. Gising ka na pala?"

"Ayy hindi. Tulog pa ako. Cyclone ko lang to."

"Ito naman! Di na mabiro. Joke lang e. Nga pala! Pag katapos mong kumain, mag-ayos ka na. Huwag daw magpapa-late sabi ni Dad."

"Sige." tapos kumain na ako "Hindi ba pupunta si Dad?"

"I'm not sure Yan. Baka busy e."

"Yeah. Busy. Lagi naman e"

"KUYAAAAA! Can we visit Viel? I miss him."

"Of course. That's the other thing that I want to ask. Naunahan mo lang ako e. So kailan?"

"Sa Sabado kuya."

"Sure. Isasama mo ba sila?" referring to the girls kaya um-oo ako

"Yeah. Girl bonding e."

"Sure. Just inform them. I'll inform mom also." tapos nag-dial na si kuya

Si Viel nga pala yung bunso namin kapatid. Nasa France kasi sila e, kasama ni mommy, pati si dad. Halos lahat kasi ng malalaking company ay nasa France. Every month naman bumibisita kami doon.

"Thanks kuya."

"No problem. Ikaw pa. Malakas ka sa'kin e."  sakto naman tapos na ako kaya nagpaalam na ako kay Kuya na aakyat na

Hindi ko alam kung bakit pero medyo weird yung nararamdaman ko. Kinakabahan na ewan. Wala naman sigurong dapat ikakaba diba?

*Fast Forward*

Nandito na kami sa tapat ng isang Five-Star Hotel. Grabe lang ha? Ang yaman. Tapos may nag-lead na sa amin papunta sa isang room. Kami pa lang ni kuya. Paano ba naman! 9 ang usapan pero 8:30 pa lang nandito na kami. Requested ng magaling kong ama.

After 20 minutes...

"Kuya. Washroom lang ako." sa totoo lang. Nabo-bored na ako. Bakit ba kasi ang aga-aga naming dumating e. so ayun, dumiretso na ako ng washroom. I need to pee atsaka konting retouch na din para namin hindi nakakahiyang humarap sa fiancee kuno ko daw.

Pagkatingin ko sa relo ko 9:15 na. So meaning, late na ako. Nandoon na sguro yung pamilyang Austria. Kailangan ko ng magmadali. Medyo tanga kasi ako kaya hindi ko makita yung restroom tapos ang dami pang tao. Kaya ayun kailangan kong magmadali.


At dahil dakila akong tanga! Eto na naman ako hahalik sa sahig. Grabe ha?! Pansin ko lang, bakit ba ang lampa ko. Pero naman oh! May nakabangga pa ako

1...

2...

3...

Teka. Feeling ko nangyari na to e. Gosh! So ayun dinilat ko na yung mata ko kasi alam ko naman may nakasalo NA NAMAN sa akin. Tinayo niya ako tapos sinabi ang..

"Sorry Miss. I'm in hurry. Next time wag kang tatanga-tanga dyan. Tingnan mo naman ang dinadaqanan mo. May makakabangga ka na pala e. Walang budget ang gobyerno sa tanga." sabay smirk tapos umalis bigla. Ako naman ay agad na nakabalik sa katinuan at

"HOY! HINDI AKO TANGA!! GRRRR!!" Ooooops. Wrong move. Note to self: isipin muna ang susunod na gagawin. Center of attention tuloy ako ngayon. Nakakainis talaga! Siya na nga tong nakabangga e. At ako? Tanga? Huh? Konti lang. Hehe

Wala akong ibang nagawa kundi ang pumunta na agad sa isang room kung nasaan sila kuya. Inis na inis pa rin ako. Grabe talaga >__<

"Huy Yan! Lutang ka? Anong nangyari?" tanong sa'kin ni kuya

"Ahh w-wala! May nakabangga lang ako. Wala pa ba sila?" tanong ko para maiba agad ang topic. Interviewhin pa ako ng kuya ko.

"Andito na kanina. Pero yung mom lang ng fiancee mo." 

"Ahhh..."

Maya-maya may umupo sa tapat namin. I think this is my fiancee's mom. Infairness ha, maganda yung mom. --Nooo, hindi pala sapat yung ganda lang. Mas mukha siyang goddess e.

"Hello ija. So you're the daughter of Val and Sharina. You're so beautiful. Manang-mana ka sa mommy mo." ehem. ganda ko daaaaw. HAHAHA

"Thank you po Mrs. Austria."

"Ohh! Call me Mom Lyra. Magiging daughter-in-law naman na kita soon."

"Ahh. Ok po Mrs-- I mean Mom Lyra."
"Good. Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo when we're in high school."

"Uhm Mom. Nabanggit niyo po na kamukha ko si mommy, ibig sabihin po ba magkasing-edad lang po kayo?"

"Yeah. Ahead siya ng 3 months sa akin." Nagulat naman ako kasi hindi talaga halata. Parang mommy ko. Masyadong maganda to the point na hindi na masyadong mapansin ang edad.

"Ahh ok po Mom." then iyon, konting chitchat tapos nasabi niya na rin na late daw dadating yung anak niya kasi may dinaanan pa.

Maya-maya pa,.. Dumating na yung anak ni Mom Lyra pero hindi ko pa nakikita yung mukha niya ng biglang magring ang phone ko. Panira tong mga to! Makikita ko na e T^T Wrong timing. Tapos nainis ako lalo kasi sila Avy lang pala yung nagtext. Tinatanong kung gwapo daw ba. Jusquuuee! Di ko pa nakikita e

"Mom" rinig kong bati ng lalaki

"Expalin later." sabi naman ni Mom Lyra na may diin yung tono niya. Tapos narinig kong nagbuntong hininga yung guy

Binalik ko na agad yung phone ko sa bag pagkatapos kong mag-reply sa kanila at sinabi kong hindi. 

"Goodmorning Ms. Portillano." tapos nilahad niya yung kamay niya. Inabot ko naman ito pero yung mga susunod na nangyari yung hindi ko inaasahan. Sh1t! Sana hindi ko na lang inabot yung kamay niya

"IKAW?!"

*********

A/N: Sorna! Tagal update. Daming projects e :(( Meyanne Von Portillano  sa multimedia :))

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Feb 24, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

MFEODonde viven las historias. Descúbrelo ahora