NEW

22 3 9
                                    

Start na ng klase. Boring naman ng prof namin HAHA. Si Margaux tulog, si Abiee at Rhielle nagdadaldalan, si Daphne naman kumakain-- as usual. Ako? Eto pinagtya-tyagaan si Ma'am. Kailangan e. Nasa dulo pa man din kami.

Daph-Rhielle-Abiee-Margaux-Ako

Inaantok na ako. Wala pa naman akong tulog kagabi. Di ko rin katabi sila Rhielle. Walang mag-iingay. Kailangan ko ng pang-pagising. Chocolates? Pwede na.

"Pssst. Daph"

"Uhm? Mey? Bakit?

"Pwedeng pahingi? Inaantok kasi ako e. Pang-pagising lang. "

"Sure." tapos inabot niya na yung chocolate

"Thanks Daph." 

"No prob. Kulang sa tulog?"

"Yeah. job"

"Hayy naku Mey. Job na naman. Ang yaman yaman mo nagta-trabaho ka. Matulog ka na lang sa gabi."

"Oo na po nanay. Sige na, kakainin ko na to."


So ayun. Kinain ko na yung chocolate bago pa ako makatulog dito. Isang piece ng chocolate yung natira at kakainin ko na dapat ng mapansin kong nakatingin si Ma'am Obrerro sakin. Nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako. 

Alam din naman ni Ma'am Obrerro na nabo-bored kami sa klase niya, medyo may katandaan na kasi e, kaya okay lang sa kanya yung mga nagdadaldalan, kumakain and such pero hindi yung mga natutulog. Mas naa-appreciate niya yung mga nagtitiis na hindi makatulog sa klase niya.

Pagtingin ko sa relo ko, 30 mins pa. Kaya to! Pagtingin ko sa harap, nawala si Ma'am? Nagteleport? O_O (Nangangamoy mais HAHAHA)

"Class! Attention Please! Itigil niyo muna yung mga ginagawa niyo. Meron kayong bagong classmates!!"

at pagka-banggit ni Ma'am sa magic word na 'bagong classmates' e nagsi-paggisingan lahat. Grabe sila. Lalandi netong mga to oh. I'm hundred percent sure na ang tanong na tumatakbo sa isip ng mga classmates ko ay 'Kung babae ba o lalaki ang magiging classmates namin.'

"Come in. Please introduce yourself." sabi ni Ma'am referring sa mga new classmates daw namin

"Hi! I'm Erick Matt Fuze. 17 years old. I love dancing. I'm single" with matching kindat pa na naging cause ng pagtili ng malalandi kong kaklase. Grabe sila! Infairness wafu naman e

"Class! Calm down! May isa pang magpapakilala."

"Ohmy!"

"Baka pogi din."

"Dagdag inspirasyon mga teh'!"

"Shhhhhhhhhhhhhhhhh! I said quiet. Come in hijo"

 "Hi guys! I'm Luigi Zett Eisenhower. 17 years old. I'm his cousin" sabay turo sa unang nag-introduce "and, I'm also single" pagpapatuloy niya

"Kyaaaaaaaaaaaah!"

"Can't breathe guys!"

"I'm gonna die."

"Nadagdagan na naman ang mga gwapo sa campus natin. Can't believe this."

Ang OA nila. Yung iba ay halos mag-hysterical na. Tapos yung bitch kong kaklase ay nahimatay pa. Tamo? Landi. Attention seeker e.

Umupo na yung dalawang transferees sa likod. Ang ingay nga nila e. Nagtatalo ata. Oh well, wishing well.. not my business anymore. Nakinig na ulit ako kay Ma'am.


MFEOWhere stories live. Discover now