Shopping = Bonding

21 1 0
                                    

After that conversation with my 'Bossy Dad' ay tinext ko agad si Abiee kung nasa mall pa ba sila. Nung nag-reply siya ng oo hiniram ko agad kay Kuya Vinn yung susi ng Bigbike Ducati  niya. Pinayagan niya naman ako kaya umalis agad ako. Kailangan ko naman daw e.

Sabi nila sa'kin nasa foodcourt daw sila. Yung foodcourt ay nasa ground kaya dumiretso na ako dun. Gutom na nman siguro si Daphne. Ano pa bang aasahan doon? After 5 minutes nakarating na ako sa ground at aba mukha na naman may piyesta sa table nila. Kanina ring recess ah. 

"Uyy. Hinay-hninay lang. Baka mapaaga kayo niyan." ako sabay tawa

"Akala ko ba nandoon si tito? Bakit nandito ka? Spill." Margaux

"Amp! Ang sungit mo naman. Wala lang. Masama?"

"Sus. Wag ka ng magsinungaling. Dali na! Kuwento mo na kasi. Habang kumakain tayo dali." ang saya ni Abiee ah 

"Wait! Kain muna. Gutom na rin ako e."

"Hahahaha. Sige. Upo ka na Maknae."

Habang kumakain kami, inopen ko naman na sa kanila yung topic.

"Nga pala, yung problema ko is kailangan kong mag-shopping. Kailangan ko ng bagong damit na pwedeng gamitin bukas."

"Bagong damit? Ang dami-dami mo ng ganoon ah."

"Yeah. Whatevs.  I need to look presentable and nice girl  tomorrow."

"Presentable ka naman at nice girl ah." tapos nagpause siya "PAG TULOG!" sabay sabay nilang sabi

"Ha-ha. Funny."

"Pero Mey. Presentable ka naman talaga ah."

"Oo na! Bilisan niyo na dyan at magsha-shopping tayo. My treat."

Natahimik naman sila at kapansin-pansin na nagpantig yung tenga nilang lahat. HAHA. Sabay ngiting aso. Magic  word para mapasama ang inyong mga kaibigan ay Libre/My treat.

"Huy! Ayos mukha! Mukha kayong mga gaga dyan. Naka-ngiting aso pa kayo! Kailangan ko ng mamili para buks. Imi-meet ko nyung fiancee ko daw." labas sa ilong na sabi ko. Ang bata-bata ko pa tapos fiancee agad? Grabe na ituuu.

Tapos alam mo yung nakakadiri-slash-nakakainis na moment. Yun yung sabay sabay nilang naibuga yung mga iniinom nila sakin. Hindi ko na sila gugulatin kapag umiinom. I swear!

"Yuck!! Ohmayghad girls!! Kadiri kayo. Ang baboy niyo." huhuhu. Yuck talaga. May kasama pang chocolate cake yung naibuga sakin

"Haha. Ok lang yan Mey." sabay nilang sabi. Pansin ko lang. Ayaw naman nilang magsabay sabay

"Pasalamat kayo mahal ko kayo. Argh! Kadiri talaga! Kailangan ko na talagang mag-shopping. Rhielle. Pasabi naman kay tito na late niyo na lang ipasara tong mall niyo." yep. Kila Rhielle nga to

"Sige. Tawagan ko muna si Dad. Excuse girls." tapos tumayo na siya. Yung family kasi ni Rhielle, puro mall yung hawak ng company nila. Kung hindi sila ang may-ari ng mall, it's either partner sila ng may-ari or nevermind HAHA

Pagkatapos tumawag ni Rhielle sa dad niya ay kinuwento ko na sa kanila.

"So ayun nga, kailangan ko daw makipagkita sa fiancee ko with his family. Bukas! Kaya hindi ako makakapasok. Tumawag na naman na si Dad sa school e. Buti nga pinayagan."

"Pogi ba?" tanong ni Abiee

"Macho?" Daph

"May abs?" Rhielle

"Mabait?" Abiee ulit

"Aba malay ko! Di ko pa nga nakikita e"

"Pagpasensyahan mo na Mey. Mga baliw yan. Halika na at simulan na natin ng makabili ka na." tapos tumingin siya sa tatlo

"Girls, alam niyo na?"

"ULTIMATE BONDING!!" masayang sabi nila. ganito talaga kami. Ang babaw namin HAHAHA

Shopping dito, shopping there. Lakad dito, lakad there. Bayad dito, Bayad there. 

Una naming pinasukan ay yung 'Nicka's Boutique'. Boutique ito ng ate ni Rhielle. Yung kinuha kong dress ay plain orange lang na dress. Mas ok na yung simple kesa sa iba. Sunod namin pinuntahan ay yung 'Nicka's Shop'. Dito naman halo halo yung bine-benta. So pumunta na ako agad sa section kung nasaan yung mga shoes nila. Balak kong mag-flat shoes lang e. Eh kaso lang hinila naman ako ni Margaux

"Ateee! Ano ba? San mo ako dadalhin? Magpa-flat shoes lang ako e."

"Seriously Mey? Flat shoes? Really?"

"Yup. Why? Wala namang masama ah."

"NO WAY! Grabe kang babae ka. Magha-high heels ka! Here! Choose."

"Kailangan talaga ganito? Grabe ka sakin ate. Torture to e."

"Yeah. Sanayin mo yang sarili mo. Puro ka flat shoes. Hindi mo nga sinusuot lahat ng inire-regalo ko sa'yo e." eh? Killer heels? Ni hindi nga ako maka-galaw ng maayos pag ganyan e


Ewan ko ba kung bakit nagagalit yan. Siguro, siya kasi yung may pinakamagandang taste sa'min pagdating sa fashion. Dati nga naiinis siya sa mga sinusuot ko e. Malay ko ba? Wala naman kasi akong pake pag dating sa mga ganyan e. Well ngayon, medyo sanay na naman ako except sa pagsusuot ng heels. So ayun, no choice naman kaya pumili na ako ng may heels. 

"Happy now?"

"Yeah." aba yeah lang ang sagot. loka to

"May napili ka na?"

"Of course. Ako pa ba?" 

"Let's go?"

"Tara." then she smiled


MFEOWhere stories live. Discover now