10

315 42 53
                                    

Alyssa's POV

Dire-diretso akong naglalakad hanggang sa makarating ako sa labas ng canteen. Nakita ko si Paul at Jeanine na nakaupo sa may bleachers. Masayang nag-uusap. Tahimik lamang akong nakatingin sa dalawa. I guess, maayos na ang lagay nila. Buti pa sila.

Tumayo ang dalawa at naglakad patungo sa akin.

"Aly," malumanay na sabi ni Paul. Ningitian naman ako ni Jeanine. Binalik ko ang ngiting iyon sa kanya, ngiti na may halong pait at inggit. Napatingin si Paul sa kanya kaya napatingin din ito sa binata. Sa palagay ko ang kanilang mga mata ay nag-uusap dahil tumango na lamang si Paul kay Jeanine at naglakad ito papalayo sa amin.

"Paul," mahinang tawag ko rito.

"Ayos ka lang ba?" Tumango na lang ako. "Halika, maupo na muna tayo." Naupo kami sa malapit na bleachers.


"Kumusta na kayo ni Jeanine?" pagsisimula ko.

"Ayon, magkaibigan na ulit kami. Pero wala pa rin kasiguraduhan," sagot niya sa malumanay na boses. Masasabi kong hopeless romantic ang mokong.

"Mabuti ka pa, 'di pa rin nawawalan nang pag-asa," binigyan ko siya ng mapait na ngiti. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay naiinggit ako.

"S'yempre, habang may buhay, may pag-asa." At naramdaman kong hinawakan ako ni Paul sa balikat. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin.

"Paul, magkaibigan din kayo ni Carlos, hindi ba?" pagpapatuloy ko. Gusto kong itanong kung anong kinalaman ni Megan sa kanya.

"Oo, bakit? May gusto kang malaman?" Tumango ako. Huminga ako nang malalim at saka nagpatuloy. "Gaano na katagal na gusto ni Carlos si Megan?" Ang katanungan kong iyon ay base sa narinig kong usapan kanina.

Hinihintay ko ang sagot niya. Napahawak siya sa kanyang baba na para bang may malalim na iniisip.

"Sa pagkakaalam ko, matagal na niya itong gusto." Something stabbed my heart. "Siguro, simula pa lamang noong second year siya?" patanong na sagot ni Paul habang nakatingin sa akin at nakataas ang isang kilay. Hindi rin yata siya sigurado sa sinasagot niya.

"Gaano ka kasigurado?"

"Actually, hindi ako sigurado e." Napakuyakoy ito habang patuloy na iniisip ang mga sasabihin niya. Tumingin siya sa sahig. "Ang naaalala ko lang ay nasabi iyon sa akin ni Joe noong papunta kami sa classroom nila Megan. Inaasar siya ni Joe."

"Talaga?" paninigurado ko. Sigurado naman akong hindi naglilihim sa akin si Paul. Dahil tiyak akong maaasahan ito, matagal ko na siyang kaibigan at naaasahan sa ganitong bagay, bago pa namin maging kaklase ngayong fourth year si Carlos.

Tumango siya. "At ano naman ang reaksyon niya nang asarin siya ni Joe noong mga panahong 'yon?" sabi ko pa.

"Wala lang, tahimik lamang siya at parang hindi mapalagay." Natahimik at napaisip ako sa sagot na 'yon ni Paul.

"May gusto ka pa bang malaman?" sunod na tanong niya nang ako'y natahimik sa huli niyang sinabi. Umiling na lang ako at ngumiti sa kanya. "Salamat Paul," sabi ko rito.

"Tara na?" Aya niya para bumalik na kami sa aming building.

Masyado na akong naguguluhan sa mga impormasyong nalalaman ko. Nauna pa pala niyang nagustuhan si Megan bago ako, pero 'di rin ako sigurado na totoo ngang gusto niya ako, dahil sinabi rin niya sa klase na gusto niya rin si Jeanine. At iyon pa rin talaga ang pinaka-pinapaniwalaan ko.

**

Lumipas pa ang mga araw at linggo. Ngunit walang Carlos Alfonso na lumapit sa 'kin upang humingi ng tawad o magpaliwanag man lang. Sabagay, sino ba ako para sa kanya? Isang hamak na kaklase lang naman niya at pinaasa sa wala. Too bad, umasa naman ako.

BALANG ARAWWhere stories live. Discover now