20

212 29 19
                                    

Alyssa's POV

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. I can't take it off in my mind kahit kanina pa niya ako tinawagan. Like duh! Seryoso ba siya? Did he really say that he loves me? OMG! I can't breathe! Agad kong kinuha sa paanan ko ang kumot at nagtalukbong. Hindi ako makasigaw dahil medyo tulog na ang mga tao dito sa dorm!

I rolled again and again. Hindi mawala sa isip ko, feeling ko nanaginip lang ako!

"Hoy!" Naramdaman kong may bumatok sa akin. Aray ko beh! "Anong ginagawa mo d'yan?" sunod na tanong ni Shey. Alam kong boses niya 'yon. Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa ulo ko at matiim ko siyang tinignan.

"Masakit ha!" reklamo ko at inirapan siya.

"E kanina ka pa pagulong-gulong d'yan e, masakit sa ulo!" sabi niya. Iiripan ko pa siya sana pero nagsimula na naman siyang mangulit kaya agad kong nai-kwento ang nangyari kanina.

"Pa-best-best pa kayo d'yan! Mamaya in-love na pala talaga kayo sa isa't isa!" taas-baba pa ng kilay niya at mukhang nagpipigil siya ng tawa. Hindi ko alam kung ano ire-reak ko, basta ang alam ko, masaya ako. Nararamdaman kong dinadaga na naman ang puso ko. Geez!

Dumaan pa ang ilang mga buwan at linggo, lalo kaming naging malapit ni bes Coby sa isa't isa. Tumindi rin ang pang-aasar sa 'min sa klase pati na rin ng roommates ko, lalong-lalo na si Shey, number one fan daw siya ng Cobly loveteam. Minsan hindi ko na rin alam ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang, masaya ako, at nakakalimutan ko na rin siya. Parang in an instant ay naka-move-on agad ako.

Pero sabi nga nila, there's really no moving on, only acceptance. Siguro nga, tanggap ko na talaga. Ngunit may pagkakataon na naguguluhan pa rin ako, tuluyan na bang na-develop ang feelings ko kay Coby dahil sa pang-aasar sa 'ming dalawa?

Halos wala na akong balita sa mga kabarkada ko dahil wala na masyadong time upang magkita-kita at nagiging busy na rin ang isa't isa. Masasabi ko naman na naging masaya at fruitful ang unang taon na pamamalagi ko rito. Masaya at medyo easy-easy pa ang buhay ko ngayong unang taon sa kolehiyo. Nung mga nakaraang buwan ay nakakauwi pa ako lalo na nung December pero nitong mga nakaraan ay bibihira na rin akong makauwi sa amin dahil malapit na naman matapos ang isang school year, kaya madalas ay nandito lang ako sa dorm namin.

Napagpasyahan ko na mag-online sa fb, gamit ang laptop ko. Mabuti na lamang at nauso ang pagpo-post sa social media ngayon kaya kahit hindi ka man magtext o magchat ay nagkakaroon ka pa rin ng balita sa mga kaibigan mo.

Ilang sandali pa lang ay may nakaagaw ng atensyon ko. Namilog ang mga mata ko sa aking nakita. Akalain mo 'yun! Sinagot na rin pala ni Miley ang kaklase niyang nanliligaw nung nakaraan. Ganun din si Ami, halos lagi niyang kasama sa picture ang isang partikular na lalaki. I guess, boypren na ito ng bruha. Aba! Ang mga bruha kong kaibigan ay luma-lovelife na! Napailing na lang ako sa mga nakita ko. Kaya pala mga walang paramdam! Busy halos silang lahat dahil sa lovelife, at mukhang napag-iiwanan na ako.

Pinagpatuloy ko pa ang pag-browse sa newsfeed ko. Nakita ko ang mga post ni Gab kasama ang kanyang mga kabarkada, kumpleto sila, at mukhang nag-outing ang mga ito sa isang resort sa probinsya namin. Hindi nakatakas sa aking paningin ang mga labas na ngipin, dimples, at kumikislap na mga mata ni Carlos dahil sa kasiyahan. Tinignan ko 'yon ng mabuti, wala pa rin itong pinagbago. Muli akong nakaramdam ng saya. Kailan kaya? Heto na naman ako. Ewan ko ba, pero sa tuwing nakakakuha ako ng balita sa kanya ay hindi pa rin ako mapakali.

Dahil naka-tag si Carlos sa post ni Gab, ay dali-dali kong kinilick ang profile niya. Hindi pa man ito nagloload, alam ko na hindi pa rin kami friends sa fb. Hindi ko kasi ito in-add nung fourth year pa lang kami, hanggang sa maka-graduate na kami ay nanatili lang 'yon na ganun. Tulad ko, hindi rin naman niya inabala ang kanyang sarili na i-add ako.

BALANG ARAWWhere stories live. Discover now