31 FINALE

207 17 18
                                    


Alyssa's POV

Matapos ang ilang araw, wala pa rin. Siguro, wala na talagang pag-asa. Baka hanggang dito na lang talaga kami.

Nakaupo ako sa chair na nasa hallway ng aming dorm. Vacant kasi, tambay lang at naghihintay ako ng oras bago pumunta sa susunod na klase . Mas trip ko pang tumambay dito para makapag-isip-isip. Napabuntong hininga ako. Last week na pala ng pasok ngayong sem. After this, hayahay na! Pero mamiss ko ang mga kaibigan ko.

"Aly." Napalingon ako sa tumawag. Si Shey.

"Oh?"

"Pupunta ako sa Sabado sa LB. Di ba malapit lang sa inyo 'yun?"

"Yep. Anong gagawin mo dun?"

"Hatid mo naman ako! Pupuntahan ko lang 'yung friend ko." Sinamaan ko siya ng tingin. Wrong timing naman ang lola mo! Umiling ako. Ayoko. Hindi pwede.

"Ayaw!" sabi ko na lang. Mahirap na at baka mapansin pa niya kung bakit halos wala akong pake dun, dahil andun siya. Urrgh! Kahit kelan talaga, hindi ako tinatantanan ng lalaking 'yun!

"E! Tara na! Pretty please?"

"Bakla ka! Pag-iisipan ko muna!" Tumayo na ako at saka kinuha ang aking mga gamit.

"Sabi mo 'yan, ha?!" ngiting sabi niya. Ngumiti na lang ako at saka naglakad papaalis.

**

Hanggang sa klase ay lutang pa rin ang isip ko! Buti na nga lang, wala na rin masyadong ginawa dahil literal na wala na talagang klase. Kahit finals ay tapos na rin. Gawaan na lang ng requirements kaya maaga nag-dismis ang aming prof.

"Tara SM!" yaya ni Dara.

"Teka!" sagot ko habang inaayos ang aking gamit. Simula nang maging si Krizza at Coby, si Dara na ang madalas kong naging kasama. Hindi ko alam, pero parang lumayo na ang loob namin ni Krizza sa isa't isa.

Speaking of her, natanaw kong lumabas si Krizza.

"Hintayin ka namin sa canteen ha? May bibilhin lang ako." Tumango ako pagkasabi niyang 'yun. Matapos nang pag-aayos ng aking gamit. Lumabas na rin ako ng aming classroom.

Narinig kong may tumawag sa aking pangalan. Pamilyar ang boses niya.

"Coby?" namimilog ang aking mga mata. Nagulat kasi ako! Tumatakbo siya papalapit sa akin.

"Nakakagulat ka naman!"

"Sorry bes!" ngising sabi niya na para bang nang-aasar. Siya pa rin ang Coby at naging bestfriend ko. Well, mukha namang bestfriend pa rin kami, hindi na nga lang tulad ng dati. Hay. How I wish, kung kelan kailangan ko pa naman ng payo niya saka nawala. Para kasi sa akin, iba pa rin talaga kapag may nakakausap kang lalaki, lalo na kung tungkol naman sa lalaki ang problema mo. Teka? Lalaki talaga?

"Uy, bes! Space out ka na naman oh!"

"Sorry. Nevermind. Bakit pala?" Nagpatuloy ako sa paglalakad nang makaharap ko siya. Naglakad din siya kasabay ko.

"Wala lang, malapit na kasi ang last day ng sem eh. Tapos summer na!"

"O, ano naman ngayon?" pangbabara ko sa kanya.

"Grabe ka naman! Ang sungit mo talaga bes! Kaya wala ka pang boyfriend e!"

"Excuse me! Hindi kaya!" pag-iirap ko sa kanya. Akala ko naman kasi may sasabihin siyang importante, tapos ngayon, aasarin lang pala ako. "Bakit ka ba nandito? Hanapin mo kaya si Krizza."

"May sasabihin kasi ako."

"Ano nga?" Tumigil ako pagkasabi ko nun. Hindi ko alam kung bakit pero parang may something na bumagabag sa akin. Bumilis ang pagtibok ng puso ko.

BALANG ARAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon