23

200 27 18
                                    

Author's Note: Guys, ito na!  Pero commercial muna! :) 

PLEASE READ THIS!

Sorry kung natagalan busy na kasi ako sa work at may dagdag pang asikasuhin. Pero sana patuloy niyo pa rin itong suportahan at subaybayan. Walang bibitiw sa mga nalalabing tagpo! 

Feel free to vote and leave comments too (lalo na sa silent readers ng story kong ito, pretty please?). Please spread and share this story dahil sinali ko ito sa #wattys2016! =) 

 I need your help, kasunod nito ang mga maari niyo pang gawin sa pag-support ng story na ito for wattys2016.

Wag niyong kalimutan na bumoto rin dito sa wattpad para sa people's choice award! Sa July 8 ang botohan, just post in your wall (in wattpad/twitter) "I vote for 'Balang Araw' for People's choice award with the #MyChoiceWattys2016" yata. Hindi ko sure, pero ipopost ko rito 'yung picture next time. :) Siguro bukas, printscreen ko. =) At wag niyo rin kalimutan na ilagay sa library niyo ito, dahil pwedeng ma-count din 'yun sa category ng ibang award nila. 

Please continue to spread this story at sabihin na ilagay sa RL nila. :) Mas maraming ma-hook na readers, mas malaki ang chance! Thanks for supporting! I love you all! :)

ADD TO YOUR READING LIST, READ, VOTE, COMMENT, AND SHARE THIS STORY. AND DON'T FORGET TO VOTE THIS STORY FOR PEOPLE'S CHOICE AWARD ON JULY 8. (Alam kong konti lang readers ko, kumpara sa iba, pero masaya ako sa gagawin niyong suporta at tulong.) =)

P.S. Patapos na itong story, so wala na akong chance na maisali pa ito sa wattys2017, kaya sana tulungan niyo ako ngayon sa wattys2016, kahit discovered gems o trailblazers award lang, masaya na ako roon. =)


***

Alyssa's POV

Napangiti ako nang mabasa ang text messages, hindi ko akalain na dahil sa isang mahabang text ko ay magagawa niyang magreply at hindi lang 'yun, sunod-sunod na text pa, after all these years. Magrereply pa lang ako nang may sumunod na message na naman.

+639291245678

Aly, galit ka ba sakin, kaya hindi ka nagrereply? Sana patawarin mo ako kung ano naman ang nagawa ko sau noon. Di ko intensyon na magalit ka sakin =(

+639291245678

Aly, can we be friends?

Isang text lang na mahaba ko sa kanya pero sunod-sunod na pangungulit sa text ang kanyang ginawa. That made me laugh. Napansin kong nagtinginan sa akin sila Miley nang may pagtataka.

"Ano ba 'yan? Sino ba 'yang katext mo, ha?" tanong niya. Napansin kong nagtinginan ang boys. Nginitian ko lang sila at nag-peace sign. "Parang alam ko na 'yan ah!" ngiting sabi ni Miley. Lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Kilalang-kilala talaga ako ng bruha, gano'n ba ako ka-obvious?

"Si ahmm, ano kasi," I paused. Dapat ko bang sabihin? "Hmm.. di ko akalain na itetext niya ako nang ganito," alangan kong sabi. Humagalpak din sila nang tawa. Hindi ko alam kung masaya sila para sa akin o nagsisimula na silang mang-asar.

"Ang ngiti o! Abot hanggang tenga!" ngising sabi ni Rafa. Lalo akong nangiti sa sinabi niya. Masyado na bang halata? I can't help myself. Maliit na bagay pero pakiramdam ko, nabigyan na namang buhay at kulay ang buhay ko.

"Sinasabi ko na nga ba e!" sabi naman ni Miley na tatawa-tawa. Sila na! Kilalang-kilala talaga nila ako. Kinuha sa akin ni Miley ang cp ko, at binasa ang mga text ni Carlos. Hindi ko siya napigilan dahil nanlalambot ako, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Siya, replyan mo na! Baka magtampo pa!" ngising sabi niya nang ibinalik niya ang cp ko.

"Ang ingay niyo!" saway naman ni Gab. Matiim na tinignan namin siya ni Miley dahil sa inasta niya. Panira ng mood! Anyway, alangang abalahin ko pa ang sarili ko sa kanya, kaya naman tinext ko na si Carlos tulad nang sabi ni Miley.

BALANG ARAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon