26

141 19 20
                                    


Author's Note: Mahal kong readers and friends, ito na! As what I promised dahil natapos ko na ang midterm requirement, ito na ang update! Finals na namin! Kaya wag masyado mag-expect na makakapag-update agad ako after this, but I will try my best! Sana magustuhan niyo ito at kiligin din kayo kahit kaunti. :P

By the way, I don't intend talaga na kasama itong part na ito noong una. 

  Last 4 chapters at Epilogue (na pinag-iisipan ko pa rin)! Iyon na lang ay matatapos na ito promise! Idinagdag ko lang ito at 'yung susunod na chapter (though, pwede naman pagsamahin sana). Mahal ko kayo kaya naglagay ako ng konting kilig scenes dito at sa susunod, baka sabihin niyo puro pasakit na lang ang ibinigay ko kay Aly bago matapos e. Hahaha!   

  So medyo may nadagdag kaya may additional chapters bago ang ending. Kaya sana magustuhan niyo talaga ito bago ang pagtatapos!   

I love you all! muah! :* 

Comment kayo ha?


**

Alyssa's POV

Napapabalikwas ako. Ilang beses na akong nagpagulong-gulong at nagpabago-bago ng pwesto sa pagkakahiga ko. Hindi ako makatulog nang maayos. Masyado akong nababagabag sa mga nangyayari nitong mga nakaraan. Kung kailan na akala ko ay okay na, biglang may susulpot na kung anong hindi inaasahan.

Please, give me a chance, Aly.

Ilang ulit ko itong nag-e-echo sa tainga ko at naglalaro sa aking isip. Chance? Bibigyan ko ba siya nang pagkakataon kahit alam kong may gusto akong iba? Tama ba 'yun? Urrgh! Naguguluhan ako!

Bigla kong naalala si Coby, ganito rin ang pakiramdam ko noon, pero kung kailan handa na ako saka naman siya nawala. Ayoko na.

Pero sa kabilang bahagi ng utak ko ay sinasabing ituloy ko. Paano nga kung si Gab talaga ang kababatang crush ko noong una pa? Naalala ko pa na naniniwala ako sa kasabihang 'first love never dies'. Kaya naman talagang hinahanap ko siya.

Mabilis lumipas ang ilang linggo at buwan. Normal pa rin naman, nakakatext ko pa rin si Carlos at nangungulit pa rin si Gab. Tini-text na rin ako ni Gab, nangangamusta at sinasabing kaibigan ko naman daw siya kaya walang masama kung itext niya raw ako. Totoo man ang sinasabi niya, pero nararamdaman ko na umaasa siya. Ayoko namang sabihing paasa ako. Masakit 'yun, dahil naramdaman ko na 'yun noon pa.

Minsan, pakiramdam ko, guilty at nagtataksil ako. Alam kong hindi tama, pero hindi ko naman maiwasan. Ka-text ko si Carlos halos araw-araw, at alam ko sa puso ko, nasisiyahan at umaasa rin ako. Pero hindi ko naman masabi sa kanya, ang pagtatapat sa akin ni Gab. Kelangan ko bang ipagtapat 'yon? Ewan. Naguguluhan ako.

"Anak.." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni mama. Hindi ko namalayan na abala na naman ako sa pag-iisip ng mga bagay-bagay.

"Ano po 'yun, Ma?" ngiting sabi ko na para bang wala akong alalahanin sa buhay. Alam ko naman na maliit na bagay lang itong iniisip ko, pero hindi ako mapakali. Kinakain talaga ako ng konsensya ko.

"Ayos ka lang ba?"

Tumango ako at sumagot, "Yes po. Bakit po?"

"Malapit na ang eighteenth birthday mo? Anong gusto mo?" Hinaplos niya ang aking nakalugay na buhok at hinagkan. "Gusto mo bang mag-debut celebration?"

Namilog ang aking mga mata sa sinabi ni Mama. What? Really?

"Yung mga may eighteenth roses and the likes?" paglilinaw ko. Kumabog nang mabilis ang puso ko. Not now please! I even did the crossed fingers just hoping na mali ang pag-intindi ko. Pero, nabigo ako, tumango siya.

BALANG ARAWOnde histórias criam vida. Descubra agora