Chapter fourteen: a night stucked together

3.7K 103 2
                                    


Annie's POV

"Hoy, Ji! Bitawan mo nga ako! Saan ba talaga tayo pupunta?!" Reklamo ko sa lalaking hila hila ang kamay ko palayo sa bespren kong mahimbig ang tulog. Kawawa naman yun pagnagising wala na siyang kasama. Ahuhu.

"Basta kung saan." Sagot naman niya kaya lalo akong nagalala. Sorry na, Amber.

Well, ganito kasi yun...

-Flashback-

"AAAAMMMMMMBBBBBBEEEEEEEERRRRRRRR!!!!!!!!!" Yinugyog ko na siya't lahat lahat para lang magising pero humihilik pa rin siya. Wala talagang epekto ang paggising sa kanya kung talagang inaantok. Lalo na't marami pa naman siyang iniisip ngayon.

"HOY WILDEBEEST! MAGISING KA NA!!!" Kasama ko na rin pala si France para gisingin siya. Kanina pa raw siya naghihintay sa labas ng classroom nung dismissal. Nagrereklamo na nga't ang tagal daw naming lumabas.

Tinapik tapik pa ni France ang balikat ni Amber bago agresibong yinugyog. Wala pa rin.

"AAAAAMMMMMMMMMMMBBBBBBBBEEEEEEEEERRRRRRRR!!!!!!!"

"WWWIIIIILLLLLLLDDDDDEEEEEBBBBEEEEEEEEEEEEEESSSSSSSTTTTTTT!!!!!!!!!"

Wala pa rin talaga. Halatang malaki nga problemang tinulugan nito. May pumasok na kalalakihan at namukhaan ko sila agad sa TV. Masaya na sana ako kaso nakita kong pumasok din si Ji. Bakit kasi barkada niya pa si France?! Kaasar.

"You can go home now and I'll just catch up. I just need to take care of this sleeping wildebeest tss." sabi ni France kay Zayne ata ang pangalan niya. Sikat siya pero hindi ko siya masyadong kilala. Yung isa hindi ko rin masyadong kilala pero kilalang kilala ko si Ji.

Tumango kaming lahat saka nagsilabasan sa classroom. Malapit na palang maging gabi tsk tsk. Ibig sabihin ilang oras ko ng ginigising si Amber. Kakaliwa na sana ako papuntang gate kaso may humila sa kwelyo ko papuntang kanan.

"H-hoy! Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Angal ko at nakitang si Ji pala ang may hila sa akin. Lalong kumulo ang dugo ko.

"Ang ingay mo talaga." Reklamo niya bago ako binuhat ng parang sako. Nagwala ako sa likod niya't sinabunutan siya. "Gaaah! Huminahon ka! Hindi kita aanuhin!"

"Anong hindi?! Ibaba mo ako!" Napatingin ako sa tapat ko at nakitang tahimik lang na sumusunod sina Zayne at yung isa. Wala ng masyadong estudyanteng natitira pa dito sa school kaya lalo akong napangiwi. Kidnap ito eh!

-Flashback ends-

At ayun nga po. Kanina ko pa sila tinatanong kung saan kami pupunta dahil isinakay nila ako sa kotse. Huhu iniisip ko pa kung ayos lang ba si Amber doon. Di bale, kasama naman niya si France---no that's even worse. Matapos ng ginawa niya kay Amber noon?! Gaaah! Naiinis ako.

May iniabot sa akin si Ji na panyo tapos tinitigan ako. Si kuyang hindi ko kilala ang nagdridrive at katabi niya si Zayne. Si Ji ang katabi ko na nakatitig sa akin.

"Suot mo." Utos niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Huh? Paano ko naman susuotin kung panyo yan?!" Napahilamos lang siya ng mukha.

"Boplaks naman oh! Gawin mong blindfold tch." Tch, siya pa ang galit tss. Napakaunique namang kidnap ito. Ako ang magpipiring sa sarili ko. Juskong yan! Ano bang kalokohan ito?!

Amber's POV

Nagising na lang ako na madilim ang classroom. Wala na rin akong mga kasama at saka wala man lang nanggising sa akin. Asar ha. Asan na ba yung Annie na yun?!

A Deal with a StarWhere stories live. Discover now