Chapter fifteen: hot transferees

3.7K 93 1
                                    


Amber's POV

"Amber~~~~"

T-totoo ba itong nakikita ko? Nasa marshamallow land ako?! OMAYGHAD! Nagsasalita pa yung mga mallows sa harap ko. Ang cute! Nakembot pa ahihi.

"Kagatin mo ako~~~"

O edi sige sabi mo eh! Ahihi. Halika ditong mallows ka at kakainin kita! Niyakap ko yung mallows saka malakas itong kinagat.

"ARAAAAAAAAAAAAY!!!!!"

Nagtaka ako bigla. Sabi niya kagatin ko siya? Tas makasigaw wagas? Sige isa pa nga.

"KINGINA!!! HOY AMBER MAGISING KA NG WILDEBEEST KA!!! WAAAAAAAHHHHH!!!!"

Nagising na lang ako bigla at naabutang nasa banyo ako ng panlalaki. Ang malala, nakahiga pa ako sa sahig. Ang pinakamalala, mapanghi. Nakita ko si France na nakaharap sa salamin na galit na galit. Anong nangyari dito?

He started to breathe furiously then slowly looked at me. Nanlilisik ang mga mata niya't akala mo namamatay tao na ang dating. Problema nito?

"You did this to me..." sabay turo sa puso niya. O? Wala naman akong ginawa sa puso niya ah. Hanggang sa bumaba yung tingin ko sa bandang abs niya. Kitang kita talaga yung ganda ng katawan niya tuwing nakat-shirt na puti. Namula ako nung may naalala ako. "Amber!"

"H-ha?" He rolled his eyes at me before tugging his collar down to expose his shoulder. Apparently, may malaking bitemark sa balikat niya. Pinigilan ko ang tawa ko at umarteng seryoso. "I did not mean to do that."

"Paano na yung shooting ko kapag nakita nila ito? My manager will kill me!" Ginulo niya ang buhok niya. Tinawanan ko lang siya saka napatayo't nilapitan siya.

"Consider it as a mark." Biro ko saka kinindatan siya. Napatitig lang siya sa akin saglit bago ako iwan sa banyo ng panglalaki. Anong nangyari doon? Sinundan ko siya palabas at nakitang hindi na pala nakalock yung mga pinto. Sweet! Makakauwi na ako kay Cheska.

"I'll drive you home." Aya ni France kaya pumayag ako. Sa buong byahe naman ay walang naimik ni-isa sa amin. Pero kanina ko pa napapansin ha? Palihim siyang ngumingiti eh.

Zayne's POV

Nasaan na ba yung dalawang lokong iyon? Wala pa sina Ji at France eh. Hindi naman sa nagrereklamo kami habang pinepermahan yung mga gamit ng fans, pero kanina pa namin sila inaantay sa gate. May napermahan na nga akong bra ng isang fan tapos wala pa sila.

"Tol, pupunta pa ba sila?" Tanong ni Kevin kaya nagkibit balikat na lang ako. Baka hindi na sila papasok. I jerked my head towards inside and he nodded. Absent siguro mga yun psh.

Nang makabalik na kami sa classroom namin, nilabas ko agad yung phone ko. Napapasilip si Kevin at bigla na lang humagalpak sa katatawa.

"Tol, bata ka pa ba?! Pambata naman kasi yang mga laro mo HAHAHA!" Pangaasar niya pa saka hinablot yung phone ko. S-si Pou. T-TEKA NAGUGUTOM PA SI POU!!!

"HOY KEVIN! PAKAININ MO NAMAN SI POU!" Sabi ko saka binawi ang aking phone. Nagugutom na siya huhu.

"Ewan ko sayo, Zayne. Isip bata." Sinamaan ko siya ng titig.

"Anong sabi mo?" May pagbabanta ang boses ko. "Hindi ako isip bata."

Tinaas niya mga notebooks kong puro Ben10, "hindi daw ha?" Inagaw ko agad mga notebooks ko saka prinotektahan. Wag niyang pakialaman ang preferences ko. Pasalamat siya at hindi ko suot yung Captain America kong mga damit eh.

A Deal with a StarWhere stories live. Discover now