Chapter twenty five: mine

3.2K 85 0
                                    


France's POV

"Dude, it's not the end of the world." Zayne said without looking up from his PSP. "It's not the end of the world."

Nandito kami ngayon sa cafeteria na nakatambay. Kumakain lang sa tapat ko sina Kevin at Arianna na nagsusubuan. Nakaakbay naman si Chloe kay Zayna na naglalaro. Sina Ji at Annie naman ay nasa gilid lang at naguusap. Samantalang ako lang ang walang partner at tanging kagwapuhan ko lang ang kasama ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Kahit na malapit na ang uwi ni Amber, gusto ko na siyang makita ngayon din. Nilakasan ko ang pagbuntong hininga ko.

"Juskong yan naman, France. Tawagan mo na kasi." Inis na sabi ni Kevin. Nginisian ko lang sila at linabas ang phone.

"Magmoment na muna kayong dalawa." Pangaasar ni Zayne. "Baka ibang klaseng tawag na yan ha. Birhen pa tenga namin."

"Baliw." Sabi ko bago lumayo sa kanila. Tinawagan ko naman si Amber at dalawang ring lang ang lumipas bago sumagot. Bumilis ang tibok ng puso ko kaya dinaan ko na lang sa pagkamot ng batok. Makita pa ako ng mga kaibigan kong kinikilig, aasarin ako ng mga iyon.

[Amber Yashelli Santibañez is speaking]

"France Xavier Almante is calling." Sagot ko naman saka napakagat ng labi. Bigla na lang tumahimik sa kabilang linya. Kinabahan ako bigla, "hello? Are you still there?"

[Yun na yun?]

"Yung alin?"

[As in wala na? Wala ng karugtong kayabangan sa pangalan mo? Himala ah]

"Ha?"

[Hindi ako sanay na hindi ka nagiging GGSS]

"Ah ganon? Edi sige." Klinaro ko ang aking lalamunan. "The most gorgeous and most handsome man on Earth with a sizzling hot and jaw-dropping body France Xavier Almante is calling."

[Sana true]

"It is true."

[Juskong yan at sinagad na ang pagyayabang eh]

"What can I say? I'm just informing you of what type of package I am to you."

[Sus. Sige na nga. By the way, pwedeng pasundo mamaya sa airport? Pakidala na muna si Cheska kay Annie. Kayo lang muna ang nakakaalam hehe]

"Wait, uuwi ka na?!" My heart skipped a beat. "What time?" Napatingin ako sa orasan para makita kung anong mga subjects pa ang meron sa schedule ko.

[Mga bandang tanghali siguro nanjan na ako (Paging Ms. Amber Santibañez, please proceed to Gate A4) omayghad! Sige na, France! Byeee!]

"Ah sige I-"

*toot toot*

Huminga muna ako ng malalim at mapait na ngumiti sa phone na hawak ko. Mabuti na lang at hindi ko naituloy. Sa tamang panahon ko na lang sasabihin sa kanya ang mga salitang iyon. Right now, I need to pick her up at the airport.

Amber's POV

Nasa airport na kami ni Yasser at naghihintay na lang ng sundo namin. Private jet kasi ang ginamit namin pauwi para mas mabilisan ang byahe. Medyo umuulan nanaman sa labas kaya todo ang pagnginig ng mga tuhod ko sa lamig.

"Here," pinatong ni Yasser yung jacket niya sa balikat ko. "Baka mabasag ngipin mo sa sobrang lamig."

"Thanks." Sagot ko naman saka siya nginitian. Naghari nanaman ang katahimikan sa pagitan namin. Ayokong mahuli kami ni France na naguusap dahil seloso pa man din ang lalaking iyon.

A Deal with a StarWhere stories live. Discover now