elehiya

817 20 0
                                    

{A/N: Hi :) It's been months na since last na nag-ud ako. Di na nasundan yung first one shot. So, this is a poem na ipinagawa samin sa school. 'Elehiya' yung uri ng tula na 'to which means na malungkot. And of course, ViceRylle inspired :) Okay so eto na...}


Sa Ibang Mundo


Isang araw bigla na lamang nag-iba

Ang kilos nila't turing sa isa't isa

Ako ay nagtaka, ano ba ang nangyari

'Di ko napansin takbo ng pangyayari


Ako'y isang hamak na taga-idolo

Sa kanila umiikot ang mundo ko

Palaging minamasdan kanilang galaw

Ano mang gawin sila'y hinahangaan


Tambalan nila'y nagmula sa biruan

At asaran pa ng kanilang kaibigan

Ito ang isang bagay na dapat gawin

Lumapit sa kanya't hagkan siya sa labi


Pansin ko tuwing sila ay magkatabi

Kanilang ngiti'y di mawala sa labi

Mga kilos nila ay di na mawari

Sila'y magkasintahan kung akalain


Di man nila sabihin at aminin

Kita ko na masaya sila sa piling,

Ng isa't isa kahit di maaari

Pagkat mayro'n silang ibang iniibig


Ngunit ano ba talaga ang nangyari

Kung bakit bigla na lang nag-iba ang turing

Pagmasdan parang wala namang nag-iba

Ngunit paglingon ko'y nagbago nang lahat


Sila pala'y may tampuhan, di ko alam

Di nakasipot sa importanteng ganap

Ito ang naging dahilan ng lahat

Hindi na nagpansinan at nagkibuan


Di pagpapansina'y masakit sa mata

Akala ko'y silang dalawa ay wala na

Ngunit di nagtagal ay nagbati sila

Muli sila ay nagpakilig sa madla


Biglang isang araw ay may inanunsyo

Ang babae'y ikakasal na sa Marso

Ang puso ko'y nadurog sa narinig ko

Di ko matanggap ang pangyayaring ito


Nangyari na nga at ikinasal na siya

Wala nang pag-asa na maibalik pa

Doon na nagtapos ang kanilang kwento

Sana sila naman ang bida, sa ibang mundo.



What do you think? :) Follow me on twitter @randomvicerylle, chika tayo dun :)

shots | vicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon