kabanata

940 26 0
                                    


{A/N: Beacause PGT feels :) Haha.}


"Uy brad, tara na!" pag-aya ni Vhong kay Vice na may tinatanaw mula sa kanilang pwesto.


"Sandali lang." at muli ay sumilay na naman si Vice sa Music Room ng kanilang paaralan.


"Brad, sino bang tinitingnan mo dyan?"


"Ah eh... Yung drummer. Ayun oh! Ang ganda niya 'no?" sagot ni Vice at sandaling pinasadahan ng tingin si Vhong.


"Ah si Gyan? ...Brad bago din yan dito katulad mo."


Transferee kasi si Vice sa school na ito at ilang araw pa lamang siyang lumalagi dito. Katulad niya, ang drummer na si Gyan ay bago lang din dito.


"Type mo brad? Ligawan mo na!" pagkukunsinti ni Vhong at umalis na sila dahil malapit nang magsimula ang kanilang klase.


---


"Okay class, bring your bags and go outside. Magkakaroon tayo ng bagong seating arrangement." sabi ng kanilang guro at sinunod naman ito ng mga estudyante.


"Okay. Curtis beside Crawford....... Navarro, Tatlonghari and Viceral."



Karylle's POV

Viceral? Ngayon ko lang narinig yun ah. Baka yun yung bago naming classmate. Ah tama, siya nga.


"Hi!" bati ko sa kanya shyly.


"Hello." sabi naman niya sakin at gumanti ng isang matamis na ngiti. Infernes ha, pogi din 'tong nilalang na 'to.


Umayos na ako ng upo sa tabi niya at dahil medyo madaldal naman ako ay tinanong ko na siya tungkol sa basic information sa buhay niya.


Hindi rin nagtagal at naging komportable na kami sa isa't-isa at dahil nga ito na ang aming permanent seating arrangement ay naging kaclose ko na rin siya. Tinuring ko na siyang one of my best friend.



Third Person's POV

Madalas na makitang magkasama sina Vice at Karylle. Madalas din silang magbiruan na parang magjowa. Kung hindi mo sila kilala ay mapapagkamalan mo talaga na may relasyon sila. Ngunit iba ang kanilang sitwasyon. Alam naman ni Karylle na hanngang biro lang ang ginagawa ni Vice, dahil nga may girlfriend na ito, si Gyan.


Lumipas ang ilang buwan at natapos na ang ikatlo nilang taon sa high school.


Hindi man aminin ni Karylle ay nahulog na ang loob niya kay Vice. Pilit niya itong iwinawaksi dahil alam niyang mali.


shots | vicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon