dati

624 13 1
                                    

a spoken word poetry shot.





Naalala mo pa ba?
Masayang masaya nung umpisa

Ang umpisa na puno ng ligaya at tuwa
Ang umpisa na tayo'y malakas
Ang umpisa na laging naalala
Ang umpisa na napakalayo na pala...
Napakalayo na sa ngayon

Ang ngayon na nagbabaliktanaw sa umpisa
Ang ngayon na nauubusan na ng lakas
Ang ngayon na parang tinatanaw na lamang ang
ala-ala ng umpisang napakasaya
Ang saya, sobrang saya
Hindi ko mawari ang ligaya

Naalala mo pa ba?
Mga panahong tayo ay buo
Mga panahong hindi tayo mapaglayo
Mga panahong ikaw at ako ang bumubuo sa bawat isa at ang kasama sila ay walang katumbas ang saya

Masaya ba talaga?
Oo masaya noong umpisa
Pero tatanungin uli kita
Masaya ba talaga?
Baka naman pinililit mo na lang
Pinipilit na lang ngumiti kahit masakit dahil sa isang ala-alang pinanghahawakan na ang umpisa ay maibabalik pa
Masaya ka pa ba talaga?

Naalala mo pa ba?
Noong unang naranasan ang sakit
Noong unang naramdaman ang pait
Noong unang nagkalamat sa pag-ibig na pangarap na pilit pang kumapit
Kaya ito'y nasagip

Masaya pa rin ba?
Diba hindi na?
Sana hindi na lang muling nag-umpisa
Sana hindi na lang isinalba
Sana hindi na kumapit pa dahil lahat naman ng ito ay mapupunta sa dulo

Ang dulo na nagtatapos
Ang dulo na naghihikahos
Ang dulo na kasing lakas ng agos ang mararamdamang sakit at pait
Ang dulo na ang huling lakas ay magwawakas

Ngayong tatanungin uli kita
Sa pinakahuling pagkakataon
Naalala mo pa ba?
Sana wag na at itigil mo na
Dahil sa dulo, alam mo naman na talo ka kaya,
Bumitaw ka na, tama na.

belated happy 61st monthsary vicerylles! 😚 #kapitlang 😆💛

shots | vicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon