goblin

894 37 14
                                    

A vicerylle shot purely based sa story ng GOBLIN (kdrama) kaway-kaway sa mga kdrama fans dyan! hiiii haha :)

March 22. Birthday ko. Ano bang bago? Nandito ako ngayon sa isang lugar kung saan tahimik at nakakarelax. Bata pa lang ako nung namatay yung nanay ko. At saktong kaarawan ko pa noon. Actually yun ang huling beses na nagkaroon ako ng cake. Mula noon ay hindi ko na binibilhan pa ang sarili ko ng cake. Hindi kasi ako naniniwala na nagkakatotoo ang mga 'wish'. Ilang beses na kasi akong humiling pero ni isa naman sa mga yon ay hindi natupad.

Ay nga pala, nakakakita at nakakakausap ako ng mga multo. Kaya nga nung 9th birthday ko akala ko buhay pa yung nanay ko kasi nagawa nya pa akong dalhan ng cake sa bahay. 'Yun pala ay naaksidente na siya nung araw na 'yon.

Para maiba naman, ngayong araw bumili ako ng cake pampalubag-loob lang. Pinalayas kasi ako ng tita ko sa bahay. Kaya eto ako ngayon kasalukuyang nakaupo lang at naisipan kong sindihan na muna ang kandila.

Pagkatapos nito ay pinikit ko ang aking mata at taimtim na nagwish. Baka sakaling umubra 'to ngayon. Sana maging mabait na sakin ang tita ko, magkaroon ako ng part-time job, at sana magkaroon na rin ako ng boyfriend.

*blow*


"Ikaw ba yun?"

Napalingon naman ako sa likod ko at nagulat dahil may isang lalaking nakatayo dito.

"Ha?"

"Tinatanong ko kung ikaw ba yung may gawa nun?" sagot nito.

"Ha? Anong ginawa ko?" takang tanong ko.

"You summoned me here." seryosong sagot ng lalaki.

"Ano bang sinasabi mo?" sagot ko naman sa kanya dahil hindi ko pa rin talaga maintindihan ang pinupunto niya.

"Ikaw. Ikaw ang nagdala sakin dito. Paano mo ginawa 'yon?" seryoso pa rin ang mukha ng lalaki.

"Alam mo Mister, wala akong ideya sa mga sinasabi mo. Tahimik lang akong nakaupo dito kasama yung cake ko ah. Wag kang ano dyan!" bulyaw ko sa kanya.

"Yung tita mo, magbabago na siya ng pakikitungo sa'yo at yung part-time job naman, maghanap ka ng chicken shop at doon ka makakahanap ng trabaho."

"Ano? Teka. Paano mo nalam-- Aish. Never mind. Paano naman yung boyfriend?!"

"Tss. Oh." sabay abot nya sakin ng bulaklak o bulaklak nga ba talaga 'to? Na kanina pa niya hawak.

" sabay abot nya sakin ng bulaklak o bulaklak nga ba talaga 'to? Na kanina pa niya hawak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Buckwheat flower." plain na sabi niya.

"Anong ibig sabihin nito?" takang tanong ko.

"Lover."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

shots | vicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon