[ 5 ] Days With Quinn (Edited)

59.4K 832 40
                                        

"Okay, pre," Singit ni Andre bigla sa akin habang nag-iisip ako ng concept para sa Creative Writing namin. May kasama pa siyang hand gestures habang kinakausap ako, "What if... Bigla mong nakita ang babaeng matagal mo nang hinahanap habang umoorder ka ng Jollibee? Tapos ang catchy line mo sa kwento mo eh... Bida ang saya!"


Binigyan ko ng mahinang batok si Andre sa ulo nya, "Lahat na lang ng sasabihin mo eh may kinalaman sa pagkain! Hindi ka na nagsawa! Saka isa pa... Napaka-cliche nun, gusto ko kakaiba, okay?" Sa totoo lang frustrated na ako sa kakasulat ng short story ko dito. Parang kailangan ko na ng Biogesic sa sakit ng ulo ko. Ang pinakamasama pa dun, bukas na ito ipapasa tapos wala pa rin akong nasisimulan kahit isang pangungusap man lang.


"Grabe naman," nagkunwaring sumisinghot si Andre ng sipon niya kahit wala naman, "nagsa-suggest na nga lang ang tao eh," nakasimangot siya at naka-kunot pa ang noo nya. Mukha siyang batang damulag.


"Tangna, pre. Para kang bakla, tigilan mo nga yan!" binatuhan ko siya ng wrapper ng candy sa mukha. Tinawanan niya lang ako, "Ubusin mo na nga lang 'yang lunch mo, may klase pa ako mamaya." Sabi ko na lang.


Hindi na nagsalita pa si Andre, sumubo na sya ng isang malaking kutsara ng kanin at ulam nya. Pinapanuod ko na lang siya habang nag-iisip ako ng magandang kwento.


"Hello," sabi ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako kung sino yung lumapit sa aming dalawa ni Andre. Amoy na amoy ko ang strawberry scent nya. Nang pagkatingin ko kung sino, hindi ko matanggal yung ngiti na nasa labi ko. Mukha akong tanga na nakangiti sa sarili ko.


"Hello," nahihiyang bati ko pa sa kaniya. Parang ako na naman ata ang nababakla dito. Nakakahiya.


Nginitian ako ni Quinn Eliz Arias nung magtagpo mga mata namin. But much to my disappointment, hindi pala ako ang kinakausap niya. Para kay Andre pala data yung bati niyang iyon. "Andre, ano? Sasabay ka daw ba sabi nila tita?


Napakunot-noo ako sa nangyayari sa kanilang dalawa. Magkakilala silang dalawa?


Kahit may kanin pa sa bibig ni Andre, sinagot na niya yung tanong ni Quinn. "Eh... Baka hindi ako makasama," napatigil siya saglit para inumin yung iced tea niya. "Mag-aaral ako nun," dugtong pa niya. Nagkatinginan kami saglit ni Andre bago siya ulit tumingin kay Quinn, "Eto oh, si Kurt. Isama mo na lang. Tutal, gentleman naman itong kaibigan ko!"


Nagulat ako sa sinabi ni Andre, "Ha?" Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Hindi ko alam kung ano pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung bakit pangalan ko ay nadamay.


"Oh, hey!" saka pa lang ulit na-acknowledge ang presence ko ni Quinn. Her hands were on her hips, "Ikaw yung guy sa class ko nung isang araw right?" She paused to examine my face for a while, "Kurt? Tama ba?"


Feeling ko nang-iinit ako sa kahihiyan nang maalala ko yung unang araw na nakita ko si Quinn. It turned out na yung Treasure ni Bruno Mars na background music ko ay akin pala. Tumutunog kasi tinatawagan ako ni mama. Hindi ko alam kung gaano ako kalaking tanga nung araw na iyon.


Idinaan ko na lang sa pag-iba ng usapan yung tanong ni Quinn, "Uhm... Ano yung sinasabi ni Andre? Saan niyo daw ako isasama?" tanong ko naman.


Napangiti si Quinn saglit sa akin tapos nawala rin lang ng ilang segundo iyon, "No need. I'll find another na lang. Thanks by the way!" saby niya, tucking her stray hair behind her ears before she left. Para talaga siyang anghel na dumadaan-daan sa mundong ito sa sobrang ganda niya.


Ganito na ba talaga kalakas ang tama ko sa kaniya?


"Pinsan ko yun," sabi ni Andre. Nang-aasar na ngayon yung hayop.


"Ha?" Tengene, ang swerte naman. I mean, kilala niya kasi. Close sila. Kilala siya ni Quinn. Eh ako? Sino daw ako? Yung guy sa class niya nung isang araw.


"Sabi ko... Pinsan ko yun," sabi ni Andre ulit, may ngiti na namumuo sa labi nya. Parang may nahahalata siya sa akin. Shit. Kahit kailan talaga hindi ako marunong magtago ng emosyon eh, "Gusto mo siya noh?"


Automatic kong iniling ang ulo ko, "Hindi ah!" tapos tumawa na halatang ninennerbyos, "Ha.. Ha.. Pano mo naman nasabi yan?"


Nagkibit-balikat yung matatabang balikat ni Andre, "Nahahalata ko. Sa kilos mo pa lang! Kanina akala mo kung sino kang makaasta na pa-cool, pero nung dumaan pinsan ko natameme ka na!"


Tsk. Sabi ko na nga ba eh.


"Saan ba kayo dapat pupunta?" tanong ko kay Andre, pilit kong iniiwasan yung topic na nabubuo kanina. Ayoko nang mamula pa sa kahihiyan.


"Sa despidida party ng mama nya," sagot ni Andre.


Tumango na lang ako tapos itinuon na ulit ang focus ko sa papel na nasa harapan ko ngayon na kanina pa blanko. "Ah, okay." Matipid kong sagot kunwari hindi ako interesado.


"Isulat mo kaya diyan yung lalaking patay na patay sa isang babae pero hindi naman sila nagkatuluyan sa huli?" biglang singit ni Andre. Napatingin ako sa kaniya, "What? Cliche parin ba?" tanong niya sa akin.


I raised my hand, "Apir tayo, pre."


*Apir*


"Thank you!" sabi ko tapos nagsimula nang isulat ang first draft ko para sa Creative Writing.


Author's Note:

12/15/2015. This chapter is edited - Gretell ~




90 Days With Quinn (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon