"Arias, Quinn Eliz?" nagtatawag na prof namin sa MANACON kasi field trip na at paalis na kaming lahat. Nasa bus na nga ako eh, nakaupo sa may bandang dulo. Kaso hanggang ngayon eh wala pa rin sya. Asan na kaya yun? Tinext ko na sya kagabi na 6 AM pa lang dapat nandito na yun. Tsk.
Tinaas ko ang kamay ko, "Miss, wala pa po si Quinn. Pwede po ba nating intayin saglit?" tanong ko.
Tumango naman si miss sa akin tapos nagpatuloy ulit sa pagtatawag ng pangalan. Napalingon naman ako sa may bintana. Dahan-dahan na ring sumisikat ang araw kaya medyo nagliliwanag na. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ko pero bigla akong napaisip tungkol kay Quinn. I guess we're okay, much better than before. Nakakasama ko na si Quinn kapag sasabay syang kakain ng lunch sa amin ni Andre.
Hindi ko man masasabi na talagang close na kami ni Quinn, but we're getting there.
"Kurt!" isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa ibaba ng bus. Napalingon ako sa bintana at nakitang nagmamadaling pumasok si Quin, dala-dala na nya yung mga gamit nya. Napangiti ako nang makitang sasama si Quinn sa field trip namin ngayon.
Agad namang napaupo si Quinn sa tabi ko, "sorry ha... Napasarap kasi ako ng tulog eh." Bulong niya sa akin.
"Ba't matutulog ka pa? Ang ikli-ikli ng buhay," sagot ko naman sa kanya. Bigla ko lang naalala yung sinabi ng lolo ko, sinabi ko lang ulit kay Quinn iyon.
"Sleeping is actually nice, Kurt. You forget about everything for a while," sagot niya. Naiwan akong nakatulala sa sinabi nya. Sa araw-araw kong nakikita si Quinn na nakangiti ngayon, nakakalimutan ko na kung ano talaga ang nararanasan nya sa labas ng pader ng school.
Her perfection is just a cover from her hideous past.
Ang by hideous, I mean, maling-mali. Maling-mali kung ano man ang nangyayari kay Quinn noon. Naaalala nyo pa ba yung despidida party ng mama ni Quinn? Ang totoong dahilan pala kung bakit iniwan lang si Quinn dito ay dahil hindi naman nila talaga totoong anak si Quinn. Ampon lang siya. Isinasama naman sya ng mama nya pero sya ang nagpumilit na maiwan. Ang dahilan ni Quinn eh gusto nya raw mahanap ang sarili niya.
But I guess, everything behind her just got worst.
Naikwento sa akin ni Quinn na nahanap na nya ang biological parents nya. Kaso hindi naman nya pwedeng makasama mga magulang nya kasi parehong mama at papa nya eh nasa kulungan. Nahuli na nagbebenta ng drugs sa bayan.
Hindi ko man makita ang koneksyon nun sa pagka-bulimic ni Quinn, pero gusto ko syang matulungan by letting her feel that she is loved. Marami naman ang taong nagmamahal kay Quinn eh. Kaso sa tingin ko, hindi pa nya nararamdaman yun. Sa ngayon, hinahayaan ko muna si Quinn na maging masaya sa paraang gusto niya.
For once, ipaparamdam ko sa kanya na malaya syang gawin ang lahat ng ninanais nya.
YOU ARE READING
90 Days With Quinn (Editing)
Teen FictionKurt, an average college student, meets someone who unexpectedly changed him to a better person. But can he change her the way she did with him? Ito ang love life na hindi mo inaasahan.
