"Alam mo, pre, ikaw lang kasi itong nagtitiyaga sa akin kaya deserve mong maimbitahan sa birthday ko bukas!" sabi ni Andre sa akin habang natalbog-talbog ang mga taba nya sa katawan habang natalon sya sa harapan ko. Kung bakit sya natalon... eh wala na ako dun.
I scoffed, "Ang tanda mo na, Andre, ba't magpapa-birthday party ka pa?" tanong ko naman dito habang nagrereview ako sa exam ko sa Philosophy. Sa totoo lang, hindi na talaga ako nakapagreview ng maayos dahil sa kakadakdak ni Andre eh pero ayoko lang masabi kasi baka ma-offend ko sya na yung mga taba nya sa braso eh nakakabulabog na. Kaya tama lang na imbitahan ako ni Andre sa birthday nya! Aba, talagang pinagtitiisin ko sya, pero ayoko lang mahalata na excited din ako na pumunta sa kanila.
Kung bakit ako excited, alam na yan. Baka andun din si Quinn, makiki-party sa birthday ni Andre. Saka gusto ko ulit makita si Quinn, gusto ko syang kamustahin. Matapos kong bugbugin yung ex boyfriend nyang manyak eh hindi ko pa sya nakakausap. Hindi ko naman malapitan si Quinn tuwing MANACON class.
"Sus, bakit? Bawal magimbita? Saka.. hindi party yun noh! Parang ano lang yun.. ahm.. Parang gatherings!" palusot pa nito.
Napailing na lang ako, "bahala ka," tiningnan ko ulit yung notes ko sa Philosophy at binasa ulit ang description ng Modus Ponens at Modus Tollens.
"Uy, Kurt..." I groaned. Kailan ba ako titigilan ni Andre? Tiningnan ko ng masama si Andre, napa-kunot lang sya ng noo, "May nakalimutan kang tanungin!"
Napabuntong-hininga ako tapos isinandal ko ang likod ko sa may upuan, tiningnan ko si Andre, "Ano?"
"Kung--- teka nga, interesado ka ba talagang pumunta?" tanong ulit ni Andre.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ang kulit eh! "Oo nga sabi!"
"Eh bakit hindi mo tinatanong kung saan bahay ko para puntahan mo?" tanong nya ulit.
Napa-tsk na lang ako sa tanong nya. "Oh sige... Asan?" asar na tanong ko sa kanya.
Napahigikgik si Andre saglit bago nya sagutin ang tanong ko, "Dun sa San Lorenzo. Kami lang yung bahay na kulay orange at green dun!"
Orange at green? Anong color combination yun?
Tinango ko na lang ulo ko, "sige, sige... Hanapin ko..." sabi ko, "O ano? may nakalimutan pa ba akong tanungin?"
To my disappointment, itinango pa rin ni Andre ulo nya. Ugh! Dapat talaga masarap ang handaan ng lalaking 'to sa kakulitan nya! "Ano na naman?" pikon na ako. Kailangan ko na talagang mag-review! Exam ko na sa Monday eh!
"Hindi mo tinanong kung anong oras... 6 pm!" dugtong ni Andre.
"May sasabihin ka pa?" tanong ko. Tumango ka pa Andre, mas lalong hindi ako pupunta sa birthday mo.
"Wala na," sabi nya na may ngiti pa sa mukha nya.
Hay, salamat!
"Kurt!" napalingon ako para tingnan kung sino yung natawag sa akin. Napangiti ako nung nakita ko kung sino. Si Quinn. Habang naglalakad papalapit si Quinn sa table namin, biglang nag-slow mo yung mga tao sa paligid ko tapos tumunog yung TRUE na kanta. Ang ganda-ganda talaga nya.
Nakatanggap naman ako ng isang mabigat na hagalpak sa braso ko. Tiningnan ko si Andre ng masama, "Tuloy laway mo, pre, kadiri ka."
Napahawak naman ako sa labi ko pero wala naman.
Tamang-tama, nakalapit na si Quinn sa amin. Tiningnan nya ako, "Kurt...may homework ba tayo sa MANACON?"
Nakatitig lang ako sa kanya. "Ah... Eh, wala ata... K-kamusta ka?" nahihiya kong tanong dito. "G-ginugulo ka pa rin ba ni Chester?"
Her lips formed into a genuine smile, "So far... Hindi. Thank you by the way..."
"CHESTER?" singit ni Andre. Tiningnan ni Andre ang pinsan nya, "Anong ginawa sayo nun? Dadaganan ko yun eh!"
Napatawa naman si Quinn sa sinabi ng pinsan nya. Umupo sya sa tabi nito, "Nakakain na ba kayo? Let's have lunch!"
VOCÊ ESTÁ LENDO
90 Days With Quinn (Editing)
Ficção AdolescenteKurt, an average college student, meets someone who unexpectedly changed him to a better person. But can he change her the way she did with him? Ito ang love life na hindi mo inaasahan.
