"Anak, ano? Pupunta ka ba?" boses ni mama ang nagpagising sa akin sa realidad na kung nasaan ang katotohanang hindi tanggap ng marami. Sa katotohanang hindi ako makapaniwala na nangyari. Ilang gabi rin akong hindi nakatulog sa sakit na nararanasan ko. Ilang gabi ko rin nararamdaman ang 'guilt' sa saloobin ko.
Paulit-ulit ko rin sinasabi sa sarili ko na kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi kasi ako naging sapat para kay Quinn. Hindi ako yung taong naging balikat na kung saan pwede syang kumapit. At lalong-lalo na, hindi ako naging isang tao na gusto kong maging para kay Quinn.
Malungkot kong tiningnan muli ang wallpaper namin ni Quinn sa phone ko. Bigla ko na namang naalala yung araw na magkasama kami nung field trip namin sa MANACON. Hinding-hindi ko makakalimutan yung mga segundong mahuhuli kong ngingiti sya sa sarili nya. Yung mga segundo na maririnig kong tatawa sya. Yung mga segundong tititigan ka at sasabihing, 'I had fun today. Thanks for being with me, Kurt'. Gusto ko na lang umiyak dito kasi parang hindi kaya ng mga paa ko na puntahan si Quinn ngayon.
"Kuya Kurt?" naramdaman kong niyakap ako ni Kailey mula sa mga maliliit na braso nito, "okay ka lang?"
Iniling ko ang ulo ko, "Magiging okay din si kuya..."
"Kurt?" tawag ulit sa akin ni mama. Nakatayo na sya sa may pintuan at hinahantay na rin akong lumabas. Tumango na lang ako at kinuha si Kailey sa mga braso ko at kinarga ito.
Ngayon na yung huling araw na makikita ko si Quinn. Para kaya akong pinapatay tuwing maiisip ko na wala na si Quinn. Para akong pinaparusahan sa tuwing maaalala ko yung mga salitang nabanggit nya noon sa college ball. "Everyone dies alone" ika nga niya.
I lost Quinn. And I just realized that how much time I spent with her or how much I appreciate her and told her so, it will never seem like it was enough.
Pero hindi na ako naniniwala sa sinabi nyang 'everyone dies alone'. Quinn didn't die all by herself. My heart dies with her as well.
- E N D -
{A/N: OMG, NATAPOS KO NA RIN SYA SA WAKASSSSSS! YAY! Don't forget to write your comments and/or opinions about the ending, okay? Lovelots -- Gretell }
YOU ARE READING
90 Days With Quinn (Editing)
Teen FictionKurt, an average college student, meets someone who unexpectedly changed him to a better person. But can he change her the way she did with him? Ito ang love life na hindi mo inaasahan.
