Substitute

212K 1.1K 62
                                    

A/N: Pinapangunahan ko na po kayo. This is a girl to girl story. 

You're my piece of mind, in this crazy world
You're every thing I've tried to find
Your love is a pearl
You're my Mona Lisa
You're my rainbow skies
And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes...



Matamang nakikinig ako ng music ng marinig ko yung sumunod na song, sa dinami dami ng kanta dun pa talaga tumama, nagsimula na naman tuloy akong magreminisce. That hell of my ex. Siya lang yung taong minahal ko ng ganun. 



HInawakan nya ang pisngi ko at kinintalan ng halik sa labi sabay bumulong ng 

"Mahal na mahal kita Payne, alam mo di bagay sayo yung name na Payne kasi para sakin ikaw ang gamot ko sa lahat,happiness at lahat-lahat ko,  hindi PAIN ".

Natawa nalang ako sa sinabi niya, Nilapit ko ang labi ko sa tenga niya at bumulong din sa kanya " Mahal na mahal din kita, wala nang mas hihigit pa sayo ". Hinawakan ko siya sa bewang, at nilagay naman niya yung kamay niya sa batok ko para kumawit at sabay kaming umindak sa saliw ng musika.

The world will turn, and the seasons will change,and all the lesson we will learn will be beautiful and strange.We'll have our fill of tears, our share of sighs.My only prayer is that you realize you'll always be beautiful in my eyes.You will always be beautiful in my eyes.

"Talaga? promise? " sumandal siya sa dibdib ko pero tinaas ko ang muka niya .  " Oo naman, ikaw lang naman tong madaming chics eh".  



"Wala kaya. Sobra ka lang selosa lahat nalang pinagseselosan mo, alam mo namang photographer ako. Normal lang na iba't ibang tao ang makakasalamuha ko. " sagot naman niya.


Napatigil ako sa pagrereminisce ng may biglang tumakip sa mga mata ko. 

" Hulaan moooo " . Kahit alam ko namang si Yuji lang yun. Girlfriend ko. How i wish , ganun kadaling palitan ang puso para sa kanya ko nalang iukol ang pagmamahal ko.



I held her hands na nakatakip pa sa mga mata ko. Kinapa kapa ko pa.



"May iba pa bang ganitong kamay? sa tataba at lalaki nito alam ko na agad e" bigla niyang pinalis yung kamay niya , umupo sa harap ko at ngumuso , nakaharang yung table sa gitna namin. 



"O topak mode ka na naman agad dyan? " Sabay ngumiti na siya ng nakakaloko. 



" ehehe! Arte lang un babe! "  Biglang tinanggal niya yung headset sa tenga ko. 



" Sabi ko naman sayo babe wag ka ngsosounds ng malulungkot, saka ano to? BEAUTIFUL IN MY EYES??  " malalim yung tingin niya sakin nun na para bang binabasa ako.  Pag ganyan siya alam kong yung EX ko na naman ang nasa isip niyang iniisip ko. Magsasalita pa sana siya pero inawat ko na.

"Hep hep! Nagkataon lang yan ha! " paliwanag ko sa kanya



"Sus! nagkataon? e nasa gitna na yung kanta? "  sagot niya.

" Okay fine! e sa yan yung next na nagplay eh.. ! "  Nagmadali akong agawin sa kanya yung phone pero huli na ng mabura na niya yung kanta. Hays!

" Bat mo binura? eh favorite ko yun e! " naiinis na sagot ko sa kanya.

" Favorite? kasi kanta niyo ha?? "   Ginawa ko tumayo na ko sa kinauupuan ko at umalis na ng kainan. Nilingon ko siya at ayun sinusundan lang ako pero ayaw naman akong lapitan. Baliw lang .

" Lumapit ka nga sakin dito! para kang stalker na sumusunod sunod dyan! "  sigaw ko sa kanya.  Tuwang tuwa naman siyang lumapit sakin ,humawak sa braso ko at sumandal pa sa balikat ko. 

"Saan na tayo pupunta babe? " biglang tanong niya.

" Kahit saan mo gusto " habang nakahilig pa din siya sa balikat ko.



" Sa puso mo.. "  sagot niya.

" Nandito ka naman ah? "  nguso ko sa dibdib ko.

" Gusto ko yung AKO LANG ayaw ko ng may ibang kasama "  sagot naman niya at nakikinita ko na ang magiging takbo na naman ng usapan. 

" Bili mo nalang ako ng Tea shake " Iba ko ng usapan saka  favorite namin yun e. 

" Tara! ano pa gusto mo ? akala ko ba ikaw manlilibre bat biglang nabaling na sakin! hmp! "  Mas cute siya pag nakasimangot. 

" Eh kasi ininis mo ko e, kaya ikaw na ! "  nangingiting sagot ko sa kaniya.

" Iniisahan mo ko ha! pasalamat ka mahal kita e "  

" SALAMAT! "  nginitian ko siya ng matamis na parang nang-aakit. Inirapan niya lang ako pero deep inside kinikilig na yan. Ngitian ko lang naman yun okay na e. haha!

 4 months na kami ngayon. Wala nga ko maisip na puntahan namin ngayon at lutang ako ewan ko ba kung bakit. Sa dami ng nagpipilit na pumasok sa isip ko di na ko magkandaugaga kung ano una kong iisipin.  Hays! Bago nga pala naging kami ni Yuji, I was in a realationship. We've been together for 5 years at walang pwedeng sumisi sakin kung bakit hanggang ngayon sumasagi at sumasagi siya sa isip ko tulad ngayon.

"Hoooyy! tulala ka na naman " biglang pitik ni Yuji sa harap ng muka ko. 

"Uhmm iniisip ko kasi yung trabaho.. Ang hirap maghanap! anong petsa na oh? Wala pa din hanggang ngayon. "  palusot ko nalang.

"Babe makakahanap ka din niyan,  ikaw pa galing mo kaya makisama . " Kumunot noo ko sa sinabi niya.

" Ano konek naman non? " sagot ko.

"Kasi ganito yan babe, ikaw yung tipo ng tao na sa unang kita palang magagandahan na sayo, madali kang makagaanan ng loob, magaling kang makisama, madali kang ma-aappreciate ng magiging kawork mo pati ng boss mo.. isa pa ngiti mo palang nakakabighani na . Sino bang di magkakagusto sayo diba? "  sabay kindat pa niya.

Yun yung isa sa nagustuhan ko sa kanya e lagi niya kong tinataas, ina-uplift yung spirit ko.  Magkaibigan lang naman kami nung una, nakilala ko pa siya dahil isa siya sa naging model ni Ex. Siya yung unang nag-approach sakin nun kasi daw napansin niya kong lagi lang nakabuntot kay Natalie. Kung ako daw sa kanya hindi daw ako hahayaan dun na nagmumukmok sa isang tabi. Sagot ko nga sa kanya nun, busy lang yung tao. Nagtrip pa nga siya na pag nilingon daw sakin ex ko after minutes babawiin daw niya sinabi niya pero ni hindi man lang ako sinulyapan ng ex ko nun.  Then we exhanged number na kahit nung una ayoko baka kasi magalit sakin si Natalie kaso mapilit siya. 


SubstituteWhere stories live. Discover now