Chap Xlll.

11.5K 75 13
                                    

"Don't let negative pictures play on the movie screen of your mind. You own the remote control. All you have to do is change the channel."



 Payne POV


7 am ng umaga.  Gising pa ko. Nakakasura. Maya-maya dadating na si Yuji. Sasabihin ko ba sa kanya? 

Kanina ko pa din pinagmamasdan tong booklet na to di ko naman magawang buksan. Dahan dahan kong binuklat yung first page. Ang ganda lang kasi purple yung kulay niya tapos parang computerized pagkakasulat..  TODAY . MAy title pa talaga ha? 

Today you met someone named Yuji. I was a lil bit jealous, but i never wanted you to see me that i am. So i pretended na ok lang, I had no time para magcomplain e. I was busy.    

Nung panahon pala na yun? Alam niya na i was talking with someone?

Today nalaman ko na nakipagkita ka kay Yuji, but i never confronted you instead i told you that i'm glad you met someone na makakasama mo habang wala ako. Pero yung totoo? nagsimula na kong matakot, na baka dahil meron ka ng masasandalan ma-itsapwera na ko.   

She could've just said no, okay lang naman sakin. 

Today i pretended na busy ako sa paglalaro ng games, Why? kasi inuulan ako ng selos sa pag-iisip kung ano ginagawa mo kasama siya. Nagpaalam ka kasi sakin na magkikita kayo ni Yuji at iinom kayo. Ayoko sana, kaya lang ayokong isipin mong napakahigpit kong gf.  

WTF? sobrang galit ako sa kanya that time,akala ko inuuna pa niya maglaro ng games. Sinadya ko pa siyang pagselosin para lang na sa'kin atensyon niya. Instead binalewala niya lang sinasabi ko.

Today napuno ako sayo. Kasi naman napapadalas na yung pagkikita niyo. Sinabi kong iwas iwasan mo na pakikipagkita sa kanya pero nagalit ka. Sabi mo, ngayon ka nalang nagkaroon ng kaibigan tapos aalisin ko pa. Hindi na ko umimik , pero sa loob-loob ko bakit nung ako nasa posisyon mo noon? sinunod kita.. Kahit mawala na silang lahat wag ka lang mawala ginawa ko yung gusto mo.

Today ito yung pinakamasakit na salitang narinig ko sayo. " Hindi na ko masaya . Napapagod na ko sa set up natin. Hindi ko na kaya yung ganito.  "   Pinilit kong ipaintindi sayo na baka nadadala ka lang sa sitwasyon natin na magkalayo pero gumuho mundo ko nung sinabi mong " Mahal na mahal kita pero wala nang rason pa" . Sa sobrang sakit ng nararamdamn ko, tumakbo ko kay Lissy humingi ng payo kung bakit nakuha mong sabihin yun. Wala kong nakuhang sagot. Iniisip ko nalang kaya siguro ganyan ka ngayon dahil meron ka ng nkakasama.

Today is my worst day ever. Sa dami ng araw na on/off break tayo.Dito ko lang nafeel na ayaw mo ng talaga. Ang dami mong dinahilan, kesyo tutal ayaw naman ng mama ko sayo, tutal di ka na nakakatulong sakin, tutal lagi mo kong nasasaktan, tutal pagod na kong pakisamahan ka maghiwalay nalang tayo. Sinabi mo pang " di ko na yatang panindigan, di ko na kayang tuparin mga pangako ko sayo" . Kulang nalang umulan ng luha at lunudin na ko. Ang sakit sakit Payne.

Today i saw some of your pictures together with Yuji.  Habang ako dito lugmok na,nakukuha mo pang magsaya. Galing mo . Ang galing galing mo Payne!

Today, di ako kumain. Wala din akong tulog ng maayos. Naiisip kasi kita. Namimis kita Payne.

Today may nakilala ako, nakakatuwa nga e. Her name is Diane. She was the one who messaged me first then ayun nagkasundo kami knowing na we have much things in common. Saya nga e! Ikaw?kamusta? 

SubstituteWhere stories live. Discover now