Chap l.

69.2K 407 33
                                    

A/N:  Marami sa inyo naguguluhan. Ofcourse, you're in the wrong story. This is not for those who don't know about SAME SEX RELATIONSHIP. So pinangungunahan ko na po kayo , it's a girl to girl relationship story meaning lesbian/bi/ gay or whatever you may call it ang related dito.  I don't want to explain further, if you want to know more about it  'RESEARCH' . Libre ang google. Thankyou :)



Magkausap kami ni Yuji sa phone , ang sweet sweet niya talaga. Alam mo yung feeling na wagas ka niya pag-effortan?  Kaya nga kahit may puwang pa din sa puso ko si Nathalie, hindi ko maikakailang madaling mahulog kay Yuji. I still remember that day , when i had to say yes to her . 




Naglalakad kami sa mall nun, holding hands. Bigla siyang huminto at giniya akong umupo sa isa sa mga bench dun tapos may tumunog na kanta.


Hawakan mo ang kamay ko ng napakahigpit,
Pakinggan mo ang tinig ko, oooh di mo ba pansin?



Hinawakan niya ang kamay ko, tapos nagsimula ng kumanta. Kinindatan pa ako , ang korni lang.



Ikaw at ako, tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako, di na muling magkakalayo




Kitang kita ko sa mata niya yung sincerity, kung paano niya ko titigan non. 



Sa tuwing kasama ka, wala nang kulang pa,
mahal na mahal kang talaga, tayo ay iisa.

Kulang na lang ata pumikit pa siya sa pagkakakanta niya. Katuwa lang na kahit merong ibang nakatingin na samin di niya alintana yung sasabihin ng iba.





Ikaw at ako, tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako, di na muling magkakalayo


Unos sa buhay natin, di ko papansinin
Takda ng tadhana, ikaw ang aking bituin.



Ay! tapos na pala yung kanta niya. Di ko na namalayan. Ang konti ng lyrics? Nevermind.  Nakaupo na siya sa tabi ko. Sumandal sa balikat ko. Habit na ata niya ang sumandal sa balikat ko.




"Nagustuhan mo ba yung kanta ko? Hindi talaga ko kumakanta pero para sayo inalis ko na ang hiya ko" tumawa siya. May kinukuha siya sa bulsa niya then inabot niya sakin. Isa yung keychain pero may nakasabit na teddy bear na maliit.


"Wowww! ang cute cute naman kasing chubby mo.. "  sabay tawa ko.



"Sama nito, eh mas kasing chubby mo yan kaya nga binili ko." at ngumiti siya. Yung ngiting hindi mo talaga maitatago ang saya.



"Ano papangalan natin dito? Oso? Saltik? o chubby? " tanong ko sa kanya.



"Tutal kasing bilog mo to, ediiiii "  nakakunot noo ko nun , malamang may kaadikang naisip yan.




"CHUBBILOG. "  lakas ng tawa niya nun. Sabi na e kalokohan na naman naisip. 



"Sige!call ako jan.. dapat ikaw din meron kasi masasad siya na mag-isa lang "   Request ko naman.



"Pwede ba namang mag-isa lang si chubilog? " may kinuha ulit siya sa bulsa niya at yun nga lumabas ang matabang panda.   May iba akong naisip sa panda pero hindi siguro ito ang tamang oras para isipin yun. 



Kinuha ko sa kanya yung  panda at pinair-up kay chubilog.   " Aba! bagay na bagay sila ah!"



"Parang TAYO" sabad naman niya. Tinignan ko siya kasi parang may meaning yung mga tingin niya kanina pa.


"Bakit hindi nalang maging tayo? " sabay tanong niya.

SubstituteWhere stories live. Discover now