Chap X.

11.2K 84 3
                                    

Payne's POV.

It's Saturday night. Yippeeee! Yuji and i must celebrate later. Monthsary na namin bukas. Plan ko sa discohan kami until mag 12 midnight na. 

"Babe saan tayo mamaya " Yuji asked.

"Gusto ko disco tayo para masaya. " sagot ko naman.

" Hilig lang sa disco ha? lalasingin mo na naman ako. "  

" Wow? sino kaya satin ang malakas uminom ?"  Nasa bahay lang kami. Feeling wasted walang magawa eh. Kesa naman lumabas kami manood nalang kami ng movies. Kastress lang kasi ang iingay ng mga pamangkin ko ayaw ko pa naman manood ng may maingay.

"Labas tayo babe? " aya ko.

" Babe tinatamad ako. Lalabas naman tayo mamaya e. Pagpahingahin mo muna ko. "  


"Sabi ko nga e. "  Hays! gusto ko lumabas. Iwan ko kaya tong babae na to! Ayun at mgpapahinga daw pero nglalaro lang sa phone niya. Buti pa si Natz kapag inaya ko yun kusa na magbibihis tapos lagi pa taas ng level ng energy parang di nauubusan kahit anu pang ginawa niya nun. Hala?? Bat na naman napasok yun sa kukote ko? Erase! shit!

Nakapalumbaba lang ako sa sofa at nakatitig sa screen ng TV.  " Araaaayy! " bigla kasing tinanggal ni Yuji yung kamay ko sa pagpalumbaba napalakas yung tabig niya.

"Dahan dahan naman nakakasakit na e. " Irap ko sa kanya.

"Ang sungit mo naman!? Malas yan e dimo ba yun alam? " inirapan ko lang ulit siya.

"Hayaan ng malas, malas naman sadya! "

"Don't say that! Ang nega mo talaga.! "  Animong tatayo na ko ng bigla niya kong hinatak papunta sa kanya. 

" Bitawan mo ko! "   

" Ayoko! Saan ka muna pupunta? " tanong niya.

" Malayo sayo! " Nagsalubong ang kilay niya at sumimangot binitawan ako bigla. 

" Bilis mo naman pala sumuko ano? "    Di siya umimik. 

"Ano? Sabayan ng inis ba to? " tanong ko sa kaniya.

" Nakakapagod ka na. " Napatigil ako at nilingon siya ulit. 

"Wow??? Anong sabi mo? " Umiling siya at may balak ata pumunta ng kwarto. 

" Uuuuuyyyy LQ!! " biglang epal naman ng kapatid ko. 

"Tumahimik ka jan Archie kung ayaw mo mapagbuntunan kita" tahimik naman agad. Thank God.

Pumunta nga si Yuji ng kwarto, nakadapa na't nglalaro pa din sa phone. 

" Bumangon ka dyan! "  

"Ayoko! " sagot niya.

" Ano yung nakakapagod na ko na sinasabi mo? " Pilit ko siyang tinatayo sa kama pero winawasiwas niya lang kamay niya.


" Ano ba!?? " sigaw niya.

" Lintik naman oh. Nakakaboring na nga, ang ingay-ingay na, makakarinig ka pa ng di maganda! Ang malas talaga! " Dabog ko.

"Yan! yan yung nakakapagod. You're always complaining. Ayaw mo nun, ayaw mo nito, Nakakainis to, nakakainis yan, bwisit si ganito, bwisit si ganyan, Ang malas ng araw ngayon, malas bukas. Nakakapagod ng intindihin yung tantrums mo, yung mga self pitying mo na akala mo naman makakatulong para sayo! Ginagawa ko naman lahat ah? Pinagpapasensiyahan kita sa tuwing badmood ka, sa tuwing moody ka. Bakit pakiramdam ko ang dami mong reklamo sa buhay mo nung dumating ako? pakiramdam ko hindi ka masaya, feeling ko tuloy pinipilit mo lang lahat. " Napaupo ako sa kama sa mga sinabi niya. I can't find words to spell out. Parang napipi ako.

Substituteحيث تعيش القصص. اكتشف الآن